Umaga na at maagang umuwi sila Yaya sa kanilang tahanan. Buti na lamang at wala pa roon si Lola Cely. Nasa harap sila ngayon ng kanilang bahay dahil nagpapaalam na sila Noel at Tyron. "Yaya aalis na kami kita na lang tayo sa ibang araw." ani Noel. Samantala tahimik naman si Tyron at walang kibo iniisip niya parin ang nakita niya kagabi. "Tyron thank you pala, mag iingat kayo." si Yaya na lamang ang nagsalita dahil napansin niyang tahimik si Tyron. "Sige aalis na kami." tipad na wika niya. Bahagya naman siyang napatingin kay Mark bago umalis kasama si Noel. Napangisi na lamang si Mark ng makita ang tingin nito. "Yaya pakisabi kay Lola Cely doon muna kami sa bahay nila Mark kasi nahihiya kami sakaniya. Bigla bigla kaming nagpupunta rito." saad naman ni Nychaa. "Okay lang sa akin hindi

