Part 3

1490 Words
"Really?" hindi makapaniwalang wika ni Bua habang nagsusulat sa library. Kasama niya sila Nychaa at Yaya. "Oo huwag kang maingay nasa library tayo." bulong ni Yaya kay Bua. "Ang swerte mo naman Yaya tuturuan ka ni God of Water kung paano lumangoy." ani Nychaa habang kinikilig. "Ito na ang pagkakataon mo Yaya para mayakap si God of Water." natatawang wika ni Bua. "Sira ka talaga." ani Yaya at tinapik si Bua sa balikat. "Nagbibiro lang naman ako Yaya." aniya. "Kunwari nalulunod ka tapos sasagipin kaniya with matching cpr." ani Nychaa habang kinikilig. "Ang dumi naman ng isip niyong dalawa." ani Yaya habang nagpipigil ng tawa. "Quiet!" sigaw ng head ng Library ng marinig ang pag uusap nilang tatlo. Agad silang yumuko at kunwaring nagbabasa ng libro. "Sabi ko na sa inyo eh huwag kayong maingay." ani Yaya. "Mamaya na lang tayo mag usap kapag nasa dorm na tayo." ani Nychaa. --- Samantala nagpapractice si Mark sa swimming pool para sa makipagcompete sa Luvis University. "Good Job Mark siguradong mananalo tayo nito." saad ng kaniyang coach na si Von. "Sino ba ang makakalaban ko?" tanong ni Mark habang pinupunasan ang kaniyang basang buhok. "Si Harvin, magaling siya at ni minsan wala pa siyang talo kagaya mo." aniya at iniabot ang bottled water. "This time magkakaroon na siya ng talo." aniya at ininom na ang kaniyang tubig. "I know you can do it." saad ni Coach Von. "I'm leaving may kailangan pa akong asikasuhin." paalam ni Coach Von at tinapik si Mark sa kaniyang balikat bago umalis. Samantala naglalakad sila Nychaa, Bua at Yaya papunta sa Cafeteria. "Malapit na ang Swimming Competition dito sa school natin." saad ni Nychaa. "Balita ko nga ang makakalaban ni God of Water ay magaling wala pa siyang talo kahit isa." ani Bua. "Syempre susupurtahan natin ang Prince natin. Nakasisiguro akong mananalo siya." ani Nychaa. "Anong mayroon doon?" saad ni Yaya ng mapansing nagkukumpulan ang mga tao sa bulletin board. "Tara tignan natin." ani Bua at sabay sabay silang tumakbo at nakipagsiksikan. "Student Night?" masayang wika ni Nychaa. "Wow panigurado akong pupunta ang God of Water natin." tili ng isang babae. "Magpapaganda ako mamaya." saad ng isang babae. Agad namang hinila ni Bua sila Nychaa at Yaya papalabas sa taong nagkukumpulan. "Pupunta ba kayo?" tanong ni Bua habang hawak hawak ang kamay nila Nychaa at Yaya. "Syempre Oo." ani Nychaa. "Hindi ako sanay sa mga ganiyan." ani Yaya. "Yaya naman eh minsan lang ito." ani Bua habang nakabusangot. "Saka wala akong susuoting damit." ani Yaya. "Nychaa tara na maghahanap tayo ng susuoting damit para mamaya." ani Bua at hila hila parin ang kanilang kamay habang naglalakad. "Saan mo kami dadalhin?" tanong ni Yaya. "Basta sumunod na lang kayo." aniya. Habang naglalakad sila ay may biglang tumawag kay Yaya. "Yaya." sigaw ni Zhyan. Napahinto silang tatlo sa paglalakad at napalingon. "Zhyan?" hindi makapaniwalang wika ni Yaya. "Kilala mo siya?" bulong ni Bua. "Oo bestfriend ko siya simula Highschool." ani Yaya agad namang lumapit si Zhyan sa kaniya. "Kamusta hindi mo man lang sinabi na dito ka mag aaral." bulyaw niya. "Sorry dito kasi ako natanggap bilang scholar." paliwanag niya. "Okay lang dito narin ako mag aaral." saad niya. "By the way this is Bua and Nychaa. Dorm mates ko." saad niya. "Hi/Hello." saani ni Bua at Nychaa. "Saan nga pala kayo pupunta? Tara sa cafeteria tayo libre ko." saad ni Zhyan. "Sige ba." tugon ni Bua. "Ikaw talaga kanina ang sabi mo maghahanap tayo ng damit basta pagkain na ang pag uusapan ay hindi ka makatatanggi." natatawang wika ni Nychaa. "Masanay na tayo kay Bua." ani Yaya at humalakhak ng malakas. Sa kabilang dako ay pinipilit ni Masubat Louis si Mark. "Mark sumama ka na kasi." saad ni Louis habang nakaupo sa gilid ng pool katabi si Masu. "I'm not interested." ani Mark at umahon na sa pool. "Mark namin eh kapag wala ka siguradong walang pupunta." ani Masu. "Its not my fault." ani Mark at dumiretso sa locker. Sumunod naman si Masu at Louis sakaniya. "Look at him ang perfect na niya pero wala parin siyang girlfriend." ani Masu. "Ano bang gagawin natin Masu ng mapapayag natin si Mark na pumunta sa Student Night." ani Louis. "Ilibre natin siya sa Cafeteria." saad ni Masu at napatayo para kunin ang mga bag nila. "Good idea." ani Louis. "It depends." ani Mark at kinuha ang bag niya kay Masu. "Ililibre natin siya ng masarap." ani Louis at inakbayan si Masu. Sabay sabay silang nagpunta sa Cafeteria. "Ang dami mo namang inorder." lumaki ang mata ni Bua ng makita ang pagkaing inorder ni Zhyan. "Kumain lang kayo huwag kayong mahihiya." aniya at tumabi kay Bua katapat si Yaya. Samantala katabi naman ni Yaya si Nychaa. "Bakit ka nga pala nagtransfer dito?" tanong ni Yaya habang sumisimsim ng Juice. "Wala kasi akong close friend doon." aniya. "Sumabay ka na lang sa amin palagi." saad naman ni Bua. "Naku gusto mo lang ilibre ka ni Zhyan ng pagkain araw araw." pang aasar ni Nychaa. "Don't worry hindi naman mauubos ang pera ni Zhyan dahil mayaman siya." ani Yaya. "Look! Look! si God of Water paparating." tili ni Nychaa. Napalingon naman lahat ng tao sa cafeteria ng dumating si Mark. "God of Water?" nagtatakang wika ni Zhyan. "Oo famous siya sa University na ito dahil sobrang galing niya sa pagswimming." ani Bua habang kinikilig. "Hindi naman siya ganoon kagwapo." bulong ni Zhyan. "May sinasabi ka Zhyan?" tanong ni Yaya. "Wala, Wala kumain na lang tayo lalamig na ang pagkain." ani Zhyan. "Oo nga pala." ani Bua at sumubo ng sumubo. "Yaya kumain ka lang pumapayat ka na." ani Zhyan at nilagyan si Yaya ng drumstick sa kaniyang pinggan. "Thank you." nakangiting wika ni Yaya. "Pupunta ka na ba Mark?" tanong ni Masu ng ilapag ang order niyang pagkain. "Let's see." nakangiting wika ni Mark dahil kahit kailan ay madaling utuin ang dalawa niyang kaibigan ngunit napawi ang kaniyang ngiti ng mapansing nilagyan ng drumstick ang pinggan ni Yaya ng isang lalaki at masaya silang nagkwekwentuhan. "Mark okay ka lang?" tanong ni Louis ng mapansing tinutusok tusok ni Mark ang kaniyang drumstick. Napatingin naman sila Masu at Louis kung saang direksyon nakatingin si Mark. Kumaway si Masu sa harapan ni Mark. "Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Masu. "Huh? wala wala." ani Mark ng matauhan. "By the way mamayang gabi na ba ang Student Night?" tanong ni Mark. "Oo akala ko ba hindi ka interesado?" nagtatakang tanong ni Masu. "Nagbago na ang isip ko." aniya at itinuon ang pansin sa pagkain at minsan ay napapatingin sa gawi nila Yaya. "Mukhang may paparating na bagyo." bulong ni Masu kay Louis. "Nakakatakot." tugon naman ni Louis. Gabi na ng matapos sila Nychaa, Bua at Yaya. Simpleng white floral dress lang ang suot ni Yaya at inilugoy ang kaniyang buhok na may kulot sa dulo. "Wow, you're so beautiful Yaya." manghang wika ni Bua. "Nahihiya ako." ani Yaya at tinakpan ang kaniyang dibdib dahil hindi siya sanay sa suot. "Ano ka ba ang ganda mo kaya." ani Nychaa. "Syempre magaling ako sa pag aayos." ani Bua at kinindatan si Yaya. "Maganda si Yaya kahit anong suotin niya kaya siguradong pagtitinginan siya mamaya." saad ni Bua. "Shall we?" tanong naman ni Nychaa. "I'm so excited." ani Bua at sabay sabay silang lumabas sa dorm at dumiretso sa Hall. "Cheers!" saad ni Louis, Masu at Mark. "Tignan mo naman ang daming girls na nakatingin sa atin." ani Masu habang umiinom. "Nakatingin silang lahat kay Mark." saad ni Louis. Hindi naman mapakali si Mark sa kaniyang kinauupuan hindi niya alam kung darating ba si Yaya sa event. "Bua samahan mo ako sa Cr nasira ang make up ko." ani Nychaa. "Hintayin ko na lang kayo rito." ani Yaya at palinga linga sa paligid. Naglakad si Yaya upang maghanap ng pwesto nila at sakto naman ay mayroon pang bakante sa dulo. Habang naglalakad siya ay may nagmamadaling tumakbo dahilan para mapasubsob siya at may natamaang babae. "Look what you've done!" sigaw ni Piak nabuhusan ng Juice ang kaniyang damit. "Sorry I didn't mean it." ani Yaya. "Sorry? wala ng magagawa ang sorry mo." sigaw nito sa kaniya. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa palagid. "Nakakahiya naman siya." saad ng isang babae kay Yaya. "Kasi hindi tumitingin sa dinadaanan niya naghahanap ata ng atensyon." saad naman ng isang lalaki. "Sorry talaga hindi ko sinasadya." ani Yaya ngunit kumuha si Piak ng isang basong Juice at ibinuhos iyon kay Yaya. Pinagtatawanan na siya ng mga tao sa kaniyang paligid. Hinila ni Piak ang damit ni Yaya sa beywang dahilan para mapunit ito. "Iyan ang nababagay sa'yo!" saad ni Piak. Naiiyak na si Yaya dahil sa nangyari hindi niya alam kung anong gagawin. Tinakpan niya ito gamit ang kaniyang kamay ang napunit na bahagi ng kaniyang damit. Ngunit nabigla siya ng may lalaking lumapit sa kaniya at isinuot niya ang kaniyang tuxedo kay Yaya. "Are you okay?" tanong ni Mark na ikinabigla ni Yaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD