Part 9

1740 Words
"Sigurado akong may dahilan ka kung bakit ayaw mo umalis. Ano bang dahilan mo? tanong ni Yaya. "Ikaw, ikaw ang dahilan ko, ayokong malayo sa'yo." ani Mark sa kaniyang isip ng mabasa ang tanong ni Yaya. Sa sandali iyong ipinikit ni Mark ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim kapag kuwan ay ibinuga niya rin ito. Magulo ang kaniyang isipan nahihirapan siyang magdesisyon pero kailangan niyang gawin iyon para sa career niya. "Bakit hindi na siya nagreply?" nagtataka si Yaya ng hindi nakapagreply si Poseidon dahilan para isipin niyang busy ito kaya gaya ng dati itinago na niya ang kaniyang cellphone sa ilalim ng unan. "Oh gabi na Mark competition mo bukas bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Masu habang bumababa sakaniyang higaan. Napalingon naman si Mark kay Masu na ngayon ay umiinom ng tubig. "Matutulog rin ako mamaya huwag ka mag-alala." tugon nito. "Sige Good night." ani Masu at bumalik na sa kaniyang higaan. Hindi na sumagot si Mark bagkus ay tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan. "Sisiguraduhin kong sa pagbalik ko hindi na kita pakakawalan." saad niya sa kaniyang isip at napagpasiyahan na niyang matulog. ---------- "Good morning!" masiyang sigaw ni Bua ng makabangon siya sa higaan. "Ang aga aga mo namang nagising." saad ni Nychaa na ngayon ay naghihikab pa. Bumangon si Bua at naglakad patungo sa higaan ni Yaya na ngayon ay tulog pa. Ala sais pa lang ng umaga may klase pa sila ng Alas otso. "Yaya gising na." ani Bua habang kinakalabit si Yaya. "Bua mauuna na akong maliligo." saad ni Nychaa habang naglalakad patungong banyo. "Sige bilisan mo at ako ang susunod." ani Bua. "Yaya gising na malalate na tayo." ani Bua habang niyugyog si Yaya. Nabalikwas ng bangon si Yaya ng marinig ang salitang late na. "Oo nga pala maaga ang pasok natin." saad ni Yaya habang kinukusot ang kaniyang mga mata. "Sige na bumungon kana riyan at sumunod ka pagkatapos kong maligo." ani Bua. Bago bumaba si Yaya sa kaniyang higaan ay kinuha niya muna ang cellphone sa ilalim ng kaniyang unan at tinignan kung nagreply na ba si Poseidon. "Hindi parin siya nagrereply." malungkot na wika niya habang nakatingin sa conversation nila kagabi. "Bakit ko nga ba hinihintay ang message niya ang weird naman." saad niya habang nakakunot ang kaniyang noo. ------------ "Mark galingan mo mamaya." saad ni Masu na ngayon ay sumisimsim ng kape habang nakaupo sa maliit na dining table na pangtatlohan lamang ang pwedeng kumain. "Don't worry hindi iyan matatalo para saan pa at tinawag siyang God of Water." pagmamalaki ni Louis habang isinusuot ang kaniyang sapatos. "Manonood ba kayo mamaya?" tanong ni Mark habang nakasandal sa pader at nakacross ang kaniyang braso. "Syempre naman para saan pa at binigyan mo kami ng Ticket diba?" ani Masu. "Siya nga pala may ibabalita ako sa inyo." seryosong wika ni Mark. "Ano iyon?" tanong ni Louis. "Aalis na ako next week papunta sa ibang bansa!" saad ni Mark. Nanlaki naman ang mata ni Masu dahil sa sinabi ni Mark. "Ano!" napatayo si Louis sa kaniyang pagkakaupo at tinignan si Masu. "Masu mukhang nagbibiro ata si Mark." aniya. "Totoo magi-stay ako doon ng 2 months para sa training." aniya at pasalin-salin ng tingin sa dalawa. "Nakakalungkot naman, pero sige ihahatid ka namin sa Airport." ani Masu at pilit na ngumiti kay Mark. "Mauuna na ako kailangan ko pang magpunta sa office ni Coach Von." paalam ni Mark sa dalawa at kinuha na ang kaniyang bag. Sinundan naman nila ng tingin si Mark na ngayon ay papalabas na ng pinto. "Kahit na ganoon si Mark mamimiss ko parin siya." saad ni Louis at napasinghap. "Ako rin pero babalik naman siya eh kaya dapat suportahan natin siya." saad ni Masu na itinatago ang kaniyang lungkot na nararamdaman. ------------ "Piak tama na ba itong banner na gawa ko?" tanong ni Myles habang hawak hawak ang Banner na naglalaman ng "Go! God of Water!" "Maganda naman siya." saad ni Piak habang nagmamake-up. "Kailangang mauna tayo sa pool area para sa harap tayo nakaupo." saad ni Sandara. "Hindi dapat tayo maunahan ng iba lalong lalo na ang Urassaya na iyon." inis na wika ni Piak habang nakataas ang kaniyang isang kilay. "You're right." saad ni Sandara. Samantala nagpapractice si Mark sa pool area kasama si Coach Von. "40. 36 Seconds." saad ni Coach Von bakas sa mukha niya ang pagkadismaya "Mayroon bang bumabagabag sa'yo Mark bakit mabagal kang lumangoy?" tanong ni Coach Von. Umupo naman si Mark sa edge ng pool at tumabi sakaniya si Coach Von. "Wala naman po Coach Von kulang lang ako siguro ng tulog." pagsisinungaling ni Mark. "Magpractice ka muna mamaya pa naman ang Competition mo." saad ni Coach Von. Napatayo siya at naglakad patungo sa locker room. Wala sa sarili si Mark iniisip niya kung pupunta ba si Yaya sa competition niya. "Hindi pwedeng matalo ako." saad ni Mark sa kaniyang sarili. Tumayo siya at tumalon sa pool at nag umpisa ng lumangoy. "Honoré de Balzac was a French novelist and playwright. The novel sequence La Comédie humaine, which presents a panorama of post-Napoleonic French life, is generally viewed as his magnum opus." saad ng kanilang English Teacher. Samantala naglalayag ang isipan ni Bua dahil matagal magdiscuss ang kanilang teacher. Pasulyap-sulyap siya ng tingin kay Yaya na ngayon ay busy sa pagsusulat. Kinalabit niya ito at agad namang nalingon si Yaya sa kaniya. "Matagal pa ba?" bulong ni Bua sakaniya. "Hintayin mo na lang malapit ng matapos." tugon ni Yaya. Napahinto si Teacher Maxine sa pagdi-discuss ng mapansing nagsasalita si Yaya. "Miss Sper you're not listening!" sigaw ni Teacher Maxine at ibinagsak ang libro na hawak nito. Napahinto naman lahat sa pagsusulat at napatingin kay Yaya. "Ma'am it's not-" hindi na naituloy ni Bua ang kaniyang sasabihin dahil hinawakan siya ni Yaya sa kaniyang kamay. "Sorry Ma'am." paghingi niya ng tawad. "As your punishment you will clean the room after class." masungit niyang sabi at nagpatuloy na sa pagdi-discuss. Napasulyap si Bua kay Yaya na ngayon ay nagsisisi kung hindi niya kinausap si Yaya ay hindi iyon mangyayari. Nginitian naman ni Yaya si Bua dahil bakas sa mukha nito ang pag aalala Ilang minuto lang ang makalipas ay natapos narin ang kanilang klase. "Yaya I'm sorry." ani Bua at hinawakan siya sa kaniyang kamay. "Okay lang Bua." kalmadong wika ni Yaya habang inaayos ang kaniyang gamit. "Don't worry Yaya magrereserba kami ng upuan para sa'yo." saad ni Nychaa. "Oo nga pala ngayon ang competition ni God of Water sige na mauna na kayo para nasa harapan ang upuan natin." nagawang ngumiti ni Yaya ng maalalang ngayon ang competition ni Mark. "Pero Yaya." malungkot na wika ni Bua ayaw niyang iwan si Yaya na mag isa samantalang sila ay nagsasaya na nanonood. Ilang minuto na lang at mag uumpisa na ang contest ni Mark siguradong hindi ito makakahabol. "Sige na bibilisan ko na ang paglilinis para makahabol ako." saad niya. "Oh sige basta humabol ka ha." ani Bua at Nychaa at saka sila naglakad paalis. Sinundan naman ni Yaya ng tingin ang dalawa bago siya mag umpisang maglinis. -------- "Go! God of Water!" sigaw ng isang estudyante. "Tignan mo si Mark ang gwapo niya talaga." kinikilig ng wika ng isang babae. "Ang swerte talaga ng magiging girlfriend niya." tugon naman ng katabi nito. Samantala nasa Track 3 si Mark nagi-stretching katabi niya si Harvin na isa sa pinakamatindi niyang kalaban. Nakasama na niya ito sa Physical Education coaching. "Goodluck." saad ni Harvin habang nagi-stretch. Napasulyap naman si Mark sakaniya. "Ikaw din." tipid na wika nito at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Pasulyap-sulyap siya sa mga audience nakita niya si Masu at Louis na magkatabi. Naroon din ang mga kaibigan ni Yaya nagtataka siya kung bakit wala ito. Ito ang unang laban niya na manonood si Yaya ngunit wala ito. "Tignan mo si Mark parang may hinahanap." bulong ni Masu kay Louis. "Oo nga noh baka si Coach Von." tugon ni Louis. Nagkibit balikat naman si Masu sakaniya. Hindi mapakali si Mark dahil tatlong minuto na lang ay mag uumpisa na ang competition. Huminga siya ng malalim. "Focus Mark! baka may dahilan siya." pagkumbinsi ni Mark sa kaniyang sarili pero hindi niya parin maiwasang hanapin si Yaya. "Contestant get ready." saad ng MC. "Mag uumpisa na wala parin si Yaya." nag aalalang wika ni Bua habang nakatingin sa entrance ng pool area. "Don't worry makakahabol iyon." saad ni Nychaa. Napayuko na lang si Mark dahil hindi na talaga darating si Yaya dahil mag uumpisa na ang competition pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napatingin sa Entrance at nakita si Yaya na hingal na hingal dahil sa pagtakbo. Agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin kay Yaya. Maslalo siyang ginanahan sa competition. Noong una ay wala siyang inspiration sa paglalaro pero nabago ang lahat ng muli silang magkita ni Yaya. "Look! look! Piak si Mark nakatingin sa'yo." saad ni Myles. Napangiti naman si Piak sa sinabi ni Myles at ngumiti ng pagkamis tamis kay Mark. "Yaya dito!" sigaw naman ni Bua ng makita si Yaya. Napalingon si Yaya ng marinig ang boses ni Bua kaya agad siyang lumapit at umupo sa tabi nila. "Go! God of Water!" sigaw nilang tatlo. "Contestants Ready." saad ng MC. Agad naman nilang sinuot ang kanilang googles at nagumpisa ng mag bend. "Go!" sigaw ng MC. Naunang tumalon si Mark sumunod naman ang iba. Napasigaw naman ang mga students ng Yuzhen University ng naunang tumalon si Mark. "Ang galing talaga ni Mark." saad ni Noem katabi si Steff. Mabilis ang paglangoy ni Mark siya ang unang nakarating sa kabilang side ng pool kasunod naman niya si Harvin. Agad niyang sinipa ang tiles sa kabilang side ng pool at mabilis na ginamit ang kaniyang kamay. Napatayo ang lahat ng mga estudyante ng Yuzhen kasama sila Yaya ng unang makahawak ng edge ng pool ay si Mark. "I love you God of Water!" sigaw ng isang estudyante. "Manlilibre na naman si Mark nito." masayang wika ni Louis. "Tama ka riyan." saad ni Masu at inakbayan si Louis. Sa hindi inaasahan ay napatingin siya kay Nychaa na nakangiti hindi niya alam pero lumakas ang t***k ng puso nito. "It's her." ani Masu habang nakatitig kay Nychaa. Samantala niyugyog ni Nychaa si Yaya dahil sa sobrang saya dahil nanalo si Mark. "Ang galing mo talaga." ani Yaya habang nakatitig kay Mark hindi niya alam kung namamalikmata siya dahil nakita niyang ngumiti si Mark sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD