Isang linggo ang makalipas ay dumating narin ang araw na pinakahihintay ni Mark ang competition kung saan iba't ibang swimmers na nanggaling sa iba't ibang bansa at iba't ibang University. Nakaupo ngayon si Mark sa kaniyang kwarto dalawang oras na lang ay mag uumpisa na ang kaniyang laro.
Sa kabilang dako naman ay nagreserve si Lucas ng restaurant na may malaking TV upang mapanood roon si Mark kasama sila Louis, Masu, Bua, Nychaa at Yaya.
"Ang tagal naman ng mga girls." nababagot na wika ni Louis nakahiga ang kaniyang ulo sa table. Hindi pa sila nakakaorder ng pagkain dahil hindi pa nag uumpisa ang competition.
"Parating na raw sila." ani Masu habang hawak ang kaniyang cellphone.
"Maghintay lang tayo darating ang mga iyon." tugon naman ni Lucas na ngayon ay binabasa ang menu.
"Pero kinakabahan ako baka matalo si Mark." ani Louis bigla namang napatingin sa kaniya si Masu dahil sa sinabi nito.
"Ano ka ba mananalo si Mark." saad ni Masu sakaniya.
"Masu is right. Manalo man o matalo si Mark susuportahan natin siya." biglang sabi ni Lucas.
Sa kabila ng pag uusap nila ay dumating na sila Yaya at ang mga kaibigan nito. Lumapit si Nychaa kay Masu at umupo sa tabi nito.
"Sorry we're late guys." ani Nychaa. Magkatabi si Yaya at Bua ganoon rin si Louis at Lucas.
"Mag order na kayo." ani Lucas at iniabot ang menu kay Yaya. Bahagya namang napalunok si Yaya ng mabasa ang price ng mga pagkain roon. Napansin ni Lucas na nakakatitig lang si Yaya sa menu at mukha siyang nag aalinlangang pumili ng pagkain.
"Ah pinapasabi ni Mark na sagot daw niya ang pagkain natin ngayon." biglang sabi ni Lucas. Nanlaki naman ang mga mata ni Louis.
"Really? Ako na lang ang magoorder dapat expensive." saad ni Louis at kinuha kay Yaya ang Menu. Bahagya namang napangiti si Yaya dahil libre pala iyon ni Mark. Hindi niya kayang umorder ng mamahaling pagkain sa ganoong klaseng restaurant.
"Waiter." sigaw ni Louis ng makapili na siya ng kanilang kakainin. Hinayaan na nilang si Louis ang pumili ng makakain. Lumapit naman agad ang waiter sakanila.
"5 Kilogram of Spicy Lobster, 6 plates of Sweet and Sour Pork ribs, 3.5 kilogram of Australian Crab and salad for the dessert." saad ni Louis at isinara na ang menu. Agad namang isinulat ng waiter ang inorder ni Louis.
"Ang dami mo namang inorder mauubus kaya natin iyon?" tanong ni Bua sakaniya.
"Don't worry may tiwala ako sa mga stomach niyo." natatawang wika ni Louis.
"Ah Iced Tea and drinks namin." biglang sabi ni Lucas dahil nakalimutang umorder ni Louis ng drinks. Tumango naman ang waiter at umalis rin ito.
"Sandali mag-picture tayo para makita ni Mark na sinusuportahan natin siya." saad ni Masu at agad inilabas ang kaniyang cellphone.
"1. 2. 3 Say Cheese." aniya.
Agad namang sinend iyon ni Masu kay Mark.
Sa kabilang dako nag aayos na si Mark sa kaniyang locker kasama ang kaniyang mga kalaban. Bago niya iwan ang kaniyang cellphone sa locker ay binuksan niya muna iyon. Agad siyang napangiti ng makita ang sinend ni Masu. Zinoom niya iyon kay Yaya. Nakita niyang nakangiti ito ng pagkatamis tamis. Sandali pa niya itong tinitigan saka tinago narin ang kaniyang cellphone.
Maglalakad na sana si Mark ng biglang dumaan ang isa niyang kalaban na si Ling Yimen kaya nauntog ang kaniyang tuhod. Dire diretso lang naglakad ang kaniyang kalaban na parang walang nangyari. Napadaing naman si Mark dahil sa sakit dahil tumama ito sa bakal na upuan.
Panigurado siyang sinadya niya iyon dahil para matalo siya. Balita niya ay madaya ang lalaking iyon kaya palagi itong natatalo.
"Welcome to Asia's Swimming Competition. We have swimmers who come from different countries and different universities. In track, He is Hallorn Icenberg representative of Harvent University; In track 2, Ling Yimen from Hanzhou University; In track 3, Mark Sper from Yuzhen University and also known as the God of Water on his campus; In track 4, Michael Smith from Elleanor Univesity in the last track 5, Sang Min Woo from Sanwong Univesity." saad ng MC.
Habang nagstreching ang mga manlalaro ay kanina pa nakahawak si Mark sa kaniyang tuhod dahil sumasakit iyon.
"Look si Mark parang may sakit." nag aalalang wika ni Nychaa.
"Oo nga kinabahan tuloy ako." ani Bua.
"Alam kong mananalo ka may tiwala ako sa'yo." ani Yaya sa kaniyang isipan.
"Swimmers get ready." saad ng Mc.
Naghiyawan naman ang mga audience roon. Nag umpisa ng magbend ang mga swimmers.
"1. 2. 3." kasabay ng pagputok ng baril ang pagtalon nilang lahat. Naunang tumalon si Yimen kasunod naman niya si Hallorn at Michael. Nasa pang apat si Mark dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.
"Anong nangyari kay Mark!" saad ni Masu at pagalit na hinampas ang mesa.
"Bilisan mo Mark." ani Yaya.
Maslalong sumakit ang tuhod ni Mark kaya nasa pang lima na siya ngayon at napahawak na siya kaniyang tuhod. Gusto ng sumuko ni Mark dahil sobrang sakit na ng kaniyang tuhod ngunit biglang pumasok sa kaniyang isipan si Yaya.
"Siya nga pala Mark next week na ang competition mo. Sabi ng Director kapag nanalo ka 1 month ka lang mags-stay rito." bigla niyang naalala ang sinabi ni Coach Von. Kailangan niyang manalo para makauwi na siya.
"I love you." naalala ni Mark ang kaniyang sinabi noon lasing siya at bigla niyang niyakap si Yaya.
"Kailangan kong manalo!" saad niya sa kaniyang isip.
"Mukhang matatalo si Mark." saad ni Louis.
Nasa kabilang side na si Mark ng pool kailangang siya ang mauna sa kanilang lahat.
Napatayo na si Bua sa kaniyang kinauupuan ng makitang palapit na ng palapit ang mga kalaban sa line samantalang si Mark ay nasa pangatlong rank parin.
Ibinuhos na ni Mark ang kaniyang makakaya. Maslalo niyang binilisan ang kaniyang paglangoy. Pikit mata ang lahat ng makarating ang isang swimmers sa line hindi nila alam kung sino iyon dahil nakapikit sila. Hinihiling nilang si Mark iyon.
Nang makarating lahat ang swimmers sa line ay napatingin sila sa ranking ng screen. Hindi pa iyon lumalabas.
"Ayoko tignan." ani Louis habang takip takip ang kaniyang mga mata na parang babae.
Lahat silang magkakaibigan ay ayaw tumingin sa TV dahil natatakot silang malaman ang resulta. Hanggang sa lumabas ang resulta sa screen. Tinignan iyon ni Lucas napatayo siya at napasigaw ng makita ang resulta.
"Really!" saad niya dahilan para mapalingon silang lahat sa TV.
"Wahhhhh!" sigaw ni Yaya, Bua at Nychaa ng makitang Rank 1 si Mark.
Nagtatatalon sila sa tuwa dahil hindi nila akalain na mananalo si Mark. Sobrang saya nilang lahat dahil sa pangyayari iyon.
Samantala napangiti si Mark ng makitang siya ang panalo. Sa wakas ay malapit na rin siyang makauwi at hindi siya makapaghintay na mangyari iyon.
"I'm so proud of you." ani Yaya sa kaniyang isip habang titig na titig kay Mark na nakangiti mula sa harap ng TV.
----------------------
Samantala tapos na ang competition nila Mark kaya bumalik na sila sa kaniya kaniya nilang klase. Nasa swimming class si Yaya at ang kaniyang mga kaklase.
"Tomorrow class dapat marunong na kayo ng proper breathing." saad ng kanilang Teacher.
"Yes Teacher." saad ng lahat.
"Okay this is for today's class see you tomorrow." paalam ng kanilang teacher.
Nagtungo na si Yaya sa cr upang magpalit ng kanilang damit. Nakatingin si Yaya sa salamin habang punas punas ang kaniyang buhok. Napansin niya na wala ang kwintas niya. Mahalaga iyon dahil regalo ito sakaniya ng kaniyang Lola Cely.
"Emily nakita mo ba ang kwintas ko?" tanong niya.
"Huh? Hindi eh baka nalaglag mo sa pool kanina." tugon naman ni Emily.
Dali daling tumakbo si Yaya patungong Swimming Pool. Nagpaikot ikot siya kung saan saan ngunit hindi niya iyon mahanap. Isang oras na ang makalipas pero hindi niya magawang tumalon sa pool dahil takot siya na baka malunod siya.
Napalingon naman si Yaya ng may makarinig ng yapak ng paa. Nakita niya si Piak na paparating.
"What are you doing here?" ani Piak ng makita si Urassaya sa gilid ng swimming pool.
"Hinahanap ko lang ang kwintas ko." aniya
"Liar!" sigaw ni Piak.
"As far as I know you are here for our God of water. You are ashamed that you are just an ordinary girl on this campus." saad ni Piak at biglang humalakhak.
"I don't know what you are saying. I'm just looking for my necklace here. I don't care about your God of Water. I don't like to be famous because I am not like you who are asking for attention to be famous." saad ni Urassaya.
"And also wala dito si Mark kaya huwag ka ng gumawa ng kwento." dagdag niya.
"What did you say!" sigaw ni Piak.
"Bingi ka ba? Gusto mo pa bang ulitin ko?" sarkastikong wika ni Urassaya.
"Ah ganoon ah." biglang tinulak ni Piak si Urassaya sa swimming pool.
"Help! Help!" sigaw ni Urassaya habang nalulunod sa tubig.
Pinipilit ni Yaya na lumangoy ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa malalim siya naitulak ni Piak. Nakainom na siya ng tubig at humingi hingi siya ng tulong ngunit hindi iyon pinapansin ni Piak.
"Walang tutulong sa'yo rito kaya better to say goodbye." ani Piak at diretso na palabas.
"Tulungan niyo ako!" ani Urassaya palubog lilitaw ang galaw niya.
Nang hindi na niya nakayanan ay unti unti na siyang lumulubog sa ilalim ng pool. Natatakot si Yaya na baka iyon na ang wakas ng kaniyang buhay.
"Is this the end of my life? I want to fulfill my dream of becoming a great musician. Please help me!" saad ni Urassaya sa kaniyang isip.
"Please help me!" saad niya sa kaniyang isip ng may makitang lalaking paparating at iniaabot ang kaniyang kamay.
"God of Water." ani Urassaya at doon na nawalan ng malay.
"Mark will kill me kapag may nangyaring masama sa'yo." saad ni Lucas habang lumalangoy papalapit kay Yaya.
Kanina pa niya ito hinahanap. Buti na lamang at sakto ang dating niya. Malinaw na malinaw ang pool kaya kitang kita siya rito.
Hawak hawak ni Lucas si Yaya paakyat ng edge ng pool ng maakyat na niya ito ay agad niya na-CPR.
"Please wake up." saad niya habang pinupush ang kaniyang dibdib.
Nakahinga ng maluwag si Lucas ng umubo si Yaya
at naisuka na niya ang tubig na nainom na niya. Unti unting gumalaw si Yaya. Nakita niya si Lucas na nakatingin rito. Ang buong akala niya kanina ay si Mark ang tumulong sakaniya.
"Mabuti naman at nagising ka na kung hindi magagalit sa akin si Mark." ani Lucas.
Bigla namang kumunot ang noo ni Yaya ng marinig ang kaniyang sinabi.
"Magagalit? si Mark?" nagtatakang tanong niya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Lucas dahil hindi niya dapat iyon nasabi. Malalagot siya nito kay Mark kung sasabihin niya ang totoo.