Hindi ginising ni Mark si Yaya kahit na malalim na ang gabi. Binantayan niya ito at hinayaan niyang makatulog ito sa balikat niya. Unti unting gumalaw ang pilik mata niya at bumukas ang kaniyang mata. Napatingala siya at nakitang nakapikit si Mark. Nakatulog pala siya sa balikat nito. Agad siyang umupo ng maayos ng mapansing malalim na ang gabi. Tumingin siya sa kaniyang relo at nakitang 11:38 na ng gabi. "Gising ka na pala." biglang wika ni Mark at napalingon agad si Yaya sakaniya. "Sorry nakatulog ako." aniya at ngumiti naman si Mark sakaniya. "It's okay alam kong pagod ka." tugon ni Mark at una siyang tumayo at inalalayan sa pagtayo si Yaya. "Paano iyan sarado na ang Dorm." ani Mark. Nanlaki naman ang mga mata niya. Paano na saan na siya matutulog. "Oo nga saan tayo magpapalipas n

