Part 5

1513 Words
"Tama ang sinabi mo kagabi may ticket na ako ngayon." aniya at sinend na ito kay Poseidon. Pagkalabas ni Yaya ay dali dali siyang nagtungo sa classroom nila. Nang makarating na siya sa classroom nila ay palinga linga siya upang hanapin kung nasaan sila Bua at Nychaa. "Yaya." saad ni Bua at ikinaway niya ang kaniyang kamay agad naman itong napansin ni Yaya. Agad namang lumapit si Yaya sakanila. "Syempre kailangan tabi tabi tayo." ani Nychaa. Umupo na si Yaya sa tabi ni Nychaa. "Wala pa ba si Teacher?" tanong ni Yaya napatingin si Bua sakaniya. "Wala pa bakit?" tanong nito. "May good news ako." nakangiting wika ni Yaya. "Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Nychaa ng marinig ang sinabi ni Yaya. Binuksan ni Yaya ang kaniyang bag at inilabas ang VIP Ticket. "Surprise." aniya at ipinakita ang ticket. "Wow saan mo ito nakuha?" nagulat si Bua ng makita ang hawak ni Yaya na ticket. "Sa atin ba ito?" hindi makapaniwalang wika ni Nychaa. "Oo bigay sa akin iyan ng Dean kasi scholar ako rito." nakangiting wika ni Yaya. "The best ka talaga Yaya." masayang wika ni Bua at niyakap si Yaya. "Ililibre ko kayo ng Dinner mamaya." ani Nychaa at itinago ang ticket sa kaniyang wallet. Sakto namang dumating ang Teacher nila. "Good Day everyone. I am your Teacher in English Literature. My name is Maxine Klyde. I have one rule in my class. You can not speak another language in short english only." ani Teacher Maxine. "Teacher can I ask you a question?" tanong ni Eren isang babae na kulot ang buhok na mukhang matalino. "What is it?" tugon naman ni Teacher Maxine. "What is the punishment if we speak another language except english?" tanong niya. "I will reduce your points and lower your grades." striktong wika niya. "Nakakatakot naman itong teacher na ito." bulong ni Bua kay Yaya. "Kailangan nating mag aral ng mabuti dito." tugon ni Yaya at napansin iyon ni Teacher Maxine. "Urassaya you're not listening!" sigaw ni Teacher Maxine at agad napatayo si Yaya. "No Teacher." sagot nito. "If you're really listening recite the Sonnet 18." masungit na wika niya. Huminga ng malalim si Yaya at tumayo ng matuwid. 'Shall I compare thee to a summer’s day? Thou art more lovely and more temperate: Rough winds do shake the darling buds of May, And summer’s lease hath all too short a date; Sometime too hot the eye of heaven shines, And often is his gold complexion dimm'd; And every fair from fair sometime declines, By chance or nature’s changing course untrimm'd; But thy eternal summer shall not fade, Nor lose possession of that fair thou ow’st; Nor shall death brag thou wander’st in his shade, When in eternal lines to time thou grow’st: So long as men can breathe or eyes can see, So long lives this, and this gives life to thee." aniya at pumalakpak ang kaniyang mga kaklase. "Not bad. You may now take your seat." saad ni Teacher Maxine. Ngumiti naman si Bua at Nychaa sakaniya. ------ "Mark sasama ka ba sa amin mamaya?" tanong ni Masu habang isinusuot ang kaniyang t-shirt. "May swimming class ako mamaya." tugon naman ni Mark habang nagbabasa ng libro. "Hay naku wala ka ng ibang ginawa kundi mag-aral at magtraining sa pool." ani Louis habang nakaupo sa kaniyang kama. "By the way Mark pwede humiram ng jersey mo?" saad ni Louis at lumapit kay Mark. "Nasa locker ko malapit sa pool." aniya at tumingin kay Louis. "Sige pupuntahan ko na lang doon mamaya." aniya. "Louis kilala mo ba iyong bagong transfer na student?" tanong ni Masu. "Hindi bakit?" ani Louis. "Ang sabi kasi magaling siya sa basketball at sikat siya sa Middle Class." ani Masu. "May picture ka ba sa kanya?" tanong ni Louis. "Sandali mayroon ako rito eh." saad ni Masu at hinanap iyon sa kaniyang cellphone. Nang makita niya ay lumapit siya kila Mark at Louis. "Gwapo siya ha." ani Louis. Napatingin naman si Mark sa picture at naaalala niyang ito ang kasama nila Yaya sa cafeteria noong isang araw. "Zhyan ang pangalan niya." ani Masu. "Compared kay Mark na Top Scorer at God of Water ng campus na ito wala paring makakatalo sakaniya." pagmamalaki ni Louis. "Talented kaya si Mark kaso zero experience in terms of girlfriend." saad ni Masu at tumawa naman si Louis. Tinignan naman ng masama ni Mark sila Masu at Louis. "Peace." ani Louis at lumayo kay Mark. "Correction." saad ni Mark na ikinahinto nila Mark at Louis at napatingin silang dalawa sakaniya. "My girl is on the way." aniya at nagpatuloy sa pagbabasa. "Totoo ba ang sinasabi niya." bulong ni Louis kay Masu. "Hindi ko nakikitang nagjoke si Mark siguradong seryoso siya." tugon ni Masu. "Tignan na lang natin." ani Louis. "Okay, this is for today's lesson." ani Teacher Maxine. "Sa wakas tapos narin sumasakit na ang ulo ko." ani Nychaa at hinihilot ang kaniyang sentido. "Nakakanosebleed." ani Bua na kunwaring pinupunasan ang kaniyang ilong. "Tara na umuwi na tayo ng makapagpahinga na ang mga brain cells natin." ani Yaya at kinuha na ang kaniyang bag. Ng akmang aalis na sila ay tumunog ang kaniyang cellphone. "Si Teacher Loreal." ani Yaya. "Sagutin mo baka importante." ani Nychaa. Agad namang sinagot ni Yaya ang tawag. "Hello?" aniya. "Urassaya are you available today?" tanong ni Teacher Loreal. "Yes Teacher tapos na po ako sa klase ko." tugon niya. "May appointment ako sa Friday kaya I don't have time para masamahan ka sa Swimming Class mo at may competition si Mark ng Friday. Tapos na ang group mates mo naturuan na sila ni Mark ikaw na lang ang kulang." saad ni Teacher Loreal. "Sige po Teacher pupunta na po ako ngayon sa pool." saad ni Yaya. "Nandoon na si Mark ikaw na lang ang hinihintay niya." tugon naman ni Teacher Loreal at pinatay na ang tawag. "Bakit daw?" nagtatakang wika ni Bua. "May swimming class ako ngayon." aniya. "Huh? bakit biglaan naman yata." nagtatakang tanong ni Nychaa. "Mamaya ko na lang iexplain sa inyo naghihintay na ang coach ko." nagmamadaling wika ni Yaya. "Sige na baka magalit pa ang coach mo hintayin ka na lang namin sa dorm." ani Nychaa. Nagmamadaling tumakbo si Yaya patungo sa pool area. Samantala nasa pool area si Piak dahil narinig niya na may swimming class ngayon si Mark. "Bakit wala pang tao." aniya ng mapansing walang tao sa pool area. Nang makarinig ng yapak ng paa si Piak ay agad siyang tumalon sa pool. Hingal na hingal si Yaya ng makarating siya sa pool area. "Help! Help! I'm drowning." sigaw ni Piak at nagkunwaring nalulunod. "Hindi ako marunong lumangoy." natatarantang wika ni Yaya. "May tao ba riyan?" sigaw ni Yaya. Dali dali namang lumabas si Mark mula sa locker room ng makarinig ng sigaw. "Somebody is drowning." ani Yaya at lumapit kay Mark. "Can anybody drown in such a shallow swimming pool." saad ni Mark ng makita si Piak. "Maybe she is drowning." nag aalalang wika ni Yaya. "She is such a lousy actress." ani Mark. "Help! help!" sigaw ni Piak. Itinulak ni Yaya si Mark sa pool dahil gusto niyang iligtas ni Mark si Piak ngunit nahawakan ni Mark ang kamay ni Yaya kaya sabay silang nahulog sa pool. Napahawak si Yaya sa leeg niya habang nasa ilalilm sila ng pool dahil hindi siya marunong lumangoy. Sa hindi inaasahan napasubsob si Yaya sa labi ni Mark. Lumaki ang mga mata ni Yaya ganoon din si Mark. Parang tumigil ang mundo nilang dalawa na ang tanging t***k lang ng puso nila ang kanilang naririnig. "My first kiss." ani Yaya sa kaniyang isip ng matauhan ay itinulak si Mark. Napalayo si Mark kay Yaya; ngunit hindi marunong lumangoy si Yaya kaya hindi siya makaangat sa tubig. Lumapit si Mark sakaniya at hinawakan ito sa beywang at iniahon ito sa tubig. "Mark nandito ka ba?" tanong ni Louis ngunit nakita niyang may nalulunod kaya tumalon siya sa tubig at iniligtas si Piak. "Are you okay?" tanong ni Louis at natatawa dahil mababaw lang ang tubig kung saan siya nakapwesto. Nainis si Piak dahil hindi si Mark ang nagligtas sa kaniya. "Nakakainis!" padabog na umakyat si Piak at tumakbo palayo kay Louis. Samantala ng makaakyat si Yaya sa edge ng pool ay dali dali siyang tumakbo hawak hawak ang kaniyang bibig. "Sandali ang gamit mo." sigaw ni Mark at umahon sa tubig. Ngunit hindi lumingon si Yaya mas binilisan niya pa ang kaniyang pagtakbo. Napahawak si Mark sa kaniyang mga labi ng maalala ang nangyari kanina at napangiti siya. Kinuha ni Mark ang gamit ni Yaya at nalaglag ang Application Form niya sa Music and Sport Department. "Mark." tawag ni Louis sakaniya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Mark. "Hihiramin ko sana ang jersey mo kaso may babaeng nalulunod." ani Louis na ikinatawa naman ni Mark. "Alam kong umaarte lang siya kaya hindi mo siya tinulungan." ani Louis at tinapik ang balikat ni Mark at dumiretso na sa locker room. Nang mapansing nalaglag ang form ay pinulot ni Mark iyon. "Rejected?" nagtatakang wika niya. "Kailangan kung gumawa ng paraan." saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD