Nag-aayos na ng gamit si Yaya dahil sa wakas ay makakalabas narin siya. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok sila Bua at Nychaa.
"Yaya tapos ka na ba?" tanong ni Bua. Napalingon naman si Yaya sa kaniya.
"Oo tapos na ako." saad niya ng maisara na ang zipper.
"Mabuti naman at wala ng manggugulo sa'yo." ani Nychaa at inakbayan si Yaya. Kinuha naman ni Bua ang bag ni Yaya at binitbit iyon.
Sabay silang naglalakad palabas ng hospital ngunit nakasalubong nila si Zhyan na nakajersey pa. Kagagaling lang niya sa basketball game. Hindi man lang siya nakadalaw dahil sobrang busy siya sa kaniyang paglalaro ng basketball dahil nalalapit na ang basketball competition ng Senior Vs. Junior. Natalo siya ni Mark kaya mas pursigido siyang magpractice upang matalo niya ito sa susunod na paghaharap nila.
"Oh Yaya dadalawin sana kita." aniya.
Napahinto sila Bua, Nychaa at Yaya sa paglalakad ng lumapit sakanila si Zhyan.
"Okay na ako Zhyan." nakangiting wika ni Yaya.
"As if naman na may naitulong ka ni hindi ka nga dumalaw eh." mahinang wika ni Bua at sabay cross arm.
"May sinasabi ka Bua?" tanong naman ni Zhyan.
"Ah wala naman." tugon ni Bua at ngumiti ng plastic.
Hindi niya alam kung bakit siya naiinis kay Zhyan. Hindi man lang ito dumalaw kay Yaya at wala siyang nagawa para protektahan ito. Ano pa at kaibigan niya si Yaya.
"Sige na Zhyan mauuna na kami sa Dorm. See you." ani Yaya. Tumango naman si Zhyan bilang pagtugon. Sinundan niya ng tingin ang tatlo habang naglalakad ang mga ito. Napangiti siya dahil sa wakas ay wala si Mark sa Yuzhen University. Magagamit niya ang dalawang buwan para maiparamdam niya ang feelings niya sakaniya at para narin mag-confess dito.
Habang naglalakad sila patungo sa Dorm ay bigla nilang nakita si Masu, Louis at hindi nila kilala ang isang kasama nito. Napangiti naman si Nychaa ng mapasulyap si Masu sakaniya.
"Mabuti naman at nakalabas kana Yaya." nakangiting wika ni Louis ng makalapit sila.
"Oo nga eh." ani Yaya.
"Saan kayo pupunta ngayon?" tanong naman ni Masu sakanila.
Hindi sila nakasagot dahil nakatingin sila sa lalaking kasama nilang dalawa. Kamukha niya si Mark siguradong kapatid niya ito. Siniko ni Masu si Louis dahil hindi pa niya naipapakilala si Lucas sakanila.
"By the way He is Lucas Sper, Mark's cousin." ani Louis ngumiti naman si Lucas sakanila.
"Hello nice to meet you." ani Lucas.
"Nice to meet you too by the way I'm Bua Nalinthip." ani Bua at inilahad ang kaniyang kamay. Kinuha naman ito ni Lucas at ngumiti kay Bua.
Napangiti naman silang apat dahil malagkit ang tingin nila sa isa't isa.
"Hmm hindi niyo pa nasasagot ang tanong ko. Saan kayo pupunta ngayon?" tanong ulit ni Masu.
"Sa Dorm na kami dahil hapon pa ang klase namin sa CET." tugon naman ni Nychaa.
"Dahil first time ko kayong na-meet ngayon ililibre ko kayo ng meal." ani Lucas habang nakatingin kay Yaya.
Ito na ang paraan para makapag update siya kay Mark. Pumayag naman silang lahat sakaniya. Samantala nauna na silang maglakad at si Lucas naman ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at minessage si Mark.
"I will treat your friends a meal and also Urassaya's friend." aniya at sinend iyon kay Mark. Pagkatapos ay binulsa niya ang kaniyang cellphone at sumunod na sakanila.
-------------------------
Mag isa ngayon si Mark sa pool at nakaupo siya sa edge ng pool. Nakatingin siya sa kaniyang cellphone naghihintay siya ng message ni Yaya.
"Hindi ba niya nagustuhan ang pinadala ko?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Malalim ang kaniyang iniisip at kanina pa niya kinakalikot ang kaniyang cellphone. Ng inilapag niya ang kaniyang cellphone ay bigla naman itong tumunog kaya agad niya itong kinuha nagbabakasali siyang si Yaya na iyon.
Nawala ang ngiti niya sa kaniyang labi ng makitang si Lucas iyon. Pinindot niya ang pangalan ni Lucas at binasa ang message niya.
"I will treat your friends a meal and also Urassaya's friend." basa niya.
"Make sure na healthy at delicious ang oorderin mo. I will pay the bill use my card number." reply niya saka sunod na sinend ang kaniyang card number at password.
Bigla namang dumating si Coach Von at kumunot ang kaniyang noo ng makitang hindi parin nagbibihis si Mark. Hanggang ngayon ay nakaswimming trunks parin ito. Kaya nilapitan niya si Mark.
"Mark magbihis kana magbabago ang weather mamaya uulan ng snow kaya baka magkasakit ka niyan." ani Coach Von.
"Really?" hindi makapaniwalang wika ni Mark sabay lingon kay Coach Von.
"Oo kaya magbihis kana." saad ni Coach Von at tumabi kay Mark sa pagkakaupo.
Napangiti si Mark dahil may naisip siyang plano mamaya. Sa kabila ng pag iisip ni Mark ay biglang nagsalita si Coach Von.
"Siya nga pala Mark next week na ang competition mo. Sabi ng Director kapag nanalo ka 1 month ka lang mags-stay rito." ani Coach Von habang nilalaro ang tubig gamit ang kaniyang paa.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mark. Kailangan niyang manalo para makauwi na siya agad. Sabik na siyang makitang muli si Yaya.
Samantala na sa music room si Yaya dahil nakasama na siya sa Music and Sport Deparment. Gusto niyang bigyan si Poseidon ng regalo ngunit hindi niya alam kung ano iyon. Umupo siya at tumugtog ng Piano. Nang nag umpisa na siyang tumugtog ay naisip niya si Poseidon kaya kinuha niya ang kaniyang cellphone at kinunan ang kaniyang sarili habang tumutugtog at kumakanta ng Drowning by Backstreet Boys. Balak niyang isend ito kay Poseidon mamaya. Pagkatapos niya ay nagmamadali siyang umalis para maisend na niya iyon kay Poseison. Mag isang naglalakad si Yaya papunta sa Dorm ngunit nadatnan niyang nakatayo si Zhyan sa harap ng girls dorm. Napatingin naman si Zhyan ng makitang paparating si Yaya.
"Zhyan." tawag ni Yaya at lumapit sakaniya
"Yaya kanina pa kita hinihintay buti na lang at dumating kana." nakangiting wika nito.
"Bakit mo ako hinihintay may sasabihin ka ba?" tanong niya kay Zhyan.
"Gusto sana kitang ipasyal." aniya.
"Oo naman saan ba?" tanong niya.
"Basta sumunod ka na lang." saad ni Zhyan at hinila na si Yaya sa paglalakad.
Nang makarating sila sa garden ng campus ay namangha si Yaya dahil napakaganda ng lugar na iyon. Sa kabila ng paglilibot ni Yaya ay biglang nagsalita si Zhyan.
"Yaya." tawag niya rito.
Agad namang napalingon si Yaya sakaniya. Tumingin naman si Zhyan sa mga mata niya.
"Actually matagal ko ng gustong sabihin sa'yo ito." saad ni Zhyan.
Samantala naglalakad si Piak sa garden. Napahinto siya ng makita si Yaya at Zhyan na nag uusap kaya naisipan niya lumapit at kunan ito ng video ng mukhang seryoso ang kanilang pinag uusapan.
"Yaya, I like you." diretsang wika ni Zhyan dahilan para mawalan ng ngiti si Yaya sa kaniyang labi. Nanlaki naman ang mga mata ni Piak sa kaniyang narinig.
"Please be my girlfriend." sunod na wika niya.
Hindi alam ni Yaya ang kaniyang sasabihin kaya napayuko siya. Huminga muna siya ng malalim para masagot ang tanong ni Zhyan. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil si Poseidon at si Mark ang laman ng puso niya.
"S-sorry pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo Zhyan at may iba akong nagugustuhan." ani Yaya.
"Sino? Yaya?" tanong niya.
"Si-si-si M-mark. Si Mark Sper ang gusto ko." nauutal na wika niya hindi niya pwedeng sabihin na dalawang tao ang nagugustuhan niya dahil hindi pa niya nakikita si Poseidon.
Masama ang loob ni Zhyan kaya nakatayo lang siya at hindi makasagot. Samantala ay nakangisi si Piak dahil may masama siyang balak. Nangmai-save na niya ang video ay umalis na siya sa lugar na iyon.
"Sorry Zhyan. Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako." aniya at hindi na hinintay ang sagot ni Zhyan bagkus ay tumakbo siya ng tumakbo patungo sa kanilang dorm.
---------------------
Sa kabila ng malamig na panahon ay hindi iyon alintana ni Mark. Nakaupo siya sa labas at gumagawa siya ng maraming snowman. Makapal na ang kaniyang jacket ngunit nilalamig parin siya. Pang sampu na ang snowman na ginagawa niya. Balak niya iyong ivideo at isend iyon kay Yaya.
Nang matapos siya ay kinunan niya ito at sinend kay Yaya. Pumasok na siya sa loob dahil sobrang lamig na sa labas.
Samantala nakahiga na si Yaya sa kaniyang higaan hindi parin maalis sa isipan niya ang sinabi ni Zhyan sakaniya. Napahinto siya sa pag iisip ng tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niyang binuksan iyon at napangiti ng may videong sinend si Poseidon sakaniya. Umuulan ng snow at maraming snowman na nakatayo. Bigla niyang naalala ang videong ginawa niya. Kaya dali dali niya itong sinend kay Poseidon.
Patungo naman si Mark sa kaniyang kwarto at napahiga. Naghihintay siya ng message ni Yaya. Bigla naman siyang napangiti ng makita ang pangalan ni Yaya sa messages niya. Sa wakas ay nagmessage narin ito.
Maslalong napangiti si Mark ng makitang tumutugtog si Yaya at kumakanta.
Drowning
by: Backstreet Boys.
Don't pretend you're sorry
I know you're not
You know you've got the power
To make me weak inside
And girl, you leave me breathless
But it's okay
'Cause you are my survival
Now hear me say
I can't imagine
Life without your love
And even forever
Don't seem like long enough
Every time I breathe, I take you in
And my heart beats again
Baby, I can't help it
You keep me drowning in your love
Every time I try to rise above
I'm swept away by love
Baby, I can't help it
You keep me drowning in your love
Maybe I'm a drifter
Maybe not
'Cause I have known the safety
Of floating freely in your arms
I don't need another life line
It's not for me
'Cause only you can save me
Oh, can't you see
I can't imagine
Life without your love
And even forever
Don't seem like long enough
(Don't seem like long enough, yeah)
Every time I breathe, I take you in
And my heart beats again
Baby, I can't help it
You keep me drowning in your love
Every time I try to rise above
I'm swept away by love
Baby, I can't help it
You keep me drowning in your love.
Hindi alam ni Mark kung anong mararamdaman. Bigla na lamang may pumatak na isang butil ng kaniyang luha. Habang tumatagal ay maslalo niyang minamahal si Yaya. Pinatong niya ang cellphone sakaniyang dibdib habang naririnig ang mala anghel na boses ni Yaya. Nakatingin siya sa kisame at sabay sabing.
"I miss you."