Part 20

2280 Words
Kinaumagahan maagang nagising si Yaya dahil nag iisip siya kung anong susuotin niya mamaya. Napansin naman nila Bua at Nychaa ang ginagawa niya. Napaupo si Nychaa sa may study table at napatingin sakaniya. Lumapit naman si Bua kay Yaya. "Yaya may nawawala bang gamit mo?" nagtatakang tanong ni Bua. Bahagya namang napahinto si Yaya at napatingin kay Bua. Iniisip niya kong sasabihin ba niya ang pagkikita nila ni Poseidon. Kaibigan niya ang mga ito kaya dapat sabihin niya ang totoo sakanila. Huminga muna ng malalim si Yaya bago tumayo. "What if one day may stranger na nakausap mo at gusto niyang makipag meet sa'yo." aniya. Napaisip naman ang dalawa sa sinabi nito. Nagtinginan muna silang dalawa ni Bua at Nychaa bago sumagot kay Yaya. "You mean may date ka ngayon?" nakangiting wika ni Nychaa sakaniya. "No, hindi ganoon kasi gustong makipagkita ni Poseidon kaya naghahanap ako ng damit na isusuot ko." tugon niya. Kumunot naman ang noo ni Bua dahil hindi niya kilala ang Poseidon na iyon. "Baka masamang tao iyang Poseidon na 'yan?" ani Bua na ikinahinto ni Yaya. Sigurado namang mabuting tao si Poseidon dahil sa pinapakita nito sakaniya. "Hindi naman siguro Bua." saad ni Nychaa. "Hmmmm may point ka pero kapag may ginawang masama ang lalaking iyon ay tawagan mo lang kami. Speaking of damit kami ang bahala niyan kami ang Fairy Godmother mo ngayon." saad ni Bua at umaktong parang fairy sa harapan nilang dalawa. "Anong oras ba kayo magkikita?" tanong naman ni Nychaa sakaniya. "Mamaya pa namang hapon." tugon naman ni Yaya. "Kung ganoon manonood muna tayo ng game nila Masu at Louis." pag aaya ni Nychaa. Natawa naman sila Yaya at Bua sa sinabi niya. Napakasupportive talaga niya kahit nanliligaw palang si Masu sakaniya. "Pero baka maghintay si Poseidon." paliwanag naman ni Yaya sakaniya na ikinalungkot ng mukha ni Nychaa. "Sandali lang naman eh para may kasama ako." pagmamakaawa niya kay Yaya. "Oo nga naman Yaya para complete tayong tatlo. Saka kaibigan naman natin sila Masu at Louis eh sayang nga lang hindi kasama si Mark sa laro nila." saad ni Bua. Nagpapalit palit ng tingin si Yaya sa dalawa. Tama sila kaibigan niya ang dalawang lalaking iyon kaya dapat manood din siya. Sandali lang naman siya roon kaya mas mabuti kung sasama na lang siya. "Oo na sasama na ako." masayang wika niya. Napatalon naman silang dalawa sa tuwa at niyakap ng mahigpit si Yaya. "Bua dapat maganda ang susuotin natin." ani Nychaa at kumindat naman si Bua sakaniya. "Tama ka riyan! Marami akong dress rito." tugon niya. Binuksan ni Bua ang kaniyang cabinet at inilabas ang kaniyang mga damit. Samantala inilabas naman ni Nychaa ang kaniyang mga make up para ayusan si Yaya. Sa kabilang dako naman ay nagpapapractice sila Masu at Louis sa Basketball dahil mamaya na ang kaniyang laro. Kalaban nila ang Team Phoenix at kasama roon ang Head nilang si Zhyan Amber. "Pagod na ako." hingal na hingal si Masu kaya napaupo na lang siya sa sahig. Lumapit naman sakaniya si Louis at iniabot ang bottled water at umupo sa tabi nito. "Mukhang mahihirapan tayong talunin ang Team Phoenix." saad ni Masu sakaniya. "Oo nga pero syempre hindi tayo papatalo." tugon naman ni Louis. Sa kabila ng pag uusap nilang dalawa ay biglang lumapit ang kasama nila sa Team at hingal na hingal ito kakatakbo. "Masu, Louis kulang tayo ng isang player na-injury ang isa nating kasama paano iyan?" saad niya. Nagpantay naman ang kilay ni Louis dahil sa inis. Kung hindi sila makakahanap ng kapalit nito ay baka hindi na sila makasama sa competition. "Paano na iyan? anong gagawin natin." nag aalalang wika ni Louis. "T-teka si Mark siya na lang ang pag asa natin." saad ni Masu sakanila. Napatingin naman si Louis sakaniya. Tama siya bakit hindi niya naisip si Mark dahil isa itong MVP dati bukod sa galing nito sa swimming isa sa talento niya ang paglalaro ng Basketball. Dali daling inilabas ni Masu ang kaniyang cellphone upang tawagan si Mark. Ilang segundo lang ang lumipas ay sinagot ni Mark ang tawag. Samantala nasa Airport si Mark upang ihatid ang kaniyang mga magulang. "Paano Son aalis na kami. Do your best dapat pagbalik namin ay engage na kayo ni Urassaya." saad ng kaniyang Ama na ikinatawa naman ni Mark. "Dad hindi pa kami tapos sa pag aaral." natatawang wika niya. "Basta Son mag iingat ka ha. Sabi ko na nga ba eh may something kayo ni Urassaya kaya pala gustong gusto ko na siya noong una palang." saad namang ng kaniyang Ina. "Sige na Mom and Dad baka malate pa kayo sa Flight niyo. Don't worry about me kaya ko ang sarili ko." aniya. Nagpaalam na sila sa isa't isa at saka lumakad na ang kaniyang mga magulang. Nakatingin naman si Mark sa kaniyang mga magulang ng makapasok na ang mga ito sa loob ay napagpasyahan na niyang umalis. Ngunit hindi pa man ito nakakalakad ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone at si Masu iyon. "Hello Masu?" aniya. "Mark kailangan ka namin hindi makakasama ang isa sa Team namin kaya kulang kami ng isang player. Hindi pwedeng hindi kami makapaglaro at nakakahiya naman kay Nychaa at sa mga kaibigan niya na bumili ng ticket----" hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Masu ay nagsalita na agad si Mark. "Okay pupunta ako riyan." tugon niya Nang marinig niya ang sinabi ni Masu na kaibigan ni Nychaa ay ibig sabihin ay kasama rin si Yaya kaya hindi na siya nag alinlangan pa. Agad siyang sumakay ng kaniyang kotse at dumiresto sa kanilang Campus. ----------------------------------------- Samantala nasa loob na sila Yaya, Bua at Nychaa sa loob ng court. Pareho silang tatlo na nakasuot ng dress at naglagay ng light make up. "Ang ganda talaga ni Yaya." saad ni Nychaa habang nakatingin sakaniya. "Maganda tayong tatlo." saad naman niya saka sabay silang nagtawanan. Nasa gilid naman si France na masama ang tingin sakaniya. Naiinis siya dahil bakit hindi siya maalis alis sa University na ito. "Siya nga pala bakit hindi na natin kasama si Zhyan?" nagtatakang tanong naman ni Bua. Napaisip bigla si Yaya siguradong galit siya sakaniya kung kayat hindi siya lumalapit sakanila. Samantala dumiretso naman si Piak sa gilid ng court kung saan naroon ang Technical na nakaupo. "Excuse me." maamong wika nito sa lalaki. "Ano iyon Miss?" tanong naman niya. "Isa akong Journalist Student gusto ko sanang makausap ang Head ng Technical magpapasama sana ako mamaya para may kasama akong mag interview kung sino ang mananalo." saad niya. Hindi namamalayan ng lalaki na kinuha na pala ni Piak ang Flashdrive na nakapatong sa lamesa at pinalitan iyon ng bagong Flashdrive. "Ako ang Head ng Technical sige sasamahan kita." tugon naman niya. "Thank you." nakangiting wika niya. Bago siya umalis ay tumingin muna siya kay Yaya ng masama. "Tignan natin kung sinong mapapahiya." nakangising wika niya. Samantala pumasok na ang mga player at nagulat ang lahat ng makitang kasali roon si Mark. Tumayo ang mga iba at kaway kaway ang kani kanilang mga lobo. "Wahhhhh!!!" tili nila Nychaa dahil nakita nila si Mark. "Hindi ko akalain na kasama pala siya." masayang wika ni Yaya. Umayos na ang mga player. Si Mark at Zhyan ang magkaharap nasa gitna naman nila ang referee. Masama ang tingin ni Zhyan sakaniya. "Sisiguraduhin kong matatalo ka ngayon." aniya. "Hindi iyon mangyayari." tugon naman ni Mark. Nag umpisa ng ihagis ng referee ang bola at si Zhyan ang unang nakuha noon. Nakascore na ang Phoenix at wala pa ang Dragons. Lumipas ang First Quarter ng Basketball at ang Score ay 12 (Phoenix) at 8 naman sa Dragons. "Mark lamang sila siguradong matatalo tayo." ani Louis habang nagpupunas ng pawis. "Huwag kang mag alala mag focus ka rebound mo." tugon niya. "Ikaw naman Masu at Cleo ay sa defense." tugon niya. Nang mag umpisa na ulit ang laban ay hindi nagpatalo si Mark hindi niya hinayaan na makascore ang mga Phoenix kung kayat sila ngayon ang nangunguna. Mabilis na lumilas ang laban. Dalawa ang laman ng Phoenix kaya malaki ang chance nilang manalo. "Sana manalo sila." ani Bua habang mahigpit ang hawak sa lobo. Hawak ngayon ni Mark ang bola. Sampung segundo na lamang ang oras. Nasa harapan niya si Zhyan na nakangisi. "Tanggapin mo na lang na talo kana." aniya ngunit hindi nagpatinag si Mark. Bagamat malayo siya ay tumalon siya at inihagis ang bola. Napatingin ang lahat sa bolang inihagis ni Mark. Malakas ang kabog ng kanilang puso na baka hindi iyon pumasok sa ring. Takip takip ng ibang kababaehan ang kanilang mukha dahil sa kaba. Ngunit hindi nila akalain na pumasok iyon kasabay ng pagtatapos ng oras. Napatayo ang lahat dahil sa tuwa. Masayang masaya sila Bua, Nychaa at Yaya dahil nanalo sila. Nag apir naman sila Masu at Louis. "Ang galing mo talaga Mark." ani Masu. "Thank you." tugon naman niya. Samantala oras na para ipagtugtog ng Technical ang Music na nanggagaling sa Flashdrive. Nawala ang ngiti nila Bua, Nychaa at Yaya maging sila Louis at Masu ng lumabas sa malaking flat screen ang mukha ni Yaya na kausap si Zhyan. "Yaya, I like you." diretsang wika ni Zhyan dahilan para mawalan ng ngiti si Yaya sa kaniyang labi. "Please be my girlfriend." sunod na wika niya. "S-sorry pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo Zhyan at may iba akong nagugustuhan." ani Yaya. "Sino? Yaya?" tanong niya. "Si-si-si M-mark. Si Mark Sper ang gusto ko." nauutal na wika niya. "B-bakit lumabas iyan?" nauutal na wika ni Yaya kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. "Gusto ni Yaya si Mark." hindi makapaniwalang wika ni Louis at napatingin kay Mark na nakatitig sa screen. "Nakakatawa naman siya." bulong bulungan ng iba. "Sa tingin niya magugustuhan siya ni Mark." saad naman ng ibang estudyante. Hindi alam ni Yaya ang mararamdaman. Nahihiya siya kay Mark at nasasaktan siya sa sinabi ng ibang tao. Bumaba siya sa Bench na kinauupuan niya at lumapit sa Technical. Natatawa naman si France sa nangyari dahil pinagtatawanan si Yaya. Ganoon din si Piak at ang mga kaibigan nito. Samantala nagmamakaawa si Yaya na patayin na ang screen ngunit hindi siya pinansin ng Technical bagkus ay tumatawa lang ito. Nagtatagis ang bagang ni Mark ng makita ang mga taong pinagtatawanan si Yaya. "Mark huwag kang magagalit kay Yaya." saad ni Louis ng makitang masama ang aura niya. Hindi nila alam na hindi ito galit kay Yaya. Palingon lingon si Yaya sa mga nasa paligid niya. Tanging tawanan lang ang naririnig niya. Samantala kumuha si Mark ng microphone at unti unting naglakad palapit kay Yaya. Pinigilan siya nila Louis at Masu baka kung anong gawin ni Mark sakaniya. Ngunit hindi siya nagpapigil. Nakatingin ang lahat sa naglalakad na si Mark. Sigurado silang papahiyain ni Mark si Yaya kaya maslalong lumakas ang tawanan at bulong bulungan. Nang makarating si Mark sa likuran ni Yaya ay nahinto ang lahat ng magsalita ito. "I heard that you like me is it true?" saad niya gamit ang microphone. Natulos sa kinatatayuan si Yaya ng marinig ang boses ni Mark at nanggagaling ito sa kaniyang likuran. Hindi humarap si Yaya at nanatili siyang ganoon ang pwesto. "Akala ko mamaya pa tayo magkikita pero mukhang napaaga yata." nanlaki ang mga mata ni Yaya dahil sa narinig. Unti unti siyang humarap at napaatras dahil sobrang lapit pala ni Mark sakaniya. Buti na lamang at hindi siya nagsuot ng mataas na heels kung hindi ay natapilok na siya. "P-poseidon?" hindi makapaniwalang wika niya. "Ako nga." nakangiting wika niya. "A few years ago I met you in the cake shop. I don't know why but I never felt this way before. Akala ko hindi na kita makikita pero pinagtagpo tayong muli. I admit that I fell inlove at you at first sight." hindi makapaniwala ang lahat dahil sa narinig ganoon din si Yaya na titig na titig kay Mark. Hindi niya akalaing si Mark ay si Poseidon at nasa harap niya ngayon si Mark na nacoconfess ng kaniyang nararamdaman. Huminga ng malalim si Mark. "Urassaya I like you too." malakas na wika niya. Ipinagsigawan niya iyon sa loob court. "Be my girlfriend." dagdag niya. Ang kaninang bulong bulungan at tawanan ay napalitan ng kilig at hiyawan. Samantala hindi alam ni Yaya kung anong mararamdaman. Hindi niya akalaing mangyayari ang araw na ito. Akala niya ay mananatiling bato lamang siya sa malawak na karagatan para mapansin ni Mark. Inilahad ni Mark ang kaniyang kamay. Tinignan naman iyon ni Yaya at ngumiti sakaniya. Kinuha niya iyon at napangiti naman si Mark. Hinila niya si Yaya at niyakap siya ng mahigpit. "Matagal kong hinintay ang araw na ito." saad niya habang yakap yakap siya. "I love you." saad ni Yaya. "I love you too." tugon naman ni Mark. Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Sobrang saya nila Bua at Nychaa habang nakatayo. Hindi nila akalain na si Poseidon at si Mark ay iisa. Samantala masama ang loob ni Zhyan habang nakatitig sa dalawa ganoon din si France na hindi maipinta ang mukha dahil sa inis. Si Piak naman ay hindi makapaniwala sa nangyari. Masaya namang magkaakbay si Masu at Louis. Pakiramdam nila ay nanonood sila sa isang sinehan na si Yaya at Mark ang bida. Kumalas naman si Yaya sa pagkakayakap kay Mark at nagsalita. "Feeling ko nananaginip lang ako." saad niya na ikinatawa naman ni Mark. Unti unti siyang lumapit kay Yaya at inilapat ang kaniyang mga labi sakaniya. "Iyan totoo na ba ang lahat. Hindi ka na nananaginip." nakangiting wika ni Mark napayuko naman si Yaya dahil sa ginawa ni Mark. Kinikilig siya at ayaw niyang makita niya iyon. Hinawakan ni Mark ang baba ni Yaya at inangat iyon. Unti unti siyang lumapit at hinalikan siya. Hindi na iyon smack kundi isang passionate kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD