Part 19

2447 Words
Pumasok na siya sa loob ng gate at palabas naman si Yaya. Nakayuko si Yaya kaya hindi niya nakita si Mark na parating. Samantala bahagyang napalingon si Mark sa gawing kanan. "Mark!" sigaw ni Masu. Malayo man siya ngunit dinig niya ang pagtawag ni Masu sakaniya. Kung kaya't napalingon siya sa may gawing kanan. Napangiti naman siya ng makita ang dalawang magkasama kaya dali dali siyang tumakbo patungo sakanila. Hindi niya napansin si Yaya na naglalakad na paalis. "Kamusta Mark nakakapanibago ang itsura mo ngayon ah." saad ni Louis at hinawakan siya sakaniyang balikat. Natawa naman si Mark sa sinabi niya. "Okay lang naman ako kayo?" nakangiting wika niya. Titig na titig at nagpantay naman ang kilay ni Masu habang nakatingin kay Mark dahil nagtataka siya kung bakit parang masaya ata siya ng umuwi ito. Ibang iba ang ngiti nito hindi katulad ng dati. "Wait, bakit parang may kakaiba sa'yo Mark?" nagtatakang wika niya. Kumunot naman ang noo ni Mark dahil sa sinabi nito. "Huh?" kunot noo niyang tanong sakaniya. "Sira matagal mo lang hindi nakita si Mark." ani Louis at binatukan si Masu. Natawa naman si Mark sa ginawa niya kay Masu. "Let's go ililibre ko kayo sa Cafeteria." saad ni Mark at nauna ng naglakad. Nagulat naman sila sa sinabi niya mukhang nasa mood ata ito kaya siya manlilibre. Nag apir silang dalawa sabay halakhak. Hindi na nila pinaglagpas ang pagkakataon kaya sinundan na nila si Mark bago pa magbago ang isip nito. Samantala naghihintay naman si Bua at Nychaa. Kanina pa palakad lakad pabalik si Nychaa habang nakapameywang. "Ang tagal naman ni Yaya." nakabusangot na wika ni Bua habang nakaupo sa bench sa gilid ng Mall. "Oo nga, ano kayang nangyari bakit natagalan siya?" nagtatakang wika ni Nychaa habang patingi tingin sa mga taong papaparating. "Balikan kaya natin pakiramdam ko may kakaibang nangyari sakaniya." ani Bua na ikinahinto ni Nychaa sa paglalakad at napalingon siya rito. Tumango naman si Nychaa at dali dali silang pumara ng Taxi upang bumalik na sa campus. Ilang sandali lang ang makalipas ay nakarating na sila. Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa upang makarating agad sa dorm. "Napagod ako." hingal na wika ni Bua at napaupo sa kaniyang study table. Palinga linga naman si Nychaa na parang may hinahanap. Wala ang mga gamit ni Yaya sa study table niya at malinis din ang bed nito. "Sandali may napansin ka bang kakaiba?" nagtatakang tanong niya. "Kakaiba?" ulit naman ni Bua at napalinga linga rin. Nanlaki naman ang mga mata niya ng makitang wala ang mga gamit ni Yaya. "Teka nasaan ang mga gamit ni Yaya?" ani Bua at tumayo at binuksan ang cabinet ni Yaya. Maslalong bumilis ang pagtibok ang puso ni Bua ng makitang wala ang mga damit nito. "Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari?" nanlaki ang mga mata ni Nychaa ng makita ring wala ang mga damit niya. Kaya dali dali silang tumakbo patungo sa Dean's Office dahil doon ang sinabi ni Yaya na pupuntahan niya kanina. Kumatok muna sila bago pumasok sa loob. Nang sumagot naman sila sa loob ay agad silang pumasok. "Good morning po Dean." ani Nychaa. "Maupo kayo." saad naman ng Dean. Umupo naman silang dalawa. Unang nagsalita si Bua upang tanungin kong anong nangyari kay Yaya. "Ahh Ma'am pwede po bang magtanong ano po ang nangyari kay Urassaya?" aniya. "Urassaya? Ah siya iyong scholar dito pero wala ang kaniyang Test Paper noong exam kaya inalis na siya ng President ng School bilang scholar." diretsang tugon nito. Hindi makapaniwala si Bua at Nychaa sa narinig. Magkasama silang naglakad papunta sa kanilang examination room kaya imposibleng hindi siya nakapag exam. "Pero Ma'am kasama namin siya at importante sakaniya ang scholarship." depensa ni Nychaa. "Bakit nawala ang Test Paper niya icheck niyo po ang CCTV baka po kay may kumuha non." saad naman ni Bua. "Sira ang CCTV sa office na ito at malabo naman na mawala ang Test Paper niya. I'm sorry pero hindi na namin maibabalik ang kaibigan niyo sa scholar dahil President na ang nagsabi." saad niya. Bagsak ang balikat nilang dalawa ng lumabas ng opisina. Ilang beses nilang tinawagan si Yaya ngunit hindi ito sumasagot. Umalis siya ng hindi nagpapaalam at hindi nila alam kong saan ito nagpunta. "Yaya nasaan ka na ba bakit hindi mo sinasagot?" saad ni Bua habang nagpapabalik balik ng lakad. Samantala naisip tawagan ni Nychaa si Masu upang humingi ng tulong sa kanilang dalawa ni Louis. Habang tinatawagan ni Bua si Yaya ay tinawagan naman ni Nychaa si Masu. "Busog na ako." saad ni Louis habang hawak hawak ang kaniyang tiyan. Samantala inuubos naman ni Masu ang kaniyang juice ng biglang tumunog ang kaniyang Cellphone. Nagtataka naman si Masu bakit biglang napatawag si Nychaa sakaniya kaya dali dali niya itong sinagot. "Sino iyan?" tanong ni Mark dahil baka si Yaya iyon. "Malamang ang nililigawan ni Masu." tugon ni Louis. Nagpantay naman ang kilay ni Mark dahil hindi niya alam kung sino ang babaeng nililigawan niya. Mukhang marami siyang hindi alam noong wala siya. "Hello Nychaa?" malambing niyang boses na ikinatawa ni Louis. "Masu tulungan mo kami naalis si Yaya sa scholar at pagdating namin sa Dorm wala na ang mga gamit niya hindi namin alam kong nasaan siya!" tarantang wika niya. "Ano! Nasaan kayo?" napasigaw si Masu sa nalaman kaya napatingin bigla si Mark at Louis sakaniya. "Nandito kami sa harap ng Campus." saad niya. "Sige papunta na kami." saad niya at bigla namang pinatay ni Masu ang tawag. "Anong nangyari?" nagtatakang wika ni Mark ng makita ang itsura ni Masu. "Si Yaya natanggal raw sa Scholar tara puntahan natin." nagmamadaling wika niya. Kinabahan naman si Mark sa nalaman baka kung ano na ang nangyari sakaniya. Hindi na sila nag aksaya ng panahon sinundan nila si Masu sa kaniyang pupuntahan at huminto sila sa harap ng gate. Nakita nila si Nychaa at Bua na hindi mapakali. "Nychaa!" sigaw ni Masu. Napalingon naman agad si Nychaa sakaniya. Lumapit silang tatlo sakanilang dalawa. Napatayo naman si Bua sa kaniyang kinauupuan ng makarating ang mga ito. "What happened?" tanong ni Mark kay Bua. "Umalis siya ng hindi nagpapaalam at sabi ng Dean naalis na daw siya sa Scholar dahil wala ang Test Paper niya." tugon ni Bua. "Pwede pa bang gawan ng paraan?" tanong naman ni Louis. "Ang president daw ang nagdesisyon." tugon naman ni Nychaa. "Hanapin niyo si Yaya at ako ang bahala sa President. Siguradong hindi pa nakakalayo si Yaya." saad ni Mark at nauna ng tumakbo pabalik sa loob ng Campus. Samantalang si Bua at Louis ay sa left side dumiretso at si Masu at Nychaa naman ay sa right side. Unang pinuntahan ni Mark ang office ng kaniyang Ama. Dahil alam niyang hindi pa sila umaalis papunta sa ibang bansa. Agad siyang kumatok sa pinto at pumasok sa loob. Napalingon naman ang kaniyang Ama ng makitang paparating si Mark. "Oh anong anak nakauwi ka na pala." saad ni Marvic sakaniya. "Dad help me." diretsang wika niya. Kumunot naman ang noo ng kaniyang Ama dahil sa sinabi ni Mark. "Anong klaseng tulungan anak?" tanong niya at napahinto sa pag aayos ng mga folders. "I know na bestfriend mo ang President ng School na ito. Please help me na makakuha ulit si Urassaya ng scholarship dahil naalis siya." diretsang wika ni Mark na ikinagulat ng kaniyang Ama. Ni Minsan ay hindi niya nakitang nag alala ang kaniyang Anak sa ibang tao dahil napakacold nito sa iba. "Urassaya is one of my student she is smart bakit siya naalis sa scholarship?" nagtataka namang wika nito. "Mahabang kwento Dad. Tara na bago pa mahuli ang lahat." nagmamadaling wika niya. Agad namang tumayo ang kaniyang Ama at sinundan si Mark papunta sa President Office. ----------------------------- Samantala tulala si Yaya na nakaupo sa Bus Station. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi dapat siya umalis ng hindi nagpapaalam sa dalawa. Patuloy parin ang pag agos ng mga luha niya dahil sa nangyari. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga taong dumaraan. Huminga muna siya ng malalim at napagpasyahan niyang umalis na at umuwi sakanila ng biglang may tumawag sakaniya. "Yaya!" sigaw ni Masu at Nychaa na kanina pa tumatakbo. Napalingon siya ng makitang tumatakbo ang dalawa palapit sakaniya. Agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha ng makita sila. "Sira ka talaga hindi mo man lang kami sinabihan." nag aalalang wika ni Nychaa ng makalapit sakaniya at niyakap ito ng mahigpit. "Anong ginagawa niyo rito?" tanong naman niya. "Syempre susunduin ka namin. Sa tingin mo ba hindi ka namin tutulungan ha." saad ni Nychaa at kumalas siya sa pagkakayakap kay Yaya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Hindi sumagot si Yaya bagkus ay niyakap niya ng mahigpit si Nychaa at pumatak ang kaniyang mga luha. Hinaplos naman ni Nychaa ang kaniyang likod at hindi niya maiwasang mahawa sa pag iyak ni Yaya "Don't worry Yaya tutulungan ka namin." saad ni Masu. Sa kabilang dako naman ay nasa office ng President si Mark at ang kaniyang Ama. "Why are you here?" kalmadong wika ni Vander ang President ng Yuzhen. Nakaupo naman sila Mark at ang kaniyang Ama. "My son told me that her friend was missing dahil naalis daw siya sa scholarship." paliwanag ni Marvic. "It's that a big deal to her?" nakangising wika niya. "Mr President my friend is one of indigenous people who are living in a fish village. Kaya mahalaga po ang scholarship sakaniya." saad naman ni Mark. "Nakapag exam siya pero nawawala daw po ang Test Paper niya sabi ng Dean." dagdag ni Mark. "Vander hayaan mong ako na lang ang magbayad ng Tuition Fee ng bata basta hayaan mo siyang ulitin ang exam niya." paliwanag ni Marvic. "But Marvic unfair naman sa ibang students na nakapag exam na." saad naman niya. "Mr. President just giver her a chance ibahin niyo na lang ang format ng eexamin niya para fair sa iba. You know what sobrang importante para sakaniya ang pag aaral dito at nawawala ang Test Paper niya do you think unfair din para sa kaniya iyon?" tugon naman ni Mark. Napaisip sandali ang Presidente. Unfair para kay Yaya iyon dahil bakit siya lang ang walang score sa Exam. "May point ka Hijo. Sige I will give her a chance. Tatawagin ko na lang kayo kapag nagawa na ang exam niya and told her na hindi siya naalis sa list ng mga scholar rito." saad niya. Napangiti naman si Mark sa narinig. Hindi niya hahayaang hindi makapagtapos si Yaya sa kaniyang pag aaral. Gagawa at gagawa siya ng paraan para makabalik ito. "Thank you Vander I know you have a good heart." aniya. "Thank you po Mr. President." masayang wika ni Mark. Una siyang lumabas sa office ng President para balitaan ang mga kaibigan niya. Ngunit naunang nagmessage si Louis na nasa harap sila ng Campus at hinihintay sila Yaya dahil nakita na nila ito ni Masu. Kaya dali dali siyang nagtungo roon. Samantala papunta na sila Masu, Nychaa at Yaya pabalik sa Campus. Naghihintay naman sila Louis, Bua at Mark sa labas. Ilang minuto lang ang makalipas ay nakarating na sila Yaya. "Yaya!" sigaw ni Bua at niyakap si Yaya ng mahigpit. Lumapit naman sila Louis at Mark sakaniya. Kumalas naman si Yaya sa pagkakayakap kay Bua at tumingin sakanilang lahat. "Thank you sa inyo ha." masayang wika ni Yaya at may namumuong mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung paano pasasalamatan ang mga ito. "Huwag kang mag Thank you sa amin. Si Mark ang malaki ang naitulong sa'yo." saad naman ni Masu. Bahagya namang napatingin si Yaya kay Mark at napangiti. "Thank you." aniya at ngumiti rito. "No problem." tugon naman ni Mark sakaniya. "Sabi ng President tatawagan ka nalang niya kung magagawa na ang exam paper mo. Paano Masu at Louis mauuna na ako sa Dorm." saad naman ni Mark. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya dahil hindi man lang niya nabantayan si Yaya. Kagaya ng nangyari ngayon. Nauna na siyang naglakad ng hindi na hinihintay ang sagot nila iniwan na niya silang lahat. Samantala nakatingin lang sila sa papalayong bulto ni Mark. "Pagod lang siguro si Mark." saad naman ni Louis. "Ang importante ngayon ay nasa maayos na ang lahat." saad ni Bua at masaya silang pumasok sa loob ng campus. Samantala pabalik na sana si Mark sa Dorm nila ng makita ang kaniyang Ama na naghihintay sa Boys Dorm. "Dad!" sigaw ni Mark ng makita ang kaniyang Ama. Napalingon naman ang kaniyang Ama ng tinawag siya nito. "Mark Let's Talk." seryosong wika nito at sumenyas na sumunod saka siya naunang naglakad ang kaniyang Ama at sumunod naman siya. Ilang sandali lamang ang makalipas at huminto narin ang Ama nito sa paglalakad at humarap sakaniya. Nasa garden sila ng Campus kung saan walang masyadong dumadaang tao. "Son tell me the truth bakit mo gustong tulungan ang babaeng iyon?" biglang tanong niya. Hindi sumagot si Mark bagkus ay huminga siya ng malalim at umupo sa may bench. "Dad I don't know why pero I want to protect her. Everytime na nakikita ko siya sobrang saya ko. Iba ang sayang ibinibigay niya sa akin and I think I'm falling in love." saad ni Mark habang nakatingin sa malayo. Napangiti naman si Marvic sa sinabi ni Mark. "Alam niya ba iyon?" tanong niya tumingin naman si Mark sa kaniya. "No Dad, wala akong lakas ng loob." tugon niya at sabay yuko. "Son tell her the truth baka maunahan ka pa ng iba." saad niya at hinawakan si Mark sa balikat pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya. Tama ang Ama niya kailangan na niyang sabihin iyon bago pa siya maunahan ng iba. ----------------------------- Gabi na ngunit hindi makatulog si Mark. Nasa balcony siya ng Dorm nila. Nakatingin siya sa malayo at iniisip ang sinabi ng kaniyang Ama. Siguro nga ito na ang tamang panahon para umamin siya rito. Sana hindi siya mareject ni Yaya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagmessage kay Yaya. "Let's Meet up tomorrow 11 am hihintayin kita sa garden ng Yuzhen University." aniya at sinend iyon kay Yaya. Samantala nasa Dorm na si Yaya at inaayos na ang kaniyang damit ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ni Yaya ng makitang nag message sakaniya si Poseidon. "Let's Meet up tomorrow 11 am hihintayin kita sa garden ng Yuzhen University." Nagtatalon sa tuwa at kilig si Yaya ng sinabi iyon ni Poseidon. "Really? Ano kayang itsura niya?" saad niya sakaniyang sarili pero bigla siyang nalungkot ng maalala si Mark. "Pero paano si Mark?" sandali siyang napaisip kung ano ang irereply rito. "Bahala na makikipagkita lang naman ako kay Poseidon." saad niya at kinuha ang kaniyang cellphone at nagreply ng "Okay" kay Poseidon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD