Nakatingin silang lahat sa papalayong kotse na sinasakyan ni Mark at Coach Von. Napasinghap si Masu at sabay tingin sakanila.
"Tara na siguradong may klase pa kayo." pag-aaya ni Masu.
"Oo nga pala muntik ko ng makalimutan may quiz pala kami sa major ko ngayon." saad ni Bua.
Nauna na silang naglakad at nahuli si Yaya. Nakatingin parin siya sa sinasakyan ni Mark hanggang ngayon. Hanggang sa unti-unting naglaho iyon dahil sobra na itong malayo saka siya sumunod sakanila.
"Bua, Yaya kita kits na lang tayo sa cafeteria kung sinong mauuna sa atin siya ang magrereserve ng upuan." ani Nychaa.
Napalingon naman sila Masu at Louis sakanilang tatlo.
"Sabay na kami sa inyo mamayang lunch total kaming dalawa na lang ni Louis." ani Masu.
"Oh sige imessage mo na lang ako." tugon ni Nychaa.
Tumango naman si Masu bilang pagtugon.
"Paano ba iyan magkakahiwa-hiwalay na tayo may klase pa kami eh." ani Louis at nagpaalam na sakanila. Sabay silang naglakad ni Masu. Samantala nagtungo narin sila Yaya, Bua at Nychaa sa kani-kanilang classroom.
Kararating lang ni Yaya sa classroom nila. Wala pa siyang masyadong kilalang classmate niya sa kaniyang major. Umupo siya sa may bandang gitna katabi niya ang isang babae na maikli ang buhok na mukha namang mabait.
"Hi." saad ni Haselyn kay Yaya ng makitang tumabi ito sakaniya.
"Hello." tugon ni Yaya at ngumiti kay Haselyn.
"Balita ko galing ibang bansa ang teacher natin ngayon at magtuturo siya para sa kaniyang research." ani Haselyn kay Yaya.
"Buti na lang at nagbasa ako kagabi siguradong strikto iyon." tugon naman ni Yaya.
Tumahimik ang lahat ng may pumasok na lalaki na kamukhang kamukha ni Mark at hindi halata na may edad na ito.
"Good morning everyone. I'm your Substitute Teacher for today. My name is Marvic Prin." pagpapakilala niya.
"Ibig sabihin kayo po ang Father ni God of Water?" hindi makapaniwalang wika ni Dianne.
"Yes, ngayon sana siya magiging representative ko kaso he is not here." saad niya.
"Okay siguro naman nagbabasa kayo ng books niyo kaya tatawag ako ng isa sa inyo para sagutin ang tanong ko." saad niya.
Napayuko naman ang lahat at binuklat ang kanilang libro. Ang iba ay hindi nakapagbasa kaya kunwaring nagbabasa sila upang hindi sila matawag.
"Miss na naka mustard." tawag ni Marvic.
Nakahinga naman ng maluwag ang nga estudyante dahil iba ang kulay ng damit nila maliban kay Yaya. Tumingin siya sa kaniyang paligid siya lamang ang nakasuot ng damit na kulay mustard.
"Yes ikaw." saad ni Marvic habang nakatingin kay Yaya.
Tumayo naman si Yaya at tumingin kay Marvic.
"Give me the types of common knee injuries." tanong ni Marvic. Napasinghap muna si Yaya bago magsalita.
"Types of common knee injuries include sprains, strains, bursitis, dislocations, fractures, meniscus tears, and overuse injuries. Knee injuries are generally caused by twisting or bending force applied to the knee, or a direct blow, such as from sports, falls, or accidents." sagot ni Yaya at napatango-tango si Marvic.
"Do you think swimmers might experience knee injuries?" follow up question ni Marvic sakaniya.
"Yes Teacher, Swimmers might also experience knee injuries. Stress on the knees can result in pain under or around the kneecap or at the inside of the knee. Swimmers who experience pain or soreness for more than 48 hours should seek medical attention. " tugon ni Yaya. Hindi man lang siya kinabahan sa mga tanong nito.
"You may now take your seat. Very Good I think mayroon na akong isang estudyante na alam kong nag aaral ng mabuti." saad niya.
Ngumiti si Yaya at saka umupo. Napalingon siya kay Haselyn dahil may binulong ito.
"Ang galing mo naman." saad ni Haselyn.
"Hindi naman." nahihiyang wika niya.
Nagpatuloy na sa pagdi-discuss si Marvic at patuloy na nakikinig si Yaya hanggang sa matapos ang kanilang klase.
"Urassaya may klase ka pa ba pagkatapos nito?" tanong ni Haselyn habang inaayos ang kaniyang gamit.
"Wala na Haselyn." tugon ni Yaya habang inilalagay sa bag ang kaniyang gamit.
"Saan ka pupunta ngayon?" tanong ni Haselyn sakaniya.
"Didiretso ako sa laboratory mamaya para kumuha ng laboratory gown para sa assessment natin bukas." tugon ni Yaya.
"Ah ganoon ba sige mag iingat ka." ani Haselyn sabay ngiti kay Yaya.
"Sige mauuna na ako kukuha na ako ng laboratory gown para hindi ako maubusan ng size." saad ni Yaya at nauna ng naglakad papalabas ng classroom. Tanging si Haselyn na lang ang naiwan sa kanilang room at masama ang kaniyang tingin ng tumalikod si Yaya.
Kinuha ni Haselyn ang kaniyang cellphone at minessage si France.
"Papunta si Urassaya sa Laboratory ngayon." iyan ang message niya kay France.
------(Flashback)------
"Haselyn right?" tanong ni France kay Haselyn ng makasalubong ito sa library.
Ang mommy ni France ang tumulong sa ina ni Haselyn noong inoperahan ito sa puso isang taon ang makalipas. Isang Doctor ang Ina ni France at libre ang ginawang operasyon niya sa Ina ni Haselyn.
"Oo ako nga. Malaki ang utang na loob ko sa Mommy mo kaya hindi ko kayo makakalimutan." nakangiting wika ni Haselyn.
"Mabuti naman at naaalala mo pa ako. Ngayon ako naman hihingi ng pabor sa'yo." aniya at hinawakan ito sa kaniyang balikat.
"Ano iyon?" tanong naman niya.
"I know kaklase mo si Urassaya, madali lang naman eh sasabihin mo lang sa akin kung saan siya pupunta pagkatapos ng klase niyo update lang ang kailangan ko." paliwanag niya.
"Sige napakadali lang naman pala. Huwag ka mag alala imemessage kita pagkatapos ng klase namin." tugon niya.
--------(End of Flashback)-------
"Oh alam niyo na ang gagawin niyo takutin niyo lang ang babaeng nasa picture na iyan." utos ni France sa tatlong lalaki.
Hindi sila nag aaral sa Yuzhen University para hindi siya mabuking kung sakaling mahuli man sila.
"Yes Ma'am huwag po kayong mag alala." tugon ng isang lalaki.
"Papunta na siya sa Laboratory ngayon. Sige na bilisan ninyo at huwag kayong papahuli." utos niya.
Nagsimula ng lumakad ang mga lalaking inutusan niya papuntang library.
--------------------
"Ang tagal naman ni Yaya nagugutom na ako." nakabusangot na wika ni Bua.
Naroon na silang lahat maliban kay Yaya. Katabi ni Bua si Louis at katabi naman ni Masu si Nychaa.
"Tawagan mo kaya." ani Masu habang pasulyap sulyap sa palagid tinitignan niya kong paparating na ba si Yaya.
"Naiwan niya ang cellphone niya sa Dorm." tugon ni Nychaa.
"Ganito na lang mauna na lang tayo kumain maiintindihan naman niya siguro." saad ni Louis.
"Sige ililibre na lang natin siya sa susunod." ani Nychaa.
Napagpasiyahan na nilang kumain ngunit hindi nila alam na may masamang mangyayari na pala kay Yaya.
Hindi pa man nakakarating si Yaya sa Laboratory ay parang may sumusunod sa kaniya kaya dali dali siyang naglakad. Madalang ang mga estudyanteng nagpupunta sa hallway ng laboratory kaya kinakabahan siya. Huminto si Yaya at napalingon sa likuran ngunit walang tao roon ngunit ng humarap siya ay nagulat siya ng may lalaking humarang sakaniya.
"S-sino kayo?" tanong niya. Hindi niya makilala ang mga ito dahil nakaface mask sila. Hindi siya sumagot bagkus ay hinawakan niya ito sa balikat.
"Bitawan mo ako!" sigaw ni Yaya at nagpupumiglas. Bigla namang lumabas ang dalawa pa niyang kasama. Maslalong kinabahan si Yaya dahil tumatawa silang tatlo.
"Please wala kayong makukuha sa akin iwan niyo na lang ako." naiiyak na si Yaya dahil hindi siya bitawan ng isang lalaki hinawakan siya nito sa braso.
"Sige na gawin niyo na." utos ng lalaking nakahawak sakaniya. Malakas ang lalaki kaya hindi makagalaw si Yaya. Tinakpan niya ng panyo ang bunganga niya para hindi ito sumigaw
Lumapit ang isang lalaki at hinawakan siya sa paa. Nanginginig si Yaya dahil gumagapang ang kamay niya patungo sa kaniyang legs para matakot si Yaya. Akala niya baka galawin siya ng mga ito pero bigla na lang niya pinunit ang palda ni Yaya. Nakikita na ang kaniyang maikling shorts. Tumutulo na ang mga luha ni Yaya. Sumunod naman ang isang lalaki lumapit siya rito at pinunit ang kaniyang damit kaya nakikita na ang sando ni Yaya.
"Please tulungan niyo ako." saad ni Yaya sa kaniyang isipan habang humahagulgol.
Tumayo ang lalaki na pumunit ng palda niya at bumulong kay Yaya. Umalis kana sa school na ito kung ayaw mong matuloy ang balak namin sa'yo. Binitawan nila si Yaya at inalis ang panyo sa kaniyang bibig. Iniwan nila si Yaya na punit punit ang damit. Napaupo na lang si Yaya habang umiiyak dahil sa takot hindi siya makasigaw o makagalaw. Mabuti na lamang at hindi siya ginahasa.
"Anong size ng Lab Gown mo?" tanong ni Noem sakaniyang kasama.
"Medium tignan mo naman ang katawan kong ito." tugon niya sabay naman silang natawa dahil sa sagot nito.
Papunta sila ngayon sa Laboratory. Samantala nawala ang ngiti nilang dalawa ng makitang may babaeng nakasandal at umiiyak. Dali dali silang lumapit rito.
"Anong nangyari sa'yo?" nag aalalang tanong niya ng makitang napunit ang damit nito. Ngunit hindi sumagot si Yaya nanginginig ang buong katawan nito at patuloy parin siyang umiiyak.
Inalis ni Noem ang kaniyang jacket at isinuot ito kay Yaya. Inalalayan nila ito sa pagtayo dahil tulala ito.
"Dalhin natin siya sa Clinic baka natrauma siya." saad ni Noem. Habang naglalakad sila patungo sa Clinic ay hindi parin nagsasalita si Yaya.
"Ang sarap ng pagkain na inorder mo." masayang wika ni Bua.
"Teka sandali hindi ba si Yaya iyon?" tanong ni Masu ng makitang naglalakad si Yaya kasama ang dalawang babae.
"Oo nga si Yaya iyon." nanlaki ang mata ni Nychaa ng makita ang itsura ni Yaya kaya nagtatakbo sila papunta sakaniya.
"Anong nangyari sakaniya?" tanong ni Masu.
"Hindi namin alam nadatnan namin siya na nakaupo at umiiyak." tugon ni Noem.
"Yaya anong nangyari sa'yo?" tanong ni Nychaa at niyugyog ito.
Dahan dahan siyang tumingin kay Nychaa ngunit hindi sumagot si Yaya bagkus ay unti unti itong bumagsak at nawalan ng malay. Buti na lamang at hawak siya ni Noem kaya hindi ito nahulog.
"Yaya! Yaya!" sigaw nilang lahat. Biglang binuhat ni Louis si Yaya at dinala sa campus hospital.
----------------
Sa kabilang dako gabi na ng makarating sila Coach Von at Mark sa Singapore. Papasok sila ngayon sa condo na titirahan nilang dalawa. Hindi pa man nakakapasok si Mark ay agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone. Nang makapasok siya ay umupo ito sa sofa katabi ang kaniyang luggage. Dinial niya ang number ni Masu ilang sandali lamang ay sumagot narin si Masu.
"Hello Masu nasaan kayo kararating ko lang ng----" hindi na natapos ni Mark ang kaniyang sasabihin at nawala ang kaniyang ngiti sa labi.
"Mark may masamang nangyari kay Yaya." biglaang sabi Masu.
"Ano!? bakit anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Mark.
"Pinagbantaan siya ng hindi pa kilalang mga lalaki kung hindi siya aalis sa school na ito. Narito kami ngayon sa campus clinic at pinabantayan namin si Yaya." paliwanag ni Masu.
Nanlaki ang mata ni Mark at nagtagis ang kaniyang bagang ng marinig ang sinabi ni Masu agad niyang pinatay ang tawag.
"Imposibleng pagbabantaan si Yaya kung walang nag uutos." aniya at dinial ang cellphone ng kaniyang pinsan na si Lucas.
"Hello Mark?" nagtatakang wika niya. Si Lucas ay pinsan ni Mark na nakatira sa Canada. Parang kapatid na ang turing nila sa isa't-isa dahil sobrang close ang dalawa ngunit nagkahiwalay sila noong lumipat ang pamilya nito sa canada 5 years ago.
"I heard that Tita will migrate in my country?" tanong ni Mark sakaniya.
"Oh Yes, I badly want to see you so I already enrolled in Yuzhen University." tugon ni Lucas.
"Comeback early I want you to do something don't worry I will give my new sports car as an exchange." aniya.
"Sure name it, I will do it." masayang wika nito.
"It is easy just don't let anyone hurt or bully your future sister in law." aniya.