Kung saan saan napadpad si Mark ngunit hindi niya mahanap si Yaya. Hingal na hingal na siya kaya napaupo siya sandali sa may bench malapit sa cafeteria. "Nasaan kana Yaya?" aniya habang palinga linga. Sinubukan niyang tawagan sila Bua at Nychaa ngunit hindi sila sumasagot marahil ay may ginagawa sila. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Mark tumatawag si Coach Von kaya dali dali niya itong sinagot. "Hello Mark?" aniya sa kabilang linya. "Coach Von bakit po kayo napatawag?" tanong niya. "Narito ka na ba sa Campus? May kailangan akong sabihin sa'yo." aniya. "P-pero Coach Von may hinahanap ako." tugon ni Mark. "Si Yaya ba? Mamaya mo na lamang siya hanapin nasa iisang campus lang naman kayo kaya madali mo na siyang mahahanap." saad ni Coach Von. May point si Coach Von mamaya na lama

