Umaga na ng makarating si Yaya sakanila. Nakaharap siya ngayon sa Fishing Village kung saan siya lumaki. Tanging mga dried fish ang makikita mong nakasabit at malansang amoy ng isda. Malayo pa ang bahay nila Yaya. Buti na lamang at medyo malayo sila sa palaisdaan kaya hindi masyadong malansa ang maaamoy sa kanilang tahanan. Matagal na siyang hindi nakakauwi kaya namiss niya ang kaniyang lugar. Nag umpisa na siyang maglakad hila hila ang luggage nito. Walang masyadong transportation sakanila dahil karamihan mahihirap ang mga tao rito. Ilang minuto lang ang makalipas ay nakarating na siya sa kanilang tahanan. Gawa sa kahoy ang kanilang tahanan. Mayroon itong dalawang kwarto ngunit walang kama tanging sa sahig sila naglalatag upang matulog. "Lola! Lola!" sigaw niya mula sa pinto at kinak

