Palinga-linga si Yaya sa loob ng bahay. Napakalinis at napakaganda ng mga nakadisplay roon. Napalingon si Yaya ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Nagulat si Yaya ng magtama ang kanilang mata. Hindi niya akalaing makakapasok siya sa bahay nito.
"Oh anak narito ka na pala?" saad ng kaniyang Ina at nilapitan si Mark.
"Mom what is this?" tanong niya sa kaniyang Ina. Hindi niya alam kung bakit nasa bahay nila si Yaya.
"Son she is Urassaya she helped me a while ago." paliwanag ni Marzyn.
"That's good." saad niya at dire-diretsong naglakad na parang walang pakialam.
Lumapit ang Ina ni Mark kay Yaya.
"Urassaya pasensiya na ha ganoon talaga ang anak ko masungit kaya wala siyang nagiging girlfriend." paliwananag ng kaniyang Ina.
"Okay lang po. Kilala ko po si Mark popular po siya sa campus namin dahil sa talented siya at matalino." ani Yaya at ngumiti sa Ina ni Mark.
"I like you napakabait mong bata." saad niya at hinawakan si Yaya sa kaniyang balikat.
"Mula ngayon Tita na lang ang itawag mo sa akin." dagdag niya dahilan para mapangiti si Yaya.
"Sige po Tita." tugon ni Yaya.
"Halika't tulungan mo na lang ako sa pagluluto." pag aaya ni Marzyn kay Yaya. Dali-daling sumunod si Yaya sa kusina at napalingon lingon muna sandali upang hanapin si Mark ngunit hindi niya ito nakita marahil ayaw niyang may pumupunta sa bahay nila.
Samantala dali-daling isinara ni Mark ang pintuan ng kaniyang kwarto at sumandal roon. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Coincidence ng magtapo sila ng kaniyang Ina at dinala pa siya rito.
"Alam mo Urassaya simula pagkabata iyang anak ko ay walang ginawa kung hindi mag-aral." kwneto ng kaniyang Ina habang hinuhugasan ang mga gulay.
"Pansin ko nga po kasi Senior ko po siya sa campus namin." ani Yaya habang hinihiwa ang cucumber.
"Ibig sabihin nasa iisang university lang kayo?" tanong ng kaniyang Ina.
"Opo Tita." tugon ni Yaya.
Samantala lumabas si Mark sa kaniyang kwarto at nagtungo sa kusina. Kunwari ay kumukuha siya ng tubig sa refrigerator ngunit hindi naman talaga ito ang pakay niya. Pasulyap-sulyap siya sa nakatalikod na si Yaya. Hindi napansin ni Mark na nakatingin pala ang Ina niya sa kaniya at napangiti ito. Alam niya na ngayon lang tumingin si Mark sa isang babae kaya tinawag niya ito.
"Mark halika rito at tulungan mo si Yaya sa paghiwa." utos ng kaniyang Ina at dali-dali namang itong sinunod. Tahimik lang si Yaya ng tumabi sakaniya si Mark.
"Ako na." saad ni Mark at dali dali namang ibinigay ni Yaya ang kutsilyo.
Pasulyap sulyap naman si Yaya sa kaniya habang hinihiwa ni Mark ang cucumber. Samantala kinikilig si Marzyn sa dalawa. Para sa kaniya bagay na bagay ang dalawa. Nang matapos si Mark ay iniwan na niya sa kusina at dumiretso sa sala upang manood. Busy ang kaniyang Ina at si Yaya sa pagluluto samantalang siya ay nakaupo at paminsan-minsan ay sumisilip sa dalaga.
"Son tara na kumain na tayo." tawag ng kaniyang Ina habang inaayos ang mga pinggan sa mesa.
"Sige na umupo kana Urassaya ako na bahala riyan." saad ni Marzyn. Pagkatapos maghugas ni Yaya ng kamay ay dumiretso sa mesa naroon na si Mark na nakaupo. Nahihiya siyang tumabi rito kaya naglagpas siya ng isang upuan at doon umupo.
"Kumain kayong mabuti celebration natin ito dahil nanalo si Mark." masayang wika ni Marzyn at napansin na hindi magkatabi sila Yaya at Mark kaya lumapit siya sa dalaga.
"Urassaya pasensiya na kasi sira ang upuan mo baka mapano kapa doon ka na lang umupo." saad ng kaniyang Ina at napatingin naman si Yaya kay Mark bago lumipat ng upuan. Nakakunot naman ang noo ni Mark dahil hindi naman sira ang upuan na iyon alam na niya ang binabalak ng kaniyang Ina kaya niya ito ginagawa.
"Sige kumain na kayo." saad ng kaniyang Ina at umupo na.
Tahimik lang na kumakain si Yaya ganoon din si Mark.
"Son you know si Urassaya same kayo ng university na pinapasukan." basag ng kaniyang Ina sa katahimikang bumabalot sakanila. Napalingon naman si Mark kay Yaya at binalingan ng tingin ang kaniyang Ina.
"I know naturuan ko na siya sa Swimming Class." walang emosyong wika ni Mark.
"Oh I see. Alam mo ba Urassaya walang Girlfriend ang anak ko kaya pwede kayo sa isa't-isa." saad ng kaniyang Ina at humagikhik.
"Mom." saway ni Mark dahil alam niyang nahihiya si Yaya kaya hindi siya makakain ng maayos.
"Okay. Kumain ka lang Urassaya feel at home sayang nga lang wala ang Daddy ni Mark hindi mo siya makikilala." ani Marzyn.
Napatingin si Yaya sa steak. At akmang kukuha ngunit sabay silang kumuha ni Mark at iisang steak ang natusok nilang dalawa. Dahan dahan silang napatingin sa isa't-isa. Unang umiwas ng tingin si Mark at kinuha ang steak at inilipag ito sa pinggan ni Yaya.
"T-thank you." saad ni Yaya at ngumiti kay Mark.
Napahagikhik naman ang Ina ni Mark dahil sa nangyari.
Tahimik lang silang kumakain hanggang sa matapos sila.
-----------
Nakaupo lang si Yaya sa sala habang hinihintay matapos ang Ina ni Mark sa paghuhugas ng pinagkainan.
"Urassaya okay ka lang ba?" tanong ng kaniyang Ina ng maabutan na nakaupo si Yaya.
"Opo Tita hinihintay ko lang po kayo dahil magpapaalam na ako." saad niya.
"Sige ihahatid na kita sa labas." saad ng Ina ni Mark at sinamahan si Yaya papalabas ng kanilang bahay.
Samantala nakasilip si Mark sa bintana ng kaniyang kwarto tinitignan niya kung nakasakay na ba si Yaya.
Kasama ni Yaya ang Ina ni Mark habang naghihintay ng taxi. Napalingon si Yaya sa gawi niya kaya agad niyang isinara ang bintana. Ilang minuto ang lumipas at muli niyang binuksan ang bintana ngunit wala na doon ang dalaga. Huminga siya ng malalim at marahas na ibinuga iyon sabay higa sakaniyang kama.
Sa kabilang dako gabi na ng makauwi si Yaya. Natagalan siya sa bahay nila Mark at hindi niya namalayan ang oras. Nang makapasok siya sa dorm nila ay naabutan niya si Bua at Nychaa na nakaupo sa sofa.
"Saan ka nanggaling ba't ang tagal mo?" tanong ni Nychaa habang hawak ang kaniyang cellphone kausap niya si Masu.
"May dinaanan lang ako." tugon niya.
"Tagal mo kaya nauna na kaming magdinner." saad ni Bua habang naglalagay ng facial mask.
"Okay lang kumain na ako." ani Yaya at umakyat na sa kaniyang higaan.
"By the way Yaya tuloy tayo bukas." ani Nychaa.
"Sus magkausap lang kayo ni Masu eh." pang aasar ni Bua.
"Totoo nga." saad ni Nychaa.
"Matulog na kayo tama na iyang asaran sige kayo baka haggard kayo bukas." ani Yaya kaya dali daling umakyat si Bua sa kaniyang higaan ngunit hindi iyon pinansin ni Nychaa.
"Susunduin namin kayo bukas ng lunch." reply ni Masu habang nakahiga sakaniyang higaan.
"Sige magreready na kami ng umaga." nakangiti si Nychaa habang kachat si Masu.
"Can't wait to see you." ani Masu. Napangiti ng wagas si Nychaa dahil sa sinabi ni Masu.
"Sige na matulog kana at matutulog narin ako." tugon ni Nychaa. Nag inat muna siya bago umakyat sa kaniyang higaan.
--------------
"Dalian niyo naghihintay na sila." bulyaw ni Nychaa kila Yaya.
"I'm done." ani Bua ng matapos siyang magbalot ng gamit niya.
"Mauna na kayo susunod na ako." ani Yaya dahil hindi pa siya tapos mag ayos ng gamit.
"Sige hihintayin ka namin sa entrance ng Dorm." saad ni Bua at sabay na silang lumabas ng pinto.
Nagmamadaling inayos ni Yaya ang kaniyang gamit at pagkatapos niya ay dali dali siyang lumabas.
"Yaya!" sigaw ni Bua sa bintana ng kotse napalingon si Yaya ng marinig ito kaya agad siyang lumapit.
"Yaya sa passenger seat ka na lang." ani Nychaa.
Binuksan ni Yaya ang passenger seat at wala pa ang driver. Katabi ni Nychaa si Masu at katabi naman ni Bua si Louis.
"Hi." masayang wika ni Yaya nag hello naman si Masu at Louis sa kaniya.
"Pasensiya na at matagal ang driver natin ngayon." ani Masu.
"Iyan na pala siya oh." ani Louis ng makita si Mark na paparating at nakashades.
"Wait parang kilala ko siya." ani Bua.
"Siya si Mark ang God of Water ng campus natin." ani Masu.
Natulala sila Nychaa, Bua at Yaya dahil ang akala nila ay ibang Mark ang kasama nila. Binuksan ni Mark ang Van at pumasok. Nanigas si Yaya sa kaniyang kinauupuan dahil katabi niya si Mark.
"Ehemmm." tumikhim si Masu sakanilang dalawa ni Mark at Yaya.
Ngunit hindi nagsalita si Mark at pinaandar na niya ang Van. Habang nagdadrive si Mark ay pasulyap sulyap naman si Yaya sa kaniya.
"By the way Bua, Nycha at Urassaya kilala niyo naman siguro si Mark kaya hindi na namin siya ipapakilala sa inyo." saad ni Louis.
"Oo naman." tugon ni Nycha.
"Medyo masungit lang talaga si Mark pero mabait iyan." ani Masu.
Masayang nagkwekwentuhan sila Bua, Louis, Nychaa at Masu ngunit tahimik lang sila ni Mark at Yaya hanggang sa makarating sila sa sea side.
"Ang ganda naman dito." sigaw ni Bua. Papalubog na ang araw ng makarating sila sa sea side.
"Oo nga." ani Yaya ng makababa ng Van.
Naglilibot libot sila Bua, Yaya at Louis samantalang nag aayos naman ng tent sila Mark, Masu at Nychaa. Nang matapos sila sa pag aayos ay umupo si Mark sa lupa nasa likuran niya ang bonfire. Sakto namang dumating sila Bua, Yaya at Louis.
"Tara laro tayo." ani Masu at umupo sa tabi ni Mark.
"Ano naman ang lalaruin natin." tanong ni Nychaa na katabi si Yaya at Bua.
"Papaikutin ko itong bote at kung sino ang matatapatan ay kukuha siya sa bottle na naglalaman ng mga tanong at dare na ginawa ko at sasagutin o gagawin niya ang nakuha niya.
"Game." saad ni Louis. Naunang pinaikot ni Masu ang bote at tumapat ito kay Nychaa. Agad kumuha si Nychaa ng question.
"My boyfriend ka ba ngayon?" ang nakasulat roon. Natawa muna si Nychaa bago sinagot ang tanong.
"Wala pa." aniya at napatingin kay Masu.
Sumunod naman na pinaikot ni Nychaa ang bote at humarap ito kay Mark. Hinalo muna ni Mark ang nasa loob bago kumuha. Napahinto si Mark sa nabasa. Napakunot naman ang noo ni Masu dahil napatigil si Mark. Inagaw niya ang papel at binasa iyon.
"Sabihin mo ng I love you kung sino ang babaeng may pinakamahabang buhok sa inyo." aniya at napatingin sa mga babae. Si Yaya ang pinakamahabang buhok sakanila.
"Ayieeeeh." pang aasar ni Louis.
"Paano ba iyan Mark bawal ang kj dito." ani Masu.
Napatingin si Yaya kay Mark. Hindi alam ni Mark kung ano ang gagawin ngayon lang siya nakaramdam ng kaba. Huminga muna siya ng malalim at napatingin kay Yaya.