Sa pagkakataong iyon hindi nakasagot si Lola Cely sapagkat hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Mark. Papaanong nangyari iyon. Ang sinabi ni Yaya ay may kasintahan ito paanong si Yaya ang kasintahan niya. Nanatiling nakatayo si Yaya at Mark na magkahawak ang kamay at nakayuko naman si Yaya. Samantala nakatingin lang si Lola Cely sakanilang dalawa. Walang may lakas ng loob magsalita. "T-totoo ba lahat ang sinabi ni Mark apo?" mahina ngunit mauturidad na wika ni Lola Cely. Natulos naman si Yaya sa kaniyang kinatatayuan ng marinig ang tinig ng kaniyang lola. Bahagya namang napatingin si Mark sakaniya. Unti unting umangat ang ulo niya at saka sumagot. "O-po lola, Totoo po iyon." diretsang sagot niya. Bahagya namang napalunok si Lola sa narinig. "Bakit ka nagsinungaling apo!" matigas

