Part 21

1711 Words
Tanging si Mark, Yaya, Bua, Louis, Nychaa at Masu na lang ang naiwan sa Basketball Court. Hindi parin sila makapaniwala sa nangyari kanina. "Ahmmm. Congrats naman sa New Couple." pang aasar ni Masu sakanila. Napayuko naman si Yaya dahil nahihiya siya. "Your indeed God of Water biruin mo lahat sila nalunod sa kilig kanina." saad naman ni Louis. "Tama na nga iyan may kinikilig eh." pang aasar naman ni Bua at napatingin siya kay Yaya. "Huh hindi ah." pagtanggi niya ngunit halata naman iyon sa namumula niyang pisnge. "Oo na, Oo na sige na baka nakakaistorbo kami sa inyo." saad ni Nychaa at sinundot si Yaya. "Paano ba 'yan Mark at Yaya aalis na kami enjoy your day." ani Masu at nagpaalam na silang lahat sa dalawa. Samantala silang dalawa na lamang naiwan sa Basketball Court. Tanging katahimikan ang bumabalot sakanilang dalawa. Nagkamot naman si Mark ng kaniyang batok dahil hindi niya alam kung anong sasabihin sakaniya. "T-tara na kailangan ko pang bumalik sa Dorm at may klase pa ako mamaya eh." nauutal na wika ni Yaya. "Ganoon ba sige ihahatid na kita." tugon ni Mark. Sabay silang naglalakad at pasulyap sulyap si Yaya sakaniya dahil kanina pa sumasagi ang kamay nito sa kamay ni Yaya. Gustong gusto ni Mark na hawakan ang kamay niya ngunit wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. "Ano palang gagawin mo pagkatapos ng klase niyo?" basag ni Mark sa katahimikang bumabalot sakanila habang naglalakad. "Ahmm wala naman na." tugon naman ni Yaya habang nakatingin sakaniya. Ngayon lamang sila nagkasama at nagkausap ng ganito at hindi siya sanay kaya medyo nahihiya siya kay Mark. Samantala nagulat siya ng biglang hinawakan ni Mark ang kaniyang mga kamay. Napalingon siya rito at napangiti. Pinagsiklop ni Mark ang kanilang mga palad at sabay silang nagtungo sa Girls Dorm. Nang makarating na sila sa Dorm ay kumalas na si Yaya sa pagkakahawak ni Mark sakaniyang kamay. "Paano ba 'yan mauuna na ako mag iingat ka ha." saad ni Yaya habang nakaharap kay Mark. "Ah Yaya. Sorry dahil this is my first time being in a relationship kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan ko ding gawin ang ginagawa ng ibang lalaki sa kanilang girlfriend." saad ni Mark habang nakatingin sa mga mata ni Yaya. Napangiti naman si Yaya sa sinabi nito hindi naman niya kailangang gawin ang ginagawa ng iba. "Hindi mo kailangang gawin ang ginagawa ng ibang lalaki. Being with you is enough." tugon niya saka hinalikan si Mark sa pisnge at dali dali siyang nagtatakbo papasok sa loob. Naiwan namang tulala si Mark habang hawak hawak ang kaniyang pisnge. Napangiti siya ng maalala ang ginawa ni Yaya. Ilang segundo pa siyang nanatiling nakatayo saka napagdesisyunang umalis. Sa kabilang dako naman ay galit na galit si France kung kaya't pinagbabato niya ang kaniyang gamit. "Arghhhhh!" sigaw niya. "Hindi! Hindi maaari sa akin lang si Mark." sigaw niya sa kaniyang kwarto. "Kailangan kong gumawa ng paraan para mapunta si Mark sa akin. Walang akong pakialam kahit mamatay ka pa Urassaya." matalim ang kaniyang tingin sa malayo habang nagtatagis ang kaniyang bagang sa galit. Nang makarating naman si Yaya sa kaniyang Dorm at agad isinara ang pinto saka nagtatalon dahil sa kilig. Buti na lamang ay siya lang ang tao roon kung hindi ay baka inasar na siya ni Nychaa at Bua. "Kalma Yaya kailangan mo ng masanay dahil boyfriend mo na si Mark." suway niya sa sarili. Hindi parin niya mapigilan ang tili at nagpapadyak dahil sa tuwa. Sinong mag aakala na ang sikat na God of Water sa kanikang Campus ay magiging boyfriend niya. Nang makapasok naman si Mark sa kanilang Dorm ay nadatnan niyang nakaupo sila Masu at Louis. Nang makita siya ng mga ito ay agad silang tumayo. "Urassaya I like you." saad ni Masu habang ginagaya ang boses ni Mark. "Mark I like you too." tugon naman ni Louis habang ginagaya ang boses ni Yaya at napanguso silang dalawa at umaaktong naghahalikan. Kumuha naman si Mark ng unan mula sa sala at ibinato iyon sa dalawa. Napalakas ang halakhak ng dalawa ng makita ang itsura ni Mark. "Mark naman akala ko mas mauuna kaming magkakagirlfriend sa'yo turuan mo naman kami kung paano makakuha ng girlfriend." saad ni Louis habang nakaakbay kay Masu. "I don't want to share it." tugon naman ni Mark at dumiretso sa kaniyang study table. Napabusangot naman si Louis sa sinabi ni Mark. "Ako na ang susunod kay Mark. Paniguradong sasagutin na ako ni Nychaa." tugon naman ni Masu at napaupo sa kaniyang kama. "Ako na lang ba ang single sa ating tatlo?" aniya at sabay buntong hininga. "Do you know what Louis nandiyan naman si Bua." ani Mark at napalingon sa kaniya. "I think si Lucas ay may gusto kay Bua kaya ayokong makisali." aniya at napaupo sa kaniyang study table. Nagkibit balikat naman sila ni Masu ng marinig ang kaniyang sagot. ------------------------------------ Naglalakad naman si Louis sa library dahil may hinahanap siyang libro. Palinga linga siya kung kaya't hindi niya nakita ang babaeng kaniyang nakasalubong. "Arayy!" sigaw ni Piak ng mapasubsob siya sa dibdib ni Louis. "It's you!" turo nila sa isa't isa. "Tignan mo nga naman ikaw iyong nalulunod sa mababaw na swimming pool." natatawang wika ni Louis. "Ano bang pakialam mo!" inis na wika ni Piak at sabay taray sakaniya. "Mukhang pinagtatagpo tayo ah." pang aasar niya. "Pinagtatagpo mo mukha mo!" inis na wika niya at diretso sa paglalakad. Naiwang mag isa si Louis at nakatingin sa likuran ni Piak. "Ang sungit mo naman." natatawang wika niya habang napapailing iling saka ipinagpatuloy na ang paghahanap ng libro sa library. Samantala tapos na ang klase ni Yaya at naglalakad na siya pabalik ng kanilang Dorm. Hinahanap niya si Mark sa paligid ngunit wala siya, siguro ay may klase pa ito. "Yaya!" sigaw ni Zhyan sa kaniyang likuran at lasing na lasing ito. Napahinto siya sa paglalakad at napalingon siya sa likuran. "Zhyan?" aniya at biglang lumapit sakaniya si Zhyan at hinilia ito paalis. "Zhyan sandali nasasaktan ako." saad ni Yaya habang pilit na inaalis ang kamay ni Zhyan sakaniyang braso. Ngunit hindi nagpatinag si Zhyan patuloy parin siya sa paghila sakaniya. "Zhyan ano ba! Lasing ka. Saan mo ba ako dadalhin." aniya. Nang makarating na sila malapit sa Basketball Court kung saan ay walang masyadong tao ay isinandal si Yaya sa pader. "Bakit si Mark pa ang pinili mo hindi ako?" aniya. Amoy ni Yaya ang Alak na nanggagaling sakaniya. Lasing na lasing ito. Biglang inilapit ni Zhyan ang kaniyang mukha at umiwas naman si Yaya pilit niyang itinutulak si Zhyan ngunit malakas siya. Nagulat si Yaya ng makitang natumba si Zhyan at napalingon siya sa lalaking may gawa non. "M-mark." saad niya. Tumayo si Zhyan at akmang susuntukin si Mark pabalik ngunit nakailag siya. Muling sinuntok ni Mark si Zhyan dahilan para dumungo ang bibig nito. Lumapit si Yaya at niyakap si Mark upang hindi na siya sumugod. "Tama na." saad niya dahilan para kumalma si Mark. Samantala hawak hawak ni Zhyan ang kaniyang mga labi. "Sa susunod huwag ka ng lalapit sa girlfriend ko hindi lang iyan ang aabutin mo!" sigaw niya rito at hinila na si Yaya papalayo sa lugar na iyon. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Bench malapit sa Parking Lot. Pinaupo ni Mark si Yaya sa upuan at tinignan kung may sugat siya. "Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito at hinawakan ang braso niya at nakitang namumula iyon. "Okay kang ako. Pero ikaw ang kamay mo." tugon naman ni Yaya ng makitang ang kamay ni Mark ay dumudugo at may sugat iyon. "Huwag mo akong alalahanin." saad niya at biglang niyakap si Yaya. Nagulat naman siya sa ganito nito. "Sorry kung nalate ako. Sa susunod hinding hindi ako makakapayag na saktan ka ng kung sino sino." aniya at niyakap ng mahigpit si Yaya. Napangiti naman siya at niyakap pabalik si Mark. Unang kumalas sa pagkakayap si Yaya at napatingin siya kay Mark. "Tara may pupuntahan tayo." ani Mark. "Saan?" tanong naman niya. "Basta hintayin mo na lang ako rito." tugon naman ni Mark. Tumayo siya at kinuha ang bike na nakapark. Nang makabalik na siya ay natuwa si Yaya dahil matagal na siyang hindi nakakasakay ng Bike. "Ipapasyal kita." saad ni Mark habang hawak hawak ang bike. Siya ang unang sumakay rito at inalalayan si Yaya na sumakay sa harapan. Buti na lamang at nakapagpalit na siya ng jeans. Nag umpisa ng pumadyak si Mark. Maraming taong nakatingin sa kanilang dalawa. "Wow ang swerte naman ng babaeng iyon." saad ng isang babae. "Sana makasakay din ako sa Bike at kasama ko si Mark." saad naman ng isang babae. Iniunat ni Yaya ang kaniyang dalawang kamay habang ninanamnam ang hanging nalalanghap niya. Napangiti naman si Mark dahil sa ginawa niya. Huminto muna sila sa Ice Cream shop. Bumili si Mark ng dalawang Ice Cream na nasa cone. "Paano mo iyan kakainin?" tanong ni Yaya kay Mark ng makarating ito. "Feed me." tugon naman ni Mark. Nag umpisa na ulit silang sumakay ng bike. Hawak hawak ni Yaya ang dalawang Ice Cream. Kapag kuwan ay sinusubuan niya si Mark. Masayang masaya ang dalawa sa pamamasyal hanggang sumapit na ang gabi. Napahinto sila sa river at umupo sa damuhan habang nakatangin sa kalangitan. "Mark bakit sa dinami dami ng babae bakit ako pa?" biglang tanong ni Yaya sakaniya habang nilalagyan ng band aid ang kamay nito. "Simula noong nakita kita sa Cake shop hindi na kita makalimutan." aniya. "Matagal na iyon ah. Kaya pala pamilyar ang mukha mo sa akin." nakangiting wika ni Yaya. "May bulalakaw!" biglang sigaw ni Yaya. "Mag wish ka dali." tugon naman ni Mark. Dali daling pumikit si Yaya at nagwish. Ng sandaling ibukas niya ang kaniyang mga mata ay nakatingin si Mark sakaniya. "Anong wish mo?" tanong niya. "Nasa harapan ko na." tugon naman ni Yaya. Napangiti si Mark dahil sa sinabi ni Yaya. Lumapit siya rito at inakbayan si Yaya. Humiga naman siya sa balikat ni Mark. Masaya silang nakatingin sa kalangitan. Napasulyap naman si Mark sakaniya at nakitang tulog na ito. "I love you." aniya at hinalikan ito sakaniyang noo at niyakap siya ng mahigpit. Siya na lamang ang nakatingin sa kalangitan. Sobrang saya niya ngayong araw at hindi iyon mapapantayan ng kahit sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD