Part 18

1759 Words
Nanlaki naman ang mga mata ni Lucas dahil hindi niya dapat iyon nasabi. Malalagot siya nito kay Mark kung sasabihin niya ang totoo. "Huh?" nagkunwaring hindi naintindihan ni Lucas ang sinabi ni Yaya. "Bakit mo nabanggit si Mark?" tanong niya. "Ahh ganoon ba kasi swimmer siya at swimmer din ako; kapag nalaman niya na may nalunod at hindi ko nailigtas siguradong magagalit siya sa akin lalo na at narito ako. Wala namang ibang kahulugan iyon." paliwanag niya. Bahagya namang napayuko si Yaya. Tama si Lucas walang kahulugan iyon. Hindi dapat siya mag isip ng kung ano ano dahil malabong magkagusto si Mark sakaniya. Tumayo na siya at dire-diretso sa kanilang dorm upang magbihis. Ngumiti na lang siya bago umalis sa harapan ni Lucas at saka nagpasalamat. Mabilis na lumipas ang mga araw. Bukas na mag uumpisa ang kaniyang Prelim Exam. Nasa dorm ngayon sila Bua, Nychaa at Yaya wala silang maupuan sa library dahil sobrang dami ng mga estudyante upang magreview kaya napagdesisyunan nilang manatili lamang sa dorm. "Aisshhh ang sakit na ng likod ko." saad ni Bua habang nag iinat ng kaniyang katawan. Nasa kani-kaniyang study stable ang tatlo. Tumayo naman si Nychaa upang kumuha ng tubig at sinagot si Bua. "Bukas na ang exam kaya dapat mag aral tayong mabuti. Huwag kang tatamad tamad." aniya at ininom ang kinuha niyang tubig. "Kakakuha ko lang ng permit ko at alam kong magkakahiwalay tayo ng room." nakabusangot na wika niya. Samantala tahimik lang si Yaya na nakaupo at nagbabasa ng kaniyang libro. Kailangan niyang mag aral ng mabuti dahil maaalis siya sa scholarship kung hindi siya makakapasa. "Mabuti pa si Yaya matalino siguradong makakapasa siya." ani Nychaa habang umuupo na sakaniyang study table. "Hindi naman kailangan ko lang mag aral ng mabuti para hindi ako maalis sa scholarship." tugon ni Yaya. "Sige na hindi ko na kayo guguluhin." saad ni Bua at nag umpisa ng magreview. Sa kabilang dako naman ay mag isa si Zhyan sa kanilang dorm. Lumabas lahat ng kaniyang room mates upang magreview samantalang siya ay balisa. Galit siya kay Mark at gusto niyang mawala na siya sa paningin ni Yaya. Sa kabila ng pag iisip niya ay bigla namang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at nakitang unknown number kaya agad niya itong sinagot. "Hello sino ito?" tanong niya sa kabilang linya. "Ohh buti na lamang at sinagot mo." saad ng babae. Kumunot naman ang noo ni Zhyan dahil hindi niya kilala ang babae. "Anong kailangan mo bakit ka napatawag." tanong niya. "Alam kong gusto mo rin si Urassaya." bigla niyang sabi. "P-paano mo na laman?" nagtataka siya kung bakit niya iyon nalaman. "Hindi na mahalaga iyon kung paano ko nalaman. My name is France. Kung gusto mo talaga si Urassaya ay tutulungan kita." ani France. "Paano?" tanong naman ni Zhyan "Simple lang kailangang mawala si Urassaya rito sa school na ito para masolo mo na siya at ng hindi na sila magkita ni Mark." masamang balak niya. "At bakit ko naman gagawin iyon. Ayokong masira ang kinabukasan niya." pagtanggi ni Zhyan. "It's up to you kung hahayaan mo na lang siya mapunta sa iba. Kaya kung ako sa'yo habang maaga pa gagawa na ako ng paraan. Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko." aniya at pinatay na ang tawag. Pabagsak na inilapag ni Zhyan ang kaniyang cellphone. Hindi niya alam kung anong gagawin. Gusto niyang mapunta sakaniya si Yaya ngunit masisira naman ang kinabukasan nito. Ang nasa isip niya ngayon ay tama si France habang maaga pa ay kailangan na niyang gumawa ng paraan. ------------------------------------ Maagang nagising sila Yaya at ang kaniyang mga kaibigan. Ngayon araw ang kanilang Exam kaya masaya silang naglalakad patungo sa kani-kanilang Examination Room. "Paano ba iyan mamayang hapon na lang tayo magkita." ani Bua. Huminto muna sila sa hallway. "Oo basta magkakaroon tayo ng celebration mamaya." ani Nychaa. Bahagya namang napangiti si Bua sa sinabi niya. "Gusto ko iyan." masayang wika ni Bua. "Good luck sa atin." ani Yaya. Nagyakapan muna silang tatlo at napagpasyahan na nilang magtungo sa kanilang Examination Room. Nang makuha ni Yaya ang kaniyang Test Paper ay napangiti siya dahil naroon lahat ng kaniyang nireview. Nakasisiguro siyang hindi siya maaalis sa scholarship. Samantala kalalabas nila Coach Von at Mark sa Hospital upang magpacheck up. "Mabuti na lang at hindi malala ang nangyari sa tuhod mo." saad ni Coach Von sakaniya habang naglalakad. "Nakailang balik na ako rito sa hospital kaya panigurado akong gagaling agad itong tuhod ko." tugon ni Mark. Magaling ang physical therapist na nagmamasahe sa kaniya kaya bumuti na ang tuhod niya. "Mabuti naman kung ganoon." nakangiting wika ni Coach Von at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Huminga ng malalim si Mark. Hindi siya nagparamdam kay Yaya ng ilang araw dahil alam niyang may exam na ang mga ito kaya binigyan niya ng oras si Yaya upang magreview. Hapon na ng matapos ang kanilang Exam. Nasa cafeteria ngayon si Yaya, Bua, Nychaa, Masu at Louis. Hindi kasama si Lucas dahil mayroom din siyang Exam. Maliban kay Masu at Louis dahil senior student na ang mga ito kaya sa ibang araw sila mage-exam. "Cheers!" sigaw nilang lahat. "Salamat naman at tapos na ang exam wala na akong iisipin." nakangiting wika ni Nychaa. "Oo nga makakapagpahinga na tayo." ani Bua habang sumusubo ng pagkain. "Mabuti na lang at sa ibang araw pa ang aming exam." saad ni Louis sakanila. "Siya nga pala tumatawag ba sa'yo si Mark?" biglaang tanong ni Masu kay Louis. Napahinto naman silang lahat at napatingin sila sakaniya. "Oo nga pala hindi siya nagpaparamdam matapos ang competition niya." nagtatakang tanong ni Louis. "Baka busy siya." tugon naman ni Nychaa. Nagkibit balikat naman si Masu. Samantala natahimik si Yaya. Hindi na niya iniisip si Mark dahil ayaw na niyang masaktan. Mas mabuti sigurong burahin na lang niya ang feelings niya rito at si Poseidon na lang ang maiwan sa puso niya. Pilitin man niya ngunit kahit anong gawin niya ay pantay lang ang pagmamahal niya sa dalawa. Malalim na ang gabi ngunit magkasama sila France at Zhyan patungo sa Dean's Room. Pumayag na si Zhyan sa plano ni France balak nilang kunin ang Exam Paper ni Yaya upang maalis siya sa scholarship. Sa paraang iyon ay hindi na makakapasok si Yaya sa Yuzhen dahil alam ni Zhyan na hindi makakabayad si Yaya ng Tuition Fee. "Bilisan mo." mahinang wika ni France habang hawak hawak ang flashlight. Dumaan sila sa bintana dahil wala silang susi ng pintuan. Ng makapasok sila ay agad nilang hinahanap ang mga paper. Si Zhyan ang nakahanap ng Test Paper ni Yaya dahil alam niya kung anong section nito. "Nakuha ko na." saad niya napalingon naman si France sakaniya at napangiti. "Good." saad niya at lumapit sakaniya si France at kinuha ang Test Paper nito. Mataas ang nakuhang grado ni Yaya ng makita ang papel niya. "Useless ang score mo." saad niya sa kaniyang isip at saka ngumisi. --------------------------- Umaga na at nag aayos na silang tatlo dahil walang pasok ngayon. Napagpsyahan nilang mamasyal sa mall dahil hindi pa sila nakakapagbonding. "Bilisan niyo." saad ni Bua habang nakaharap sa salamin. Kanina pa siya naghihintay sa dalawa. "I'm done." nakangiting wika ni Yaya napalingon naman si Bua sakaniya. "Mukhang maganda ang mood mo." aniya. "Syempre naman." nakangiting wika niya. Sasagot na sana si Bua ngunit biglang may kumatok sa kanilang pintuan. Lumapit si Yaya at binuksan iyon. "Noem ikaw pala bakit ka narito?" tanong ni Yaya. Lumapit naman si Bua sakanila. "Urassaya pinapatawag ka ni Dean." saad niya. Nagpantay naman ang kilay ni Yaya dahil nagtataka siya kung bakit siya pinapatawag. "Bakit daw?" tanong niya. "Hindi ko alam eh." ani Noem sabay kibit balikat. "Ah Bua mauna na lang kayo sa Mall at susunod na lang ako." aniya kay Bua. "Sige bilisan mo ha." tugon niya. Isinara na ni Yaya ang pinto at sumama kay Noem. Nang makarating sila sa opisina ay umalis narin si Noem. Iniwan na niyang nag iisa si Yaya. Kumatok naman siya bago pumasok. "Magandan araw po." masayang bati ni Yaya. "Maupo ka." tugon naman ni Mrs. Leann ang kanilang Dean's Lister. "Pinatawag kita dahil gusto kong tanungin kong nag exam ka ba kahapon?" tanong niya. "Po? Nag exam po ako kahapon." tugon niya. "Wala ang Test Paper mo." seryosong wika niya. Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ni Yaya dahil sa kaba. "Paano po nangyari iyon?" nagtatakang wika niya. "I'm sorry pero wala namang kukuha ng paper mo sa room na ito kaya imposibleng mawawala iyon. Baka hindi ka nag exam. Urassaya hindi pwedeng magre take ka ng exam dahil unfair iyon sa mga students dito. Kaya kailangan mong magbayad ng Tuition Fee upang manatili ka sa school na ito kung hindi naman ay maaari ka ng umalis." mahabang litanya niya. Nag umpisa ng magpatakan ang luha ni Yaya dahil sa narinig. Tumayo na siya at tulalang lumabas sa opisina ng kanikang Dean. Wala siyang magawa, wala siyang pera pambayad ng Tuition Fee. Dumiretso siya sa kanilang dorm at kinuha na ang kaniyang luggage. Wala parin siyang tigil sa pag iyak. Siya na lang ang inaasahan ng kaniyang Lola Cely. Habang inilalagay ni Yaya ang kaniyang damit sa kaniyang luggage ay hindi niya maiwasang isipin ang kaniyang lola. -------Flashback------ "Naku apo! mag iingat ka roon ha. Mabuti at nakapasa ka sa University na iyon at matutupad mo na ang pangarap mo." masayang wika ni Lola Cely habang pinapanood si Yaya na nagliligpit ng kaniyang gamit. "Pangako po Lola! magiging isang magaling na Physical Therapist po ako." saad ni Yaya. Tinapos na niya ang pagliligpit ng kaniyang mga damit at tumayo upang yakapin ang kaniyang lola. "Mamimiss ko po kayo Lola." saad niya habang yakap yakap ito. "Mamimiss rin kita apo." tugon naman niya. ----------End of Flashback--------- Tapos ng iligpit ang damit ni Yaya at inilagay iyon sa luggage. Mas mabuting huwag na lang siyang magpaalam sa dalawa niyang kaibigan dahil ayaw niyang mag alala ang mga ito. Naglalakad na siya palabas ng Campus habang hila hila ang kaniyang luggage. Napahinto muna siya sandali at tumingin patalikod. "Thank you sa masasaya at malungkot na alaala Yuzhen University." saad niya saka pinunasan ang kaniyang mga luhang pumatak. Samantala nakatingin si Mark sa Yuzhen University. Nasa gate siya at nilalanghap ang sariwang hangin. "I'm back." nakangiting wika niya. Nag iba ang kaniyang itsura maslalong lumabas ang kaniyang kagwapohan dahil sa bago niyang gupit na buhok. Pumasok na siya sa loob ng gate at palabas naman si Yaya. Nakayuko si Yaya kaya hindi niya nakita si Mark na parating. Samantala bahagyang napalingon si Mark sa gawing kanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD