Part 8

1640 Words
Dahan dahang naglakad si Mark ng may marinig na boses nasa locker room siya dahil kanina pa siyang ala sais ng umaga nagtratraining siya para sa contest niya bukas. Nakita niya ang isang babaeng nakatalikod na parang may hinahanap. "Mukhang wala siya rito." aniya habang naglalakad lakad. Napagpasiyahan niyang umalis na lang ngunit ng humarap siya ay nakita niya ang isang lalaking naka swimming trunks. Basang basa ang kaniyang buhok, kitang kita ang makisig niyang pangangatawan at maputi nitong balat. "Urassaya?" ani Mark ng makita si Yaya. Lumaki ang mga mata ni Yaya at napaatras sa kaniyang kinatatayuan ng magtama ang kanilang mga mata. "Are you okay?" kunot noo niyang tanong ng makitang pulang pula ang mukha ni Yaya. Lumapit siya rito at hinawakan ang noo ni Yaya. "O-okay lang ako." utal na wika niya. Nag iinit ang pisnge ni Yaya ng maramdaman niyang lumapat ang palad ni Mark sa kaniya. "Mabuti naman. Nandito ka ba para sa Swimming Class mo?" tanong niya habang pinupunasan ang kaniyang buhok. "O-oo. Magbibihis lang ako." aligagang wika ni Yaya at tumakbo ng mabilis papunta sa banyo. "Am I that scary?" nagsalubong ang kaniyang kilay habang nakatitig kay Yaya. Habol ni Yaya ang kaniyang hininga ng makarating sa banyo. Nakatitig siya sa salamin. Tinapik tapik niya ang kaniyang mukha. "Focus Yaya, Focus Yaya. Ano ka ba anong ginagawa mo." saway niya sa kaniyang sarili habang nakatitig sa salamin. "Huwag mong pansinin ang kagwapohan niya. Nandito ka para sa grades mo sa P.E. Oo kaya kailangan mong manahimik." bilin niya sa kaniyang sarili. Huminga muna siya ng malalim bago nagpalit ng damit. Nakaupo naman si Mark sa edge ng pool tanging swimming trunks lang ang suot niya. Habang nakalublob ang kaniyang paa sa swimming pool ay iniisip niya ang competition bukas. Sa kalagitnaan ng kaniyang pag iisip napalingon siya ng makarinig ng ingay. Tulala siya ng lumabas si Yaya mula sa banyo. Naka long sleeve rash guard ito at kitang kita ang maputi nitong legs at sexy nitong katawan. Napalunok siya at agad nag iwas ng tingin. "Shall we start." saad ni Mark na parang walang nangyari ngunit ang totoo ay hindi siya makatingin ng maayos kay Yaya. Napatayo si Mark at huminga ng malalim. "First dumapa ka sa edge ng pool. Ituturo ko sa'yo ang breaststroke." saad ni Mark. Agad namang dumapa si Yaya. Umupo naman si Mark sa tabi niya. "Arms forward." saad niya agad naman itong sinunod ni Yaya. "In breaststroke kailangan mong alalahanin ang 4 things na ito: Pull, Breath, Kick and Glide." saad ni Mark habang nakatingin naman sa kaniya si Yaya. "Eyes should be pointed towards the bottom of the pool." saad ni Mark agad namang tumingin sa ibaba ng pool. "Mali ang pwesto ng kamay mo." saad ni Mark kaya dumapa rin siya katabi ni Yaya. Hinawakan niya ang kamay ni Yaya at inayos ito. Dahan dahang napalingon si Yaya kay Mark ilang inches na lang ang layo nila sa isa't isa. Napansin ni Mark na nakatitig si Yaya sakaniya kaya lumingon siya rito dahilan para sumagi ang ilong niya kay Yaya. Ilang segundo silang nagtitigan ngunit natauhan si Mark at inilayo ang kaniyang mukha. "Don't look at me!" seryosong wika niya. Napakurap-kurap naman si Yaya dahil sa ginawa niya. Kunwaring galit siya ngunit palihim naman siyang napapangiti. Halos kalahating oras nagturo si Mark sa edge ng pool. Hindi mahirap turuan si Yaya dahil matalino ito. "Are you ready? Try naman natin sa pool." ani Mark at inilahad ang kaniyang kamay upang tulungang makatayo si Yaya. Agad namang hinawakan ni Yaya ang kaniyang kamay. "Thank you." aniya. Napatingin si Mark kay Yaya at napasulyap din si Yaya sa kaniya. "You can do it." saad niya. Pumwesto na si Yaya sa edge ng pool at tumalon. Sinunod niya ang pull, breath, kick at glide na tinuro sakaniya ni Mark. Napapangiti si Mark sa ginawa ni Yaya para na itong profesyonal sa paglangoy. Napahinto si Yaya sa kalagitnan ng pool at pinunasan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad. "Alam ko na!" masayang wika nito habang nakatingin ito kay Mark. "Good job!" tugon ni Mark. ---------- "Piak!" saad ni Sandara habang nag memake up si Sandara ay Kaibigan siya ni Piak na parehong kumukuha ng journalism kasama si Myles. "Oh?" ani Piak at tinaasan ng kilay si Sandara habang hawak hawak niya ang kaniyang cellphone. "Umagang umaga ang sungit mo na Piak?" ani Myles na kararating lang. "Paano naman kasi, kilala niyo ba iyong nakabuhos sa akin ng Juice noong student night." inis na wika niya. Umupo naman si Myles katabi ni Sandara kaharap si Piak. "Oh that Girl! You know what I hate her masyado siyang papansin kay God of Water." pataray na wika niya. "At alam niyo ba isa siyang scholar dito sa Yuzhen ibig sabihin isa siyang poor girl." saad ni Sandara habang inaayos ang kaniyang gamit dahil tapos na siyang magmake up. "At alam mo ang nakakainis doon pati si Zhyan Amber lagi niyang kasama." nanggagalaiting wika ni Myles. "Paano kaya kung maaalis siya sa scholar siguradong maaalis siya sa university na ito." ani Piak at ngumiti na parang may binabalak ng masama. "Anong plano mo?" tanong ni Sandara. "Just wait." saad ni Piak. -------- "Nasaan ka na Bua? Nandito na ako sa cafeteria." saad ni Nychaa. Hawak niya ang cellphone sa kanan at kaliwa naman ay ang tray ng pagkain na binili niya. Dahan dahan siyang naglalakad dahil baka matapon ang hawak niya. "Sandali na lang ito." ani Bua sa kabilang linya. "Sige bilisan mo para makapaglunch na tayo." saad ni Nychaa. Nagulat si Nychaa ng may humawak sa tray ng pagkain niya. Napatingin siya sa lalaki at napangiti dahil sa taglay nitong kagwapohan may dalawa itong dimples ng ngumiti ito sakaniya. "Tulungan na kita." saad ni Masu. "S-sige salamat." ani Nychaa at hinayaan na si Masu na bitbitin ang pagkain na binili nito "Dito na lang." ani Nychaa at itinuro ang mesa na walang nakaupo. Agad namang inilapag ni Masu ang tray. "Thank you." ani Nychaa. "You're welcome. Sige aalis na ako." ani Masu at lumakad na paalis. Samantala nakatitig parin si Nychaa kay Masu na naglalakad palayo. "Ano kayang pangalan niya?" ani Nychaa sa kaniyang isip. Sa kabikang dako naglalakad si Bua papunta sa cafeteria ng kanilang campus. Ngunit nakasalubong niya si Zhyan. "Oh Zhyan saan ka pupunta?" tanong ni Bua. "Hinahanap ko kasi si Yaya nakita mo ba siya?" saad ni Zhyan. "Ahh nasa pool area siya ngayon may swimming class siya." tugon ni Bua. "Sige salamat pupuntahan ko na lang siya." nagmamadaling wika niya at naglakad na palayo. "Teka pupunta rin dito sa Yaya hintayin mo na lang siya." sigaw ni Bua ngunit hindi na iyon narinig ni Zhyan. "Ang galing mo na." saad ni Mark ng makaahon si Yaya sa pool. "Dahil magaling ka magturo." ani Yaya at napangiti naman si Mark. Kinuha ni Mark ang tuwalya sa upuan at inilagay iyon sa likuran ni Yaya. "Baka magkasakit ka." saad nito at nagpunta sa harap ni Yaya. "Siya nga pala Good luck sa competition mo bukas." nahihiyang wika ni Yaya habang nakayuko. "Gagalingan ko kung pupunta ka." ani Mark dahilan para umangat ito at nagtama ang kanilang mga mata. "Just kidding." saad ni Mark. "Yaya nan-" hindi na naituloy ni Zhyan ang kaniyang sasabihin ng makita si Mark at Yaya na nakaharap sa isa't isa. Nagtatagis ang kaniyang bagang at napasandal sa pader. Dahil sa inis ay bigla na lang siyang umalis. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Mark mula sa mesa. "Sige magbibihis na ako." paalam ni Yaya para hindi na ito maistorbo si Mark. Nang makaalis si Yaya ay kinuha niya ang cellphone at sinagot ito. "Hello Coach Von." saad nito. "Mark pumunta ka ngayon sa office." utos ni Coach Von. "Sige magbibihis lang ako." saad ni Mark at pinatay na ang tawag. --------- Pagkatapos nagbihis ni Mark ay agad siyang dumiretso sa office ni Coach Von. "Come in." saad ni Coach Von ng marinig na may kumakatok. "Coach Von." saad ni Mark ng makapasok sa loob ng office. "Oh Mark umupo ka muna may good news ako sa'yo." masayang wika niya. "Ano iyon?" tanong ni Mark nang makaupo. "Isa ka sa napili na magtratrainig sa America." masayang wika ni Coach Von. Nagulat si Mark sa sinabi ni Coach Von hindi niya alam kung anong mararamdaman. "May problema ba? Next Week ka na aalis." ani Coach Von ng mapansing hindi sumasagot si Mark. "Wala naman Coach Von. Hanggang kailan ako doon?" tanong ni Mark. "Two Months pagkatapos non ay may competition ka sa America." ani Coach. "Pero Coach Von." aniya. "Ayaw mo bang pumunta? Hindi ba pangarap mo ito?" tanong niya. "Opo pangarap ko ito noong bata pa ako." ani Mark at napayuko. "Iyon naman pala eh bakit nag aalinlangan ka pa." saad niya. "Wala namang problema Coach Von. Sige aalis na po ako." saad ni Mark. Hindi na niya hinintay ang tugon ni Coach Von agad siyang lumabas sa opisina. Wala siya sa sarili habang naglalakad. Nang makalabas siya sa opisina ay naglakad siya patungo sa rooftop. "Bakit parang hindi ako masaya." tanong ni Mark sa kaniyang sarili habang nakatingin sa malayo. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at minessage si Urassaya. "Are you there?" saad niya. Samantala inaayos ni Yaya ang kaniyang rash guard sa banyo ngunit tumunog ang kaniyang cellphone kaya agad niya itong kinuha. "Yes, what's wrong?" tanong ni Yaya kay Poseidon. "I'm sad." aniya. Kumunot ang noo ni Yaya ng mabasa ang reply ni Poseidon. "Why?" tanong niya. "What if kailangan mong umalis para sa career mo pero parang may pumupigil sa'yo. Anong gagawin mo?" tanong ni Mark. "Sigurado akong may dahilan ka kung bakit ayaw mo umalis. Ano bang dahilan mo? tanong ni Yaya. "Ikaw, ikaw ang dahilan ko, ayokong malayo sa'yo." ani Mark sa kaniyang isip ng mabasa ang tanong ni Yaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD