Part 13

2379 Words
Nararamdaman ni Yaya na parang totoo ang pagyakap ni Mark sa kaniya na totoo siyang mahal nito pero alam niya na wala lang iyon sakaniya dahil lasing ito. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap nito sa kaniya at hinawakan ito sa balikat upang hindi siya matumba sakto namang lumabas si Masu. "Yaya!" tawag niya agad namang napalingon si Yaya kaya lumapit si Masu sa kanila. "Nakita ko siya ritong nakaupo." paliwanag ni Yaya baka kasi iba ang iniisip ni Masu. "Alam ko, hindi mo kailangang magpaliwanag." tugon ni Masu at itinayo si Mark ngunit mabigat ito kaya tumayo rin si Yaya upang tumulong. "Ganito talaga si Mark kapag lasing hindi niya alam ang ginagawa niya. Tignan mo bukas lahat ng pinaggagawa niya ngayon ay makakalimutan na niya." saad ni Masu habang akay-akay si Mark. Nalungkot si Yaya sa sinabi ni Masu. Hindi dapat siya umasa na totoo ang lahat. "Yaya buksan mo ang zipper ng tent para makapasok agad si Mark sa loob." utos ni Masu sakaniya kaya si Masu na lang ang natirang umaakay kay Mark. "Ang bigat mo talaga!" pagrereklamo ni Masu habang inaalalayan si Mark na humiga. "May mainit ba na tubig at towel kang dala?" tanong ni Yaya kay Masu. "Oo mayroon, teka lang kukunin ko lang ang thermos at towel sa Van." ani Masu at agad lumabas ng tent. Katabi naman ni Mark si Louis na mahimbing na natutulog. Pumasok naman sa loob si Yaya at umupo sa tabi ni Mark. Nakatitig siya sa maamong mukha ni Mark. "Anong gagawin mo sa thermos?" tanong ni Masu. Nagulat si Yaya dahil biglang nagsalita si Masu nakarating na pala ito. "Ipanghihilamos ko kay Mark para mahimasmasan siya." saad ni Yaya. "Good idea." ani Masu. Binuhusan ni Masu ang towel ng mainit na tubig sa labas dahil wala silang lalagyan at iniabot ito kay Yaya. Nag umpisa ng pinunasan ni Yaya ang mukha ni Mark. Nasa labas naman si Masu at pinapanood si Yaya. "Ang bait mo naman." saad ni Masu. Napahinto si Yaya sa sinabi ni Masu at napatingin rito. "Ibinalik ko lang ang pagtulong niya sa akin noong student night." ani Yaya at ngumiti kay Masu. "Alam mo madalang si Mark ngumiti at napakasungit niya pero ang totoo niyan mabait siya. Ewan ko nga eh bakit hanggang ngayon wala siyang napupusuang babae." ani Masu. "Baka may dahilan siya kaya bakit wala siyang girlfriend." tugon ni Yaya at nag umpisa na siyang punasan ang isang braso ni Mark. "Ikaw may boyfriend ka ba?" biglang tanong ni Masu. "Wala pa akong nagiging boyfriend." tugon ni Yaya. "Kung waka kang boyfriend ibig sabihin isa ka din sa mga nagkakagusto kay Mark?" seryosong tanong ni Masu. Napahinto si Yaya sa kaniyang ginagawa at tumingin kay Masu. "Hindi mahalaga kung gusto ko siya o hindi. Wala namang magbabago roon dahil isa lang akong maliit na bato sa malawak na karagatan para mapansin niya." saad ni Yaya at sabay abot ng towel kay Masu. "Boto ako sa'yo para kay Mark." aniya at kinuha ang towel kay Yaya. "Ikaw na lang ang magpunas ng ibang parte ng katawan niya kasi babae ako." saad ni Yaya. "Sige ako na bahala rito. Matulog kana dahil maaga tayong aalis bukas." ani Masu. Tumango naman si Yaya bilang pagtugon at lumabas na sa tent at dumiretso sa tent nila upang magpahinga. Hindi mapakali si Yaya sa kaniyang pagkakahiga iniisip niya ang sinabi ni Mark kanina. "I love you, I love you, I love you, I love you!" Paulit-ulit iyon na pumapasok sa isipan niya. "Nahuhulog na ba ako sakaniya? Sa tuwing kausap ko si Poseidon at si Mark pareho ang nararamdaman ko. Imposible bang magkagusto ako sa dalawang tao." iyan ang gumagulo sa isipan ni Yaya. Huminga muna siya ng malalim at ipinikit ang kaniyang mga mata pinilit niyang huwag alalahanin ang nangyari kanina. ----------------- Kinaumagahan nagliligpit na sila ng gamit maliban sa isang tent na nakatayo parin dahil natutulog pa si Mark. "Wala na ba tayong naiwan?" tanong ni Masu. "Si Mark natutulog parin." tugon ni Nychaa. Napahinto naman si Yaya sa pag aayos ng gamit at napatingin sa tent na nakatayo. "Tulog pa si Mark naparami ng inom kagabi." saad ni Louis. "Ganito na lang sumakay na kayong lahat at gigisingin ko na si Mark. Ako na lang ang magda-drive at sa passenger seat uupo si Nychaa at sa likod na lang si Mark at Yaya." saad ni Masu at tumango silang lahat bilang pag sang- ayon. Nagising si Mark dahil sa sikat ng araw. Bumangon siya at umupo. Sobrang sakit ng kaniyang ulo dahil naparami ang inom niya kagabi. "Ang sakit ng ulo ko." pagdaing niya habang hawak hawak ang kaniyang sentido. Napalingon siya at napansing wala na siyang katabi. Nagtataka siya kung bakit nasa loob siya ng tent sa pagkakaalam niya ay nakaupo siya sa labas kagabi. "May ginawa ba ako kagabi na hindi maganda?" kunot noo niyang tanong sa kaniyang sarili. Bigla namang bumukas ang tent at sumilip roon si Masu. "Oh Mark gising kana pala." saad nito kaya napatingin si Mark sakaniya. "Nasaan sila?" tanong ni Mark. "Nasa loob na sila ng Van. Ikaw na lang ang naiwan rito." tugon ni Masu. "Susunod na ako maglilinis lang ako ng mukha ko." saad ni Mark at lumabas upang magtungo sa malapit na Cr. Tumango naman si Masu. Pagkalabas ni Mark ay agad iniligpit ni Masu ang tent at dinala ito sa Van. "Hindi ko na maalala ang ginawa ko kagabi." saad niya sa kaniyang sarili habang nakatingin sa salamin. "Siguro naman wala akong ginawang hindi maganda." aniya at naghilamos na ng kaniyang mukha. "Matagal pa ba si Mark?" nayayamot na tanong ni Louis habang nakasandal ang kaniyang ulo sa bintana. "Susunod na raw siya." tugon ni Masu. Tulog sila Bua at Nychaa at nakasandal ang kanilang ulo sa bintana. Naglagay ng earphones si Bua upang hindi maistorbo ang kaniyang pagtulog at si Nychaa naman ay hindi. Samantala gising si Yaya at nakatingin sa labas ng bintana. "Oh ayan na pala si Mark." saad ni Louis ng makitang paparating na si Mark. "Sa likod na ako dadaan papasok." ani Mark dahil nakasandal ang ulo ni Bua sa may bintana. Ayaw tumingin ni Yaya kay Mark dahil naaalala niya ang ginawa ni Mark kagabi. Nang makapasok si Mark ay agad pinaandar ni Masu ang Van. "Mark kailan ka pala aalis?" tanong ni Masu. Napalingon si Mark kay Yaya bago sinagot ang tanong ni Masu. "Bukas ng hapon." saad niya. Napansin niyang walang imik si Yaya at nakatingin lang sa bintana. "Ihahatid ka namin sa airport." ani Louis at napatingin kay Mark sa likuran. "Hindi na, kahit sa gate na lang ng campus natin." saad ni Mark "Dalawang buwan ka roon. Kaya mami-miss ka namin." ani Masu habang nagdadrive. Hindi na umimik si Mark dahil kahit papaano ay mamimiss niya rin ang kaniyang kaibigan at ayaw niyang nakikita ang tunay nitong nararamdaman. Napasulyap naman si Yaya kay Mark ngunit nakapikit na ito. Nalulungkot si Yaya dahil aalis si Mark at hindi niya alam kung saan ito pupunta. Dalawang buwan siya roon kaya paniguradong pagbalik niya ay hindi na niya kilala si Yaya dahil sandali lang sila nagkasama. Ipinikit na lamang ni Yaya ang kaniyang mga mata at muli itong binuksan at napatingin sa labas ng bintana. Napasulyap naman si Mark kay Yaya hanggang ngayon ay hindi parin ito tumitingin sa kaniya. Siguro ay wala siyang pakialam kahit umalis siya dahil hindi man lang siya nito tinapunan kahit isang tingin. Huminga na lang siya ng malalim at minasahe ang kaniyang sentido dahil sumasakit iyon. Narinig ni Yaya ang pagbuntong hininga ni Mark kaya sumulyap siya rito. "Okay ka lang ba?" tanong ni Yaya sa kaniya. Nagulat naman si Mark dahil biglang nagsalita si Yaya. "Ah O-okay lang ako." tugon niya. Alam ni Yaya na hindi siya magsasabi ng totoo niyang nararamdaman kaya inilahad ni Yaya ang kaniyang kamay. "Para saan iyan?" kunot noong tanong ni Mark dahil hindi naintindihan kung bakit inilahad ni Yaya ang kaniyang kamay kaya kinuha na lang ni Yaya ang kamay ni Mark at minasahe iyon. "Physical Therapy student ako kaya alam kong mawawala ang pagsakit ng ulo mo." saad ni Yaya at ngumiti kay Mark. "Thank you." aniya. Pinagmasdan niya si Yaya habang minamasahe niya ang kamay nito. Napangiti siya ng unti-unting nawala ang pagsakit ng ulo niya. -------------------- Nagising silang lahat maliban kay Masu na hindi natulog dahil siya ang nagmaneho. Naramdaman nilang huminto ang Van ibig sabihin ay nasa campus na sila. "Salamat at nakauwi narin tayo." ani Louis at naghihikab sabay inat. "Buti nga at nakatulog kayo ako hindi." saad ni Masu at minamasahe ang kaniyang balikat. "Ipahid mo na lang ito." ani Nychaa at iniabot ang ointment kay Masu. "Tama na nga iyang kasweetan niyo lahat kami rito single." saway ni Louis pinandilatan naman siya ni Masu. Nang makababa na silang lahat ay kinuha na nila ang kanilang gamit. "Ito Nychaa gamit mo." saad ni Masu at iniabot niya ang bag nito. "Thank you." saad ni Nychaa at bahagyang napangiti kay Masu. Napansin ni Mark na hindi makuha ni Yaya ang gamit niya dahil natabunan ito. "Ako na." saad ni Mark at kinuha ang gamit ni Yaya. "T-hank you." ani Yaya at nginitian si Mark. "You're welcome isipin mo na lang na pasasalamat ko iyan kanina. By the way my Dad is a Physical Therapist." saad ni Mark. "Rea-------" hindi na naituloy ni Yaya ang kaniyang sasabihin dahil may babaeng tumawag kay Mark. "Mark." sigaw ni France. Napalingon silang lahat kay France. Ngumiti naman si France at lumapit sakanila. "Mark mabuti na lang at dumating kana. Nagpunta ako kahapon sa bahay niyo at sabi Tita Marzyn nag outing daw kayo. Siya nga pala maraming pasalubong si Mommy sa iyo at nabigyan ko na si Tita Marzyn kahapon." masayang wika nito. "Ganoon ba." tugon ni Mark. Napasulyap naman si France kay Yaya at tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Mark hindi mo ba kami ipakikilala sa babaeng kasama mo?" saad ni Louis at masayang nakatitig kay France. "Si France nga pala my childhood friend." pagpapakilala ni Mark. "Hi!" ani France at ngumiti sakanila. Naghello naman sila maliban kay Bua na naiirita kay France dahil nararamdaman niyang may itinatago itong masamang ugali sa kabila ng maamo nitong mukha. Napasulyap naman si Yaya kay France. Maganda ito at mukhang mayaman kaya bagay sila ni Mark. "May gagawin pa ba kayo?" tanong ni France at isinukbit ang kaniyang braso kay Mark. Napasulyap naman si Mark sa braso ni France at napatingin kay Yaya na ngayon ay nakayuko. "Wala naman na." tugon ni Masu. "Kung ganoon ay hihiramin ko muna si Mark." aniya at hinila na si Mark. "France pwede bang bitiwan mo ako." saad niya at napalingon kay Yaya na busy na sa pag aayos ng kaniyang gamit. Nang makalayo na sila ni France ay napahinto si Mark at siya na ang kumulas sa pagkakahawak ni Mark. "Malapit na ang Dorm ko kaya pwede ka ng umuwi." saad ni Mark. "Mark naman hindi mo lang ba ako ihahatid o sasamahan?" saad niya sa malamyang boses. "France hindi na tayo bata at alam kong may driver ka." seryosong wika ni Mark. "P-pero paano ang pasalubong ni Mommy?" pagdadahilan niya. "Thank you France pero hindi ko iyon madadala bukas." aniya at dire-diretso na sa paglalakad. "Mark!" sigaw ni France ngunit hindi lumingon si Mark. "Kainis!" pagmamaktol niya. "May gagawin pa ba kayo? Kung ganoon hihiramin ko muna si Mark." saad ni Bua sa maarteng boses. Ginagaya niya ang pagsasalita ni France kanina. "Nakita niyo iyon napakaarte niya." naiinis na wika ni Bua at pabagsak na naupo sa sofa. "Hayaan mo na lang siya." ani Yaya na ngayon ay nakaupo sa kaniyang kama. "Oo nga." tugon naman ni Nychaa. "Ah basta ayoko sakaniya mas gusto kong makatuluyan ni Mark si Yaya." saad ni Bua. Humiga na lang si Yaya sa kaniyang kama at tumagilid ng higa. Samantala abala si Mark sa pag aayos ng kaniyang gamit ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone kinuha niya iyon ng mabasang si Coach Von ang tumatawag. "Hello Coach Von?" saad ni Mark. "Nakaready ka na ba Mark?" tanong ni Coach Von. "Yes Coach Von." tugon niya. "Sige magpahinga kana ng maaga dahil maaga tayong aalis bukas." ani Coach Von at pinatay na ang tawag. Bumalik na si Mark sa pag aayos ng kaniyang gamit ng biglang nagsalita si Masu. "Alam mo ba Mark na si Yaya ang nagalaga sa'yo kagabi habang lasing ka." aniya at napahinto naman si Mark sa kaniyang ginagawa. "I know." tugon niya pero ang totoo ay wala siyang maalala kagabi. Bahagya siyang napangiti dahil sa sinabi ni Masu. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sumapit ang umaga ang araw ng pag alis ni Mark. "Dalian niyo baka hindi natin maabutan si Mark. Sinabi sa akin ni Masu na sumama raw tayo na ihatid si Mark sa labas." nagmamadaling wika Nychaa. Nagmadali sila Bua at Yaya at sabay sabay silang lumabas ng dorm at nagtungo sa campus gate. "Wala ka bang naiwang gamit?" tanong ni Louis kay Mark. "Si Mark pa wala iyang nakakalimutan." saad ni Masu. Sakto namang dumating sila Nychaa, Bua at Yaya na hingal na hingal sa pagtakbo. Napalingon si Mark, Louis at Masu sakanila. "Buti na lang naabutan niyo pa kami rito." ani Masu at lumapit kay Nychaa. Napatingin naman si Yaya kay Mark nagtataka siya kung bakit wala si France para ihatid si Mark. "Tara na Mark!" sigaw ni Coach Von mula sa kotse. "Paano aalis na ako see you." ani Mark. Sumulyap muna siya kay Yaya bago naglakad ayaw niyang lumingon habang naglalakad dahil baka hindi siya makapagpigil at hindi na niya ituloy ang pag alis. Hindi makapagsalita si Yaya dahil nalulungkot siya dahil aalis na si Mark. "Mag iingat ka roon." bulong ni Yaya na tanging siya lang ang nakakarinig. Pagkaupo ni Mark sa loob ng kotse ay biglang pumasok sa isipan niya ang nangyari kagabi. "I love you." saad ni Mark at hinila niya si Yaya upang yakapin. Napalingon si Mark sa likuran at napangiti siya. "I really mean it. Totoo iyong sinabi ko kagabi. Hintayin mo ako at masasabi ko rin iyan sa harapan mo na Mahal kita, mahal kita matagal na." ani Mark sa kaniyang isipan at nag umpisa ng umandar ang kotseng sinasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD