Nakita ni Mark na napahawak si Yaya sa pader at unti unti itong natumba kaya tumakbo siya ng mabilis upang hindi bumagsak sa sahig si Yaya.
"Urassaya! Urassaya!" nag aalalang wika ni Mark ng masalo si Yaya. Ngunit nawalan na ng malay si Yaya. Hinawakan niya ang noo nito at naramdaman niyang inaapoy siya ng lagnat. Kaya binuhat niya ito at dinala sa Campus Hospital.
Buti na lang at nakacap siya kung hindi ay baka pagtsismisan silang dalawa ni Yaya. Mabilis na tumakbo si Mark at ng makarating sa Campus Hospital ay inihiga niya ito sa Hospital Bed.
"Nahimatay po siya tapos inaapoy siya ng lagnat." hingal na wika niya dahil malayo layo rin ang kaniyang tinakbo.
"Don't worry umupo ka muna roon." saad ng Doctor at itinuro ang waiting area.
Agad namang sinunod ni Mark ang bilin ng Doctor. Umupo siya sa waiting area at hindi maalis ang tingin kay Yaya.
"Silly girl bakit hindi na lang siya nagpahinga sa Dorm niya." nag aalalang wika niya. Hindi siya mapakali paminsan minsan ay tumatayo, umuupo at pabalik balik ng lakad. Baka may dengue siya or baka mas malala pa roon kaya siya nawalan ng malay. aniya"
"Okay naman ang pasyente mataas lang ang lagnat niya kaya siya nawalan ng malay. Ililipat namin siya ng room and better to buy this." saad ng Doctor at binigay ang prescription kay Mark.
"Sige po Doc." ani Mark. Bago siya umalis ay tinignan niya muna si Yaya at nagtungo na sa pharmacy. Bumili na rin siya ng porridge at prutas saka bumalik din kaagad sa hospital. Nadatnan ni Mark si Yaya na may nakakabit IV Fluids. Inilapag niya ang biniling prutas at porridge sa mini table malapit sa Bed ni Yaya.
"Mabuti naman at walang masamang nangyari sa'yo." aniya habang inaayos ang kumot ni Yaya. Kumuha siya ng upuan at itinabi iyon malapit sa bed ni Yaya.
Habang nakatitig si Mark kay Yaya ay biglang tumunog ang kaniyang Cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at sinagot ito.
"Hello Dad?" saad ni Mark.
"Mark anak nakauwi na kami ng Mom mo galing ibang bansa." masayang wika ng kaniyang Ama.
"Kailan pa Dad?" hindi makapaniwalang wika niya.
"Kahapon lang anak alam namin na busy ka sa school kaya hindi ka na namin nasabihan. By the way binilhan ka namin ng apartment malapit sa campus niyo." saad ng kaniyang Ama.
"Huh? okay naman ako sa dormitory Dad." aniya.
"Don't worry pwede ka namang mag stay sa dorm mo at pwede rin dito. Oh siya pumunta ka na lang dito mamayang gabi busy pa kami ng Mom mo sa pag aayos ng mga bagong gamit mo." saad ng kaniyang Ama at pinatay na ang tawag.
Unti-unting gumalaw ang eyelid ni Yaya at unti unting bumukas ang kaniyang mga mata. Napalingon lingon siya at nakita si Mark na nakaupo habang hawak ang kaniyang cellphone.
"M-mark?" saad ni Yaya sa malamlam na boses.
Napalingon si Mark ng marinig ang boses ni Yaya.
"Gising ka na pala." aniya.
"Bakit ako nandito?" nagtatakang wika niya.
"Papunta akong office kanina at nakita kitang natumba kaya sinalo kita at dinala rito." paliwanag niya.
"Thank you." saad ni Yaya at ngumiti kay Mark.
"No problem." aniya.
"Siya nga pala may sasabihin ako." sabay silang nagsalita.
"Mauna ka muna." ani Mark.
"I'm sorry sa nangyari sa pool." paghingi ni Yaya ng tawad.
"It's not your fault actually I li-" hindi na naituloy ni Mark ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating si Zhyan.
"Yaya anong nangyari sa'yo okay ka lang ba?" nag aalalang wika ni Zhyan at hinawakan si Yaya sa noo.
"Okay lang ako." tugon ni Yaya kay Zhyan. Napabaling naman ng tingin si Zhyan kay Mark.
"What are you doing here?" masungit na wika niya.
"Tinulungan niya ako Zhyan." ani Yaya.
Hindi na lang pinansin ni Mark si Zhyan bagkus ay tumayo siya at nagpaalam kay Yaya.
"Urassaya aalis na ako. Nakalapag nga pala lahat ng kailangan mo sa mini table. Kung okay ka na pwede na kitang turuan sa Swimming Class mo puntahan mo lang ako sa pool." saad ni Mark habang nakatingin kay Zhyan.
"Thank you." saad ni Yaya at tango na lang ang isinagot ni Mark. Naglakad na siya palabas ng room ni Yaya.
"May sasabihin lang ako kay Mark." paalam ni Zhyan at sumunod kay Mark.
Hindi pa man nakakalayo si Mark napahinto siya ng marinig ang boses ni Zhyan.
"Mark." saad niya na ikinatigil ni Mark sa paglalakad at lumingon. Lumapit si Zhyan kay Mark.
"What is your relationship with Yaya?" tanong niya.
"It doesn't matter." seryosong wika niya.
"From now on stay away to her." galit na wika niya.
"You can't control me!" seryosong wika ni Mark at nagpatuloy na sa paglalakad.
"I will never let you win." aniya at bumalik na sa kwarto ni Yaya.
"Anong pinag-usapan niyo ni Mark?" tanong ni Yaya ng makitang pumasok na si Zhyan sa kaniyang kwarto.
"Wala, nagpasalamat lang ako." tugon niya at naupo sa kama ni Yaya.
"Kailangan mong magpahinga Yaya para lumakas ka." saad ni Zhyan.
"Matutulog muna ako." ani Yaya at ipinikit ang kaniyang mga mata. Inayos naman ni Zhyan ang kumot ni Yaya.
"Ako lang ang pwedeng mag alaga sa'yo." saad ni Zhyan habang nakatingin kay Yaya. Napabaling ang tingin niya sa mga binili ni Mark. Tumayo siya upang kunin ang prutas at porridge at itinapon iyon sa basurahan.
-----
Samantala ng mareceived na ni Mark ang message ng kaniyang Ama ay agad siyang nagtungo sa bago niyang apartment.
"Mom! Dad!" ani Mark habang pinipindot ang doorbell sa pader malapit sa pintuan.
"Oh Son." masayang wika ng kaniyang Ina na si Marzyn na isang Neurologist.
Agad niyakap ng kaniyang Ina si Mark.
"I miss you Son." aniya at niyakap ng mahigpit si Mark.
"Me too Mom." ani Mark at niyakap ng mahigpit ang kaniyang Ina. Isang taon na silang hindi nagkikita.
"Papasukin mo muna ang anak mo para makapag usap tayo ng maayos." saad ng kaniyang Ama na si Marvic isang Physical Therapist. Parehong Doctor ang kaniyang mga magulang ngunit Architecture ang kaniyang kinuha.
"Mom, Dad bakit bigla yata kayong umuwi?" tanong ni Mark habang umuupo sa sofa.
"Kasi ang Daddy mo may ginagawang research kaya magstay kami rito ng isang buwan." paliwanag ng kaniyang Ina.
"Sa Yuzhen University ako kukuha ng data kaya ako ang lecturer sa First Year Physical Therapy Students next week." saad ng kaniyang Ama habang inilalapag ang sandwich at juice sa mini table ng sofa.
"Kaya samahan mo ang Dad mo ha." saad ng kaniyang Ina.
"No problem Mom." ani Mark habang sinusubo ang sandwich.
"Dito ka muna anak at may gagawin pa kami ng Dad mo." paalam ng kaniyang Ina at agad nagtungo sa kusina.
Napabaling ng tingin si Mark sa paper na nakalapag sa mini table. Nakasulat doon ang name ng Physical Therapist na tuturuan niya.
(14. Urassaya Sper)
Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Mark ng mabasa ang pangalan ni Yaya.
------
Sa kabilang dako akay akay ni Zhyan si Yaya papunta sa girl's dormitory. Nasa tapat siya ng pintuan kasama si Yaya dahil bawal siyang pumasok sa loob. Hinihintay niya sila Bua at Nychaa.
"Yaya." sigaw ni Bua ng nakarating sa labas.
"Anong nangyari sa'yo?" nag aalalang wika ni Nychaa.
"Long story." ani Yaya.
"Sige na iakyat niyo si Yaya sa itaas para makapagpahinga na siya." saad ni Zhyan.
"Thank you Zhyan. Bumalik kana rin sa Dorm mo." ani Yaya kay Zhyan at nag umpisa na silang umakyat sa itaas.
Nang makarating sila Yaya sa kwarto nila ay agad nilang pinaupo si Yaya.
"Sabi ko naman sa'yo eh dapat nagpahinga ka na lang rito sa bahay." ani Bua at umupo sa tabi ni Yaya.
"Don't worry okay na ako ngayon saka tinulungan ako ni Mark." nakangiting wika niya.
"Mark?" hindi makapaniwala si Nychaa sa sinabi ni Yaya.
"Oo siya ang nagdala sa akin sa Hospital." ani Yaya.
"Ang swerte mo naman Yaya. Sabi ko na nga ba eh mabait si Mark hindi katulad ng iniisip niya ng dahil diyan susuportahan natin siya sa game." ani Bua habang kinikilig.
"Oh sige na Yaya magpahinga kana para gumaling ka agad." ani Nychaa.
Umakyat na si Yaya sa kaniyang kama ganoon din sila Nychaa at Bua. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at minessage si Poseidon.
"May good news ako natanggap ako sa Music Department at Libre ang Training Fee." ani Yaya at humiga na sa kaniyang kama habang hinihintay ang reply ni Mark.
Samantala nakaupo si Mark sa study table niya ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone at nabasa ang message ni Yaya.
"I told you kaya huwag kang negative mag isip." reply niya.
"Yeah, you're right siya nga pala kakalabas ko lang ng hospital kaya ngayon ko lang nasabi sa'yo." saad ni Yaya.
"Are you okay?" nag aalalang wika niya.
"Okay na ako ngayon." tugon niya.
"Magpahinga kana para lumakas ka." ani Mark at naglakad patungo sa kaniyang kama.
"I can't sleep, may hindi maalis sa isip ko." ani Yaya.
"Who?" nakunot ang wika ni Mark ng mabasa ang message ni Yaya.
"Dinala niya ako sa hospital kanina. I don't know why hindi siya maalis sa isip ko." reply ni Yaya.
Napangiti si Mark sa nabasa ang buong akala niya ay si Zhyan ang tinutukoy niya.
"Hindi ko na aalamin kung sino basta matulog kana baka sakaling mapanaginipan mo pa siya." tugon ni Mark.
Napangiti si Yaya sa sinabi ni Poseidon.
"Good night." reply niya. Hawak hawak niya ang kaniyang cellphone na nakapatong sa kaniyang dibdib.
Binasa na lamang ni Mark ang huling message ni Yaya at natulog ng may ngiti sa kaniyang labi.
Kinaumagahan maagang gumising si Yaya upang pumasok.
"Yaya magaling ka na ba?" tanong ni Bua habang nag aayos ng buhok.
"Oo saka kailangan ko ng maisubmit ang score ko sa swimming class." ani Yaya habang inilalagay ang kaniyang gamit sa bag.
"Sige kita na lang tayo mamayang lunch." saad ni Nychaa.
Nagmamadaling umalis si Yaya at agad nagtungo sa pool area. 8:30 na ng umaga sigurado siyang nasa pool area na si Mark.
"May tao ba rito?" saad ni Yaya ng makitang walang tao sa pool area.
"Mukhang wala siya rito." aniya habang naglalakad lakad. Napagpasiyahan niyang umalis na lang ngunit ng humarap siya ay nakita niya ang isang lalaking naka swimming trunks. Basang basa ang kaniyang buhok, kitang kita ang makisig niyang pangangatawan at maputi nitong balat.
Lumaki ang mga mata ni Yaya at napaatras sa kaniyang kinatatayuan ng magtama ang kanilang mga mata.