Part 10

1872 Words
Nakatayo si Mark sa 1st Place at suot suot ang kaniyang Golden Medal katabi naman niya si Harvin na nasa 2nd Place suot suot ang Silver Medal. Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Mark dahil ito ang unang competition niya na nanood si Yaya. "Kung pwede lang batiin natin si Mark sa personal kanina ko pa nagawa kaso ang hirap niya lapitan at masungit siya." saad ni Bua. Napatingin naman si Yaya kay Bua. Maswerte siya kahit papaano dahil nalalapitan niya si Mark at nakakausap ito. Bigla siyang napahawak sa labi niya ng maalala ang nangyari sa pool. "Okay ka lang ba yaya?" tanong ni Nychaa ng mapansing nakahawak si Yaya sa kaniyang labi. "Huh okay lang ako huwag mo akong alalahanin." tugon nito. "Tara umuwi na tayo." saad ni Bua bakas ang lungkot sa kaniyang mukha dahil hindi niya nabati si Mark ng Congratualations. "Sinong tinitignan mo riyan?" tanong ni Louis kay Masu at napatingin sa direksiyon kung saan nakatingin si Masu. "She's cute." ani Masu at napangiti habang nakatitig kay Nychaa. "Huh?" naguguluhan si Louis dahil hindi niya alam kung sinong tinutukoy ni Masu. Nakita niya na paalis na sila Nychaa kaya napatayo si Masu. At sabay takbo palapit sakanila Yaya. "Sandali saan ka pupunta?" tanong ni Louis at sinundan si Masu. Buti na lamang at nakaalis na ang ibang audience kung hindi ay baka hindi niya na maabutan sila Nychaa. "Sige kailangan ko pang pumunta sa supermarket eh." saad ni Yaya. Sumulyap muna si Yaya kay Mark ngunit busy na ito kausap ang ibang tao kaya nagpatuloy na lang sila sa paglalakad. "Sandali!" sigaw ni Masu napalingon naman silang tatlo. "Ako?" tanong ni Nychaa at sabay turo sakaniyang sarili tango naman ang isinagot ni Masu at dali daling lumapit sakaniya. "Sandali parang kilala kita. Oo, ikaw iyong lalaking tumulong sa akin sa Cafeteria." saad niya. "Oo ako nga. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ni Masu. Napangiti naman sila Yaya at Bua dahil kinikilig sila sa dalawa. "I'm Nychaa Dao and you are?" tanong niya at inilahad ang kaniyang kamay. "I'm Masu from Civil Engineering Department." tugon niya at nakipagkamayan kay Nychaa. Samantala abalang abala si Mark sa pakikipag usap sa mga reporters. Napatingin siya sa direksiyon nila Yaya nagulat siya ng makitang kasama nila si Masu. Akmang maglalakad na si Mark ngunit hinarang siya ni Piak. "Excuse I'm Piak one of the journalist in our university pwede ba kitang mainterview." tanong nito. Nagpapalit-palit si Mark ng tingin tatanggi na sana siya ngunit dumating si Coach Von. "Sige na Mark magpa interview kana." utos nito. Walang nagawa si Mark kung hindi magpainterview kay Piak. "Ito nga pala sila Urassaya and Bua my room mates." pagpapakilala ni Nychaa sa dalawa. "Hello I'm Masu." aniya at nakipagkamay kay Yaya at Bua. "By the way I'm Louis room mates ni Mark at Masu." masayang wika nito at nakipagkamay rin sa tatlo. "Available ba kayo tomorrow?" tanong ni Masu. "Oo available kami. Saturday bukas kaya walang pasok bakit mo tinatanong?" Biglaang sagot ni Nychaa nagpantay naman ang kilay ng dalawa dahil hindi sila tinanong ni Nychaa kung available ba sila tomorrow. "Invite ko sana kayo sa birthday ko gaganapin sa sea side." saad ni Masu. Napakunot naman ang noo ni Louis dahil nakalimutan niya na birthday na pala ni Masu bukas at nakalimutan niya ito. "Really? Nakalimutan ko na birthday mo pala bukas." ani Louis. Sinamaan naman ng tingin ni Masu si Louis dahil sa sinabi at hinampas ito sa tiyan. Napadaing naman si Louis sa ginawa ni Masu sakaniya. "Can I add you in Yuzhen App?" tanong ni Masu at nginitian si Nychaa. "Sure." saad nito at inilabas ang kaniyang cellphone. Inilabas ni Masu ang kaniyang cellphone at ini-scan ang QR Code ni Nychaa. "Sigw aalis na kami see you." saad ni Nychaa at nagpaalam narin sila Yaya at Bua sakanila. "Ingat!" sigaw ni Masu at napangiti. Hinampas ni Louis si Masu sa braso dahil ngumiti itong mag isa. "Anong nginingiti mo riyan?" natatawang wika nito. "Inggit ka lang kasi magkakaroon na ako ng girlfriend." pagmamalaki nito. "I don't care." saad nito. Nang matapos na ang interview ni Mark ay tumingin siya sa direksiyon nila Yaya ngunit sa kasawiang palad ay wala na sila roon. Huminga siya ng malalim at bumalik na sa loob ng Locker room. Pangiti ngiti naman si Nychaa habang naglalakad kasama sila Yaya at Bua. Napansin ni Yaya na wala sa sarili si Nychaa kaya sumenyas siya kay Bua. "Ehemmm." ani Bua dahilan para mabalik si Nychaa sa kaniyang katinuan. "Anong nginingiti mo riyan?" pang aasar ni Yaya. "Huh? masama bang ngumiti?" tanong nito. "Masama kong mag isa ka lang ngumingiti." natatawang wika ni Bua. "Ikaw ha sino si Masu?" pang aasar ni Yaya kay Nychaa. Hindi makatingin si Nychaa ng maayos sa dalawa. Namumula ang kaniyang pisnge at napansin iyon nila Bua. "Your face is blushing." saad ni Bua at itinuro ang mukha ni Nychaa. Humalakhak si Yaya at Bua ng malakas ng makita ang reaksiyon ni Nychaa. Hinawakan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at nagtatakbo palayo. "Tignan mo iyon halatang may gusto din siya kay Masu hindi man lang tayo tinanong kung available tayo bukas. "Okay lang wala naman tayong gagawin bukas." tugon ni Yaya. "Oh sige na alam kong may pupuntahan ka pa kaya aalis na ako." paalam ni Bua at kumaway kay Yaya bago umalis. Sinundan naman ni Yaya ng tingin ang papalayong si Bua bago siya magtungo sa Supermarket. -------- Sa kabilang dako nakaupo si Masu at Louis habang naglilista ng mga bibilhin para sa birthday niya bukas. Kailangan niyang bumili ng marami handa dahil pupunta si Nychaa kailangan niyang magpaimpress sa dalaga. "Ang dami naman niyan sigurado ka bang mauubos natin iyan?" tanong ni Louis sakaniya habang binabasa ang isinusulat nito. "Marami tayo kaya dapat hindi maubos ang pagkain natin." pagpapaliwanag ni Masu. "Anong gagamitin nating sasakyan? Bakit sa sea side pa?" tanong ni Louis. "Mayaman si Mark pwede nating hiramin ang Van niya at saka mayroon din silang tent kaya walang problema roon." tugon niya. Napaisip naman si Louis sa sinabi ni Masu tama siya ngunit baka hindi pumayag si Mark. "Teka teka nasabi mo na ba ito kay Mark?" tanong ni Louis. Hindi nakasagot si Masu sa tanong ni Louis sakto namang dumating si Mark at dali dali siyang hinarang ni Masu. "Congratulations!" bati ni Masu sakaniya. "May kailangan ka ba?" diretsang tanong ni Mark dahil hindi siya babatiin ni Masu kung wala itong kailangan. Natawa naman si Louis sa sinabi ni Mark kaya nainis si Masu at binatukan si Louis. "Aray ko!" daing ni Louis ngunit hindi parin siya tumitigil sa pagtawa. "Ah ano kasi Mark gusto mo bang sumama bukas kasi birthday ko?" tanong ni Masu at napakagat ng labi dahil alam niyang hindi papayag si Mark. "No!" madiing wika ni Mark at dire-diretso sa paglalakad at inilapag ang kaniyang bag saka umupo sa kaniyang study table. Sinundan siya ni Masu at umupo sa tabi nito. "Sige na Mark please! aalis kana sa Tuesday kaya isipin mo na lang na farewell party mo ito." pagmamakaawa ni Masu at nagpa-puppy eyes kay Mark na parang bata. Tumayo naman si Louis at lumapit sa dalawa. "Mark pumunta ka na. Alam mo ba may nagugustuhan si Masu na babae at pupunta sila. Ano na nga ulit ang pangalan non? Nychaa at kasama ang mga kaibigan niyang si Urassaya at si Bua. Napakaganda ni Urassaya alam mo ba balak ko sanang i-add siya sa Yuzhen kaso umalis na sila agad." mahabang litanya ni Louis. Napahinto naman si Mark sa pagbabasa ng mabanggit ni Louis ang pangalan ni Yaya at tinignan si Louis ng masama. "I don't care those girls." pagsisinungaling niya ngunit sa kalooban niya ay masaya siya dahil kung papayag siyang sasama sa birthday ni Masu ay makakasama niya si Yaya. "Okay fine sasama ako." saad nito at nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro. Napatalon naman si Masu sa tuwa at nakipag apir kay Louis. "Sinabi mo na iyan at wala ng bawian." ani Masu kay Mark. Nagpatuloy sila Louis at Masu sa paglilista ng mga bibilhin bukas. Samantala napangiti naman si Mark ng maalala si Yaya. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya makakasama niya si Yaya bago siya umalis papuntang abroad. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Mark ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Tinignan niya iyon at sinagot ng makitang Mommy niya ang tumatawag. "Hello Mom?" aniya. "Son magluluto ako mamaya sa bahay pumunta ka ha magcecelebrate tayo." masayang wika ng kaniyang Ina. "Okay Mom papunta na ako." tugon ni Mark at pinatay na ang tawag agad niyang inayos ang kaniyang gamit. ----------- Samantala nag iikot-ikot si Yaya sa supermarket upang bumili ng preservative foods dahil bawal ang magluto sa dormitory tanging rice cooker lang ang kanilang ginagamit para sa pagluluto. Napadaan siya sa meat section bigla niyang naalala ang kaniyang Lola Cely namimiss niya na ang luto nito. "Miss marunong ka bang pumili ng fresh na meat?" tanong ng isang babae na maputi. Napalingon si Yaya sa babaeng kumakausap sakaniya. "Po? Opo marunong po ako." tugon ni Yaya. Pumili si Yaya ng fresh meat at inilagay ito sa plastic. "Saan mo natutunan iyan?" tanong ng babae. "Lola ko po ang nagturo sa akin." nakangiting wika ni Yaya. "Sa susunod magpapaturo ako sa'yo." aniya at nginitian si Yaya. "Wala pong problema." tugon ni Yaya. "Tapos ka na ba? Tara sabay na tayo sa counter." pag aaya niya dali dali namang sumunod si Yaya dahil tapos narin siya sa pamimili. Ilang sandali lang at natapos na sila sa pagbabayad. "May pupuntahan ka pa ba?" tanong ng babae napalingon naman si Yaya dahil inaayos niya ang kaniyang pinamili. "Wala na po." tugon niya. "Sige sumama ka na lang sa bahay namin at ipagluluto kita." pag aaya niya ngunit hindi alam ni Yaya ang kaniyang isasagot. "Hindi na po, nakakahiya po." ani Yaya. "Naku huwag kang mahiya tara na." wala ng nagawa si Yaya dahil hinawakan siya ng babae at hinila papunta sa parking lot. Hindi na umimik si Yaya habang nakasakay sila kotse ng babae. Napakabait ng babae siguradong maswerte ang mga anak nito " aniya. "Narito na tayo." saad ng babae at tinulungan si Yaya na bumaba ng kotse. "Ako na po ang magbubuhat niyan." ani Yaya at akmang kukunin ang pinamili ng babae. "Hindi ako na lang. Tara pumasok ka sa loob." saad niya. Sumunod na lang si Yaya at ng makapasok siya sa loob ng kanilang bahay ay napatulala siya dahil sobrang daming trophy at medalya na nakadisplay. Siguradong matalino ang anak nito. "Umupo ka muna Hija." saad ng babae at naupo naman si Yaya. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya. "Urassaya po." tugon niya. "May anak din ako siguri ka-edad mo lang siya o baka mas matanda pa siya sa'yo, hayaan mo at ipakikilala kita sakaniya. Sige hintayin mo na lang ako rito at maghahanda lang ako sa kusina." saad niya at tumango naman si Yaya bilang tugon. Palinga-linga si Yaya sa loob ng bahay. Napakalinis at napakaganda ng mga nakadisplay roon. Napalingon si Yaya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Nagulat si Yaya ng magtama ang kanilang mata. Hindi niya akalaing makakapasok siya sa bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD