Part 12

1853 Words
Napatingin si Yaya kay Mark. Hindi alam ni Mark kung ano ang gagawin ngayon lang siya nakaramdam ng kaba. Huminga muna siya ng malalim at napatingin kay Yaya. Nakatitig din si Yaya sa kaniya kaya hindi tuloy siya makatingin ng maayos. "Mahina pala ang loob ni Mark eh." pang aasar ni Louis sakaniya. "Zero experience in love." ani Masu sabay halakhak ng malakas kaya sinamaan siya ng tingin ni Mark. "Anyway it is just word no meaning." seryosong wika ni Mark pero sa kaloob-looban niya ay matagal na niya itong gustong sabihin kay Yaya. Napatitig silang lahat sa kaniya at nakatitig lang siya kay Yaya sabay sabing. "I-L-ove y-o-u." pagkatapos sabihin ni Mark iyon ay agad siyang umiwas ng tingin kay Yaya. Napabungisngis silang lahat dahil parang nakakita ng multo ang itsura ni Mark. Samantala kahit laro lamang iyon ay masaya si Yaya sa sinabi ni Mark. "Kaya mo naman pala Mark eh pinatagal mo lang." saad ni Louis habang ang bote ay handa na itong paikutin muli at kay Yaya ito tumapat. "Get one." saad ni Bua at iniabot ang bottle kay Yaya at agad namang kumuha ito. "You stare at the famous man at your University for 2 minutes." saad ni Yaya. "Famous man ibig sabihin si Mark na naman." saad ni Masu at napatingin kay Mark. "Sa tingin ko pinaglalapit sila Mark at Yaya ng tadhana." kinikilig na wika ni Bua. "Bagay naman silang dalawa pareho silang matalino at good looking." ani Louis at papalit-palit ng tingin kay Mark at Yaya. "Oo nga kaso kilala mo naman si Mark sobrang sungit." ani Masu at tumawa ng malakas. "Stop it." suway ni Mark. "Oh sige na game ka ba Yaya o baka hindi mo kaya." pang aasar ni Bua kay Yaya. "Kaya ko titig lang naman eh." pagmamalaki niya ngunit alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya iyon kaya dahil nakakalusaw ang mga tingin ni Mark. "Timer Starts now!" sigaw ni Nychaa. Naunang tumitig si Yaya kay Mark. Hindi pa man natatapos ang isang minuto ay malakas na ang pagkabog ng puso ni Yaya. Ngayon niya lang napatunayan na kahit sinong babaeng tititig kay Mark ay mahuhulog sakaniya. "1 minute." ani Masu. "Look mukhang seryoso silang dalawa." bulong ni Masu kay Nychaa. "Kaya nga eh parang nag uusap ang mga mata nilang dalawa." tugon ni Nychaa. Habang nakatitig si Mark kay Yaya hindi na niya makontrol ang sarili niya. Tanging ang pagtibok na lang ng puso niya ang kaniyang naririnig. Para sakaniya ay wala na siyang nakikita maliban kay Yaya. "10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2,1 Times up." saad nilang lahat ngunit hindi parin tapos sa pagtitigan ang dalawa. "Gulatin natin silang dalawa." bulong ni Masu kay Louis. Bigla silang tumayo at ginulat ang dalawa. "Tapos na ang 2 minutes!" sigaw ng dalawa. Nagulat si Mark at nag iwas ng tingin sabay inom ng beer. Nag iwas din ng tingin si Yaya at uminom ng juice. "Feeling ko may tinatago kayong dalawa." ani Nychaa na napapaluha na siya dahil sa pagtawa. "Tumigil ka nga!" suway ni Yaya kay Nychaa. Nagkunwari naman si Nychaa na isinara ang bibig na parang zipper. "Kumain na nga lang tayo baka may mapikon pa sa atin." ani Bua at sumang ayon naman ang lahat. Kinuha ni Masu ang mga pagkain na binili nila at naglapag naman ng mini table si Louis para doon ilagay ang mga pagkain. "Kumain lang kayo masarap iyan." ani Masu sabay tabi kay Nychaa. Katabi ngayon ni Bua sa kanang bahagi si Louis at sa kaliwa naman ay si Yaya na katabi si Mark. "Wow chicken wings." saad ni Yaya na parang bata na nakakita ng candy. Agad siyang kumuha at nilagay ito sa kaniyang pinggan. Napangiti si Mark ng makita ang itsura ni Yaya. "Mahirap naman itong kunin." ani Louis habang dinudukot ang laman ng shell gamit ang barbeque stick. "Mahirap talaga iyan kunin dahil Barbeque stick ang gamit mo." natatawang wika ni Bua. "Sabi nila maririnig mo ang sound ng ocean sa loob ng shell na iyan." ani Masu habang nginunguya ang chicken wings. "Is it true?" tanong ni Louis. "I think totoo iyon." ani Nychaa. "Pa try nga." saad ni Bua at kumuha ng shell at itinapat ito sa kaniyang tenga. "Totoo nga." saad ni Bua na ikinatingin ng lahat sa kaniya. "Ako nga rin." saad ni Louis at itinapat iyon sa kaniyang tenga. "That's not true." sabay nilang wika ni Mark at Yaya. Napatingin sila sa isa't isa dahil doon agad namang umiwas ng tingin si Yaya. Samantala napahinto sila sa pagkain dahil sabay silang nagsalita ni Yaya. "You're just hearing the blood flows in your brain and the sound of air. In the theory of resonance, when the vibration frequency of sound equals to that of the inside of the conch, both the amplitude and intensity of the sound wave will be magnified and form a resonance." ani Mark na ikinatahimik nilang lahat except kay Yaya na alam ang bagay na iyon pareho silang dalawa ni Mark ng iniisip. "What you heard was the sound of air flowing inside the conch and your blood flowing." dagdag ni Yaya. "What?" kunot ang noo ni Masu ng hindi maintindihan ang sinabi nilang dalawa. "Pwede bang magsalita kayo ng Human Language." ani Louis na ikinatawa ni Yaya at Mark. Masaya silang kumakain at nagtatawanan. Kahit simple lamang ang celebration ng birthday ni Masu ay masayang masaya ito. Paminsan minsan naman ay tumitingin si Mark kay Yaya. "Mark gusto mo ng beer?" tanong ni Louis at iniabot ang in can beer sa kaniya. "No, I'll pass." tugon ni Mark. Inilapag na lamang ni Louis ang beer sa tabi niya. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Yaya. Bahagya namang napatingin si Mark kung sino ang tumatawag kay Yaya. Biglang sumama ang aura ni Mark ng makitang si Zhyan. "Sagutin ko lang ito." paalam ni Yaya at tumayo upang lumayo sakanila. "Hello Zhyan." ani Yaya ng makalayo ng kunti sakanila. "Ang tagal mo namang sagutin." nababagot na wika ni Zhyan. "Sorry na." aniya. "Nagtatampo ako sa inyo iniwan niyo ako. Kung hindi ko tinanong kay Bua ay hindi ko malalaman na mag-outing kayo." nagtatampong wika nito. "Oo nga pala inaya lang kami ni Masu kaya hindi ka na namin nasabihan." saad ni Yaya habang sinisipa sipa ang maliliit na bato sa buhangin. Masu? Sino iyon?" nagtatakang wika ni Zhyan. "Kaibigan ni Nychaa. Kasama rin sila Louis at Mark." dagdag niya. "Mark ang God of Water ng campus natin?" agad nagsalubong ang kilay ni Zhyan sa sinabi ni Yaya. "Oo masaya nga eh kasi ang babait nila." masayang wika ni Yaya. "Kailan kayo uuwi?" tanong niya. "Bukas uuwi narin kami huwag kang mag alala ililibre kita ng lunch." ani Yaya na ikinatuwa ni Zhyan. "Sinabi mo iyan ah pero gusto ko kasama kita buong araw papasyal tayo." ani Zhyan. "Sige ba." tugon ni Yaya. Hindi mapakali si Mark sa kaniyang kinuupuan. Pasulyap sulyap siya kay Yaya dahil matagal itong nakikipag-usap kay Zhyan. Napansin niyang ngumingiti si Yaya kaya nakakaramdam siya ng selos. Kinuha niya ang beer na iniaabot ni Louis sakaniya kanina at ininom ito. Nakunot naman ang noo ni Louis ng makitang ininom ni Mark ang beer na inaalok niya kanina. ------------- Sa kabilang dako nagdo-doorbell naman ang isang babae sa bahay nila Mark. Nang buksan ng ina ni Mark ang pinto ay nagulat siya ng makita si France ang kababata ni Mark. "Oh France long time no see." saad ng kaniyang Ina at niyakap ng mahigpit si France. "Tita Marzyn na-miss ko po kayo." maamong wika nito at niyakap ng mahigpit si Marzyn. "Tara pumasok ka muna sa loob at mag usap tayo." masayang wika nito. Agad namang sumunod si France at umupo sa sofa. "Kailan ka pa dumating galing Switzerland?" tanong ni Marzyn at tumabi ito ng pagkakaupo kay France. "Kahapon lang po Tita dito na po ako mag-aaral." nakangiting wika nito. "Ang Mommy mo kamusta na?" tanong ni Marzyn. Kaibigan nito ang Mommy ni France kaya malapit ito sa dalaga. "She's okay Tita don't worry. Si Mark po kamusta?" tanong ni France. "Si Mark okay lang naman siya." tugon ni Marzyn. "Its been 3 years simula noong nakita ko siya. Hindi siya nagmemessage sa akin." ani France. "Nasaan po si Mark?" tanong ni France. "Ah wala siya rito kasama niya ang mga kaibigan niya uuwi rin siya bukas." tugon ni Marzyn. "Napakaganda mo talaga France wala ka paring pinagbago." saad ni Marzyn napangiti naman si France sa sinabi ng Ina ni Mark. "Siguro may boyfriend kana?" pabirong wika ni Marzyn. "Wala pa po akong boyfriend Tita. Kayo nga po hindi kayo tumatanda maganda parin po kayo. Si Mark po may girlfriend na?" saad ni France. "Naku ikaw talagang bata ka. Si Mark wala pa siyang girlfriend pero alam mo ba may nakilala akong babae kahapon at dinala ko siya dito sa bahay. Laking gulat ko noong pareho pala sila ng school ng pinapasukan tapos si Mark pasulyap sulyap sa dalaga iyon pakiramdam ko may gusto si Mark sakaniya." mahabang litanya ni Marzyn. Agad nawala ang ngiti sa mga labi ni France dahil sa sinabi ni Marzyn. "Mabuti naman po Tita." ngumiti ng pilit si France sa Ina ni Mark. Naiinis siya dahil sa nalaman. Hindi siya makakapayag na mapunta lang sa wala ang pagkakaibigan nila Mark. Si Mark ang dahilan kaya umuwi siya rito. Nagtataka tuloy siya kung ano ang itsura ng babaeng iyon. Hindi siya nararapat kay Mark siya lang dapat ang pwedeng magustuhan ni Mark. Sisiguraduhin niyang mawawala sa buhay niya ang babaeng tinutukoy ng Ina ni Mark kung totoo ngang may gusto siya rito iyon ang nasa isip ni France. -------------- "Mark okay ka lang ba lasing kana?" tanong ni Masu. Kunti lamang ang ininom ni Masu at Louis kaya nasa tamang katinuan pa sila. Nasa loob na ng tent si Louis at sa kabilang tent naman ay sila Nychaa, Bua at Yaya. "Oo okay lang ako sige na matulog kana." saad ni Mark halatang halata na lasing ito. "Sige papasok na ako sa loob." ani Masu at tinapik ang balikat ni Mark. Naiwang mag isa si Mark at napatingin sa kalingitan. "Ang ganda ng mga stars at ang lapit nila." nakangiting wika niya at iniunat ang kaniyang kamay para abutin ang mga stars na akala niya ay malapit lang. Samantala hindi makatutog si Yaya dahil hindi siya sanay matulog sa tent. Napagpasiyan niyang bumangon at lumabas sa tent. Pagkalabas niya ay nakita niya si Mark na nakaupo sa labas. Kaya nilapitan niya ito. Napansin niya na nakayuko at tulog ito kaya lumuhod siya sa harap niya at ikinaway ang palad niya ngunit hindi gumalaw si Mark. "Ang cute mo naman kahit tulog ka." saad niya sa kaniyang isipan. Biglang bumukas ang mga mata ni Mark at nagulat si Yaya ng magtama ang kanilang mga mata. Ngumiti si Mark kay Yaya at hinila ito at niyakap at sabay sabing. "I love you." aniya na ikinalaki ng mga mata ni Yaya. Alam niyang lasing ito kaya hindi niya alam ang kaniyang sinasabi ngunit hindi parin niya mapigilan ang pagbilis ng pagtibok ng kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD