"Tulong tulungan niyo ako." sigaw ni Yaya habang tumatakbo ngunit walang nakakarinig sakaniya. Hinahabol siya ng tatlong lalaki.
"Walang makakarinig sa'yo!" sigaw ng isang lalaki habang hinahabol siya nito.
Patuloy parin sa pagtakbo si Yaya kahit na masakit na ang mga tuhod at paa nito. Muling lumingon si Yaya ngunit hindi lang isa ang humahabol sakaniya kundi tatlo. Hindi na niya napansin na may bato pala dahil nakatingin siya sa may likuran kung kaya't napatid siya.
"Ahhh!" napadaing siya sa sakit ng kaniyang paa.
Naabutan na siya ng isang lalaki. Unti unti siyang lumapit rito at hinawakan niya ang legs ni Yaya. Hinawakan ang kaniyang palda at pinunit iyon hanggang sa wala ng natira. Hindi parin tumitigil sa pag iyak si Yaya.
"Tulong!" napabalikwas ng gising si Yaya at hingal na hingal. Nagising naman sila Nychaa at Masu dahil sa sigaw ni Yaya kaya lumapit sila rito.
"Nandito lang kami Yaya." saad ni Nychaa at niyakap siya yumakap din pabalik si Yaya at humagulgol.
"Natatakot ako Nychaa!" saad ni Yaya at niyakap ng mahigpit si Nychaa.
Hinagod ni Nychaa ang kaniyang likod upang kumalma ito ngunit hindi parin kumakalma si Yaya patuloy parin itong umiiyak. Samantala kumuha naman si Masu ng tubig at iniabot ito kay Nychaa.
"Painumin mo muna siya ng tubig Nychaa." ani Masu.
Agad namang kinuha ni Nychaa ang isang basong tubig at pinainom ito sakaniya. Agad naman itong ininom ni Yaya.
"Huwag kang mag alala Yaya hahanapin namin ang gumawa nito sa'yo." seryosong wika ni Masu. Napatingin naman si Yaya sa kaniya matapos siyang uminom.
"S-salamat." tugon niya. Mabuti na lang at huminto na ito sa kakaiyak. Inalalayan nila si Yaya sa paghiga ng kumalma na ito.
"Gabi na bumalik na lang kayo bukas siguradong naaabala ko na kayo." ani Yaya.
"No, kailanman hindi ka nakakaabala sa amin Yaya." ani Nychaa at ngumiti sakaniya.
"Alam ko iyon Nychaa pero kailangan niyong magpahinga at may pasok pa tayo bukas." saad ni Yaya at hinawakan si Nychaa sa kaniyang kamay.
"Sigurado ka bang kaya mong mag isa rito?" tanong ni Nychaa.
Tumango naman si Yaya bilang pagtugon. Umupo naman si Masu sa kama at hinawakan ang balikat ni Yaya.
"Huwag kang mag alala poprotektahan ka namin. Hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sa'yo." saad ni Masu.
"Thank you Masu. Sige na curfew na ng dorm baka hindi na kayo makapasok sa loob." ani Yaya.
Nag aalinlangan si Nychaa na umalis dahil ayaw niyang iwan si Yaya. Palingon lingon siya rito hanggang sa makalabas siya. Huminga ng malalim si Yaya at napatingin sa bintana. Aminado siyang natatakot siyang nag iisa ngunit hindi naman maaaring palagi siyang babantayan ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit nagpapasalamat siya dahil mayroon siyang mga kaibigang nagmamahal at nagmamalasakit sakaniya.
Nang makapasok si Masu sa kanilang Dorm ay naabutan niyang natutulog na si Louis. Paniguradong napagod din ito sa kakabantay kay Yaya. Inilipag niya ang kaniyang bag at napaupo siya sa may sofa ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone tumatawag si Mark.
"Hello Mark?" mahinang boses ni Masu para hindi magising si Louis.
"I guess tulog na si Louis kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko." saad ni Mark na ikinatawa naman ni Masu.
"Tama ka riyan mahimbing siyang natutulog." tugon ni Masu.
"By the way kamusta si Urassaya?" biglang tanong ni Mark Kay Masu.
"Hanggang ngayon natatakot parin siya. Kanina nga bigla siyang nagising at sumigaw. Siguro napanaginipan niya ang nangyari kanina. Mabuti na lang at kumalma na siya kasi kung hindi; hindi namin alam kung anong gagawin sakaniya." kwento niya.
"Though we're not that close I'm still worried about her. Take a good care to her." seryosong wika ni Mark.
"I know you like her Mark don't deny it." pang aasar ni Masu.
"Don't change the topic! Its already 1 pm here matutog na ako." saad ni Mark at agad pinatay ang tawag.
Natawa naman si Masu sa inasal ni Mark. Masyado naman atang napikon si Mark. Nagbibiro lang naman siya bakit ganoon na lamang at inasta niya.
Sa kabilang dako nakaupo naman si Mark sa kaniyang kama kanina pa siya hindi mapakali dahil hindi niya alam kung anong balita kay Yaya. Kanina pa niya tinatawagan si Louis ngunit hindi ito sumasagot. Hindi naman matawagan si Masu. Mabuti na lamang at muli niyang tinawagan si Masu at sumagot na ito. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Mark ng malamang mabuti na ang kalagayan ni Yaya ngunit hindi parin siya mapapanatag hanggat hindi pa nahuhuli ang mga gumawa noon kay Yaya. Tumayo siya sa harap ng bintana at nakatitig siya sa buwan.
"Kahit malayo ako sa'yo hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'yo. I promise pagbalik ko palagi kang nasa tabi ko. Walang pwedeng magpaiyak sa'yo kasi ako hinding hindi kita papaiyakin." ani Mark sa kaniyang isip.
"Sana nakikita mo rin kung anong nakikita ko." huminga ng malalim si Mark at habang nakatingin sa nagliliwanang na buwan.
Samantala nakatayo si Yaya sa may bintana at nakatitig sa buwan. Kahit papaano ay gumagaan na ang loob niya. Ilang minuto siyang nakatitig sa buwan at napasinghap siya bago lumakad patungo sa kaniyang higaan.
--------------------
"Nahanap niyo na ba?" tanong ni Lucas.
"Yes sir nasa likod po kami ng Lumang Warehouse." tugon naman ng tauhan ni Lucas.
Madaling nahanap ni Lucas ang mga lalaking gumawa noon kay Yaya dahil sa cctv na nasa hallway ng laboratory.
"Good papunta na ako riyan." ani Lucas at pinatay na ang tawag.
Kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya galing Canada. Matapos sabihin ni Mark na umuwi siya sa bansa nila ay agad siyang nagpabook ng flight. Naglalakad siya ngayon palabas ng airport.
"Good Afternoon Young Master. Iyan po ang sports car na ipinadal ni Mark sa inyo." saad ng driver nila Mark sabay turo ng nakapark na sasakyan.
"Wow so beautiful." manghang wika niya habang hinahaplos ang sports car ni Mark.
"Sige na leave me alone may pupuntahan pa ako." saad niya. Tumango naman ang driver nila Mark bilang pagtugon. Sumakay na si Lucas sa sports car at mabilis itong pinaharurot. Nang makarating siya sa lumang warehouse ay nadatnan niya ang tatlong lalaking nakaupo sa silya at nakagapos ang kanilang mga kamay.
"Hi kamusta kayo?" sarkastikong wika niya sakanila.
"Sino ka anong kailangan mo sa akin?" sigaw ng isang lalaki.
"Wala akong kailangan sa inyo pero ang pinsan ko mayroon." tugon niya. Sumenyas siya sa mga tauhan niya na i-set up na ang cellphone sa harap nila. Tumambad doon ang mukha ni Mark sa cellphone.
"Sino ang nag utos sa inyo na gawin iyon kay Urassaya?" kalmadong wika ni Mark sakanila mula sa video call. Nagpipigil siya ng galit ng makita ang mga ito. Kung naroon lamang siya ay malamang bugbog sarado na silang tatlo.
"Walang nag utos sa amin." diretsang sagot naman ng isang lalaki.
"Lucas." ani Mark.
Agad namang lumapit si Lucas at binuhasan niya ang tatlo ng isang baldeng tubig.
"Sagot!" sigaw ni Mark. Nakayuko naman ang tatlo na hanggang ngayon ay ayaw paring sumagot.
"Mukhang wala tayong mapapala rito Mark." ani Lucas sakaniya.
"Sige na ipakulong mo na ang mga iyan siguraduhin mong mabubulok sila sa kulungan." utos ni Mark sakaniya.
"No problem by the way ang ganda ng sports car mo Cousin." saad ni Lucas.
"Basta gawin mo lang ang mga utos ko walang problema roon." ani Mark at pinatay na ang tawag.
Tumawag naman si Lucas ng mga pulis upang hulihin ang mga lalaking gumawa noon kay Yaya. Samantala umiinom si France ng alak mula sakaniyang mini bar. Nanggagalaiti siya sa galit ng malaman na nahuli ang mga tauhan niya. Mabuti na lamang at hindi siya isinumbong.
"Arggghhhhh!" sigaw niya sabay bato ng isang bote ng alak.
"Bakit ba masyadong pinoprotektahan ni Mark si Yaya." naiinis na wika niya.
"Hindi ako papayag. Sa akin lang si Mark walang pwedeng umangkin sakaniya kundi ako lang." aniya at tumatawa na parang baliw.
Sa kabilang dako naman ay nakahiga na si Yaya sa kaniyang kama. Hapon na ngunit hindi parin dumadalaw sila Nychaa at Bua.
"Nasaan na kaya sila." aniya dahil kanina pa siya nagugutom hindi pa siya nakakapaglunch.
Ilang minuto lang ang makalipas ay pumasok na sila Nychaa at Bua.
"Surprise!" sigaw nilang lahat. Akala niya ay silang dalawa lang ang darating ngunit kasama rin pala sila Louis at Masu.
"Ang tagal niyo kanina pa ako nagugutom." saad ni Yaya.
"May maganda kasi kaming balita sa'yo." masayang wika ni Bua.
"Nahuli na ang mga lalaking gumawa noon sa'yo kaya your safe." saad ni Masu.
"Talaga salamat naman kung ganoon." nakangiting wika ni Yaya.
Inilapag ni Masu ang kanilang dala sa sahig. Hindi parin sila kumakain kaya nagplano sila ng kumain na lang kasama si Yaya. Bumangon naman si Yaya at umupo sila sa sahig ng hospital upang doon kumain.
"Ang sarap naman itong shrimp na binili mo." ani Nychaa kay Masu. Binabalatan naman ni Masu si Nychaa ng shrimp.
"Wait tawagan kaya natin si Mark para kumpleto tayo." aniya.
"Good idea." saad naman ni Masu.
Agad kinuha ni Louis ang kaniyang cellphone at tinawagan si Mark sa video call. Inilapag niya iyon sa table upang kita silang lahat. Nang sagutin ni Mark ang tawag ay napaubo si Louis ng makitang tanging swimming trunks lang ang suot niya.
"Mark naman bakit hindi ka magsuot ng t-shirt bago mo sagutin." ani Louis. Nakatingin silang lahat kay Mark na nagpupunas ng kaniyang buhok. Kakatapos lang ng training nila.
"Kakatapos lang ng training namin." tugon niya. Napasulyap naman siya kay Yaya. Mabuti naman at maayos na ito.
"Alam mo ba Mark napakamisteryoso ng lalaking humili sa mga lalaking gumawa noon kay Yaya." ani Masu.
Busy namang kumakain sila Nychaa at Bua. Samantala pasulyap sulyap naman si Yaya kay Mark.
"Good to hear." seryosong wika ni Mark.
Hindi nila alam na si Mark ang tumulong kay Yaya.
"Mark pinapatawag ka ni Coach Von." saad ng lalaking kasama ni Mark sa training. Napalingon naman si Mark sa lalaking tumawag sakaniya.
"Sige papunta na ako." tugon ni Mark.
Bumalik naman ng tingin si Mark sa kanilang lahat.
"Paano ba iyan may gagawin pa ako. Next time na lang tayo mag usap." ani Mark.
"Sige mag iingat ka dyan." saad ni Louis.
Hindi na sumagot si Mark. Sumulyap muna siya sandali kay Yaya bago niya patayin ang tawag.
------------------
Pagkatapos nilang kumain ay umalis narin kaagad sila Masu at Louis dahil may klase pa sila. Si Bua naman ay nagbabayad ng bill ng hospital kasama si Nychaa. Naiwang mag isa si Yaya sa kwarto. Salamat naman at panatag na siya dahil wala ng mangugulo sa kaniya. Napalingon naman si Yaya sa Nurse na paparating.
"Ah Urassaya may nagpapabigay nito sa'yo." nakangiting wika ng Nurse. Napatingin naman si Yaya sa inaabot ng Nurse na paper bag.
"Para sa akin?" tanong niya. Tumango naman ang nurse bilang pagtugon. Kinuha ni Yaya ang paper bag.
"Sige po aalis na ako." saad ng Nurse.
Hinantay muna ni Yaya na lumabas ang Nurse saka binuksan ang paper bag. Nagulat siya ng makita ang blue teddy bear at mamahaling chocolates sa loob ng paper bag. Kinuha niya ang papel na nakaibabaw roon at binasa iyon.
"You don't even know my name but I know your name. You don't even know I exist but I know you do. But I'm happy because at least I get to talk to you over the phone. I hope you like my gift. I just want to say that there is nothing to be afraid of because I am always here by your side."
-Poseidon.
Napangiti si Yaya sa sinabi ni Poseidon sakaniya. Hinawakan niya ang kaniyang puso ng maramdamang sobrang bilis ng pagtibok nito.
"Sino ka nga ba talaga kahit hindi pa kita nakikilala sa personal nagagawa mong pabilisin ang pagtibok ng puso ko." saad niya.