Gabi na at naglalakad parin si Piak at Louis sa park. Hindi nila alintana ang oras. Ang mahalaga sakanila ay masaya silang pumapasyal. Napahinto si Piak at naupo sa may bench. "Magpahinga muna tayo." ani Piak. Agad namang tumabi si Louis sakaniya. "Pagod ka na ba?" tanong niya? Napalingon naman si Piak sakaniya. "Hindi pa, gusto ko lang mag stay sa lugar na ito napakatahimik." tugon niya. "Tahimik kasi rito dahil gabi na pero kapag umaga ay napakaingay dahil maraming batang naglalaro." ani Louis habang nakalingon siya kay Piak. Bahagya namang napatingin si Piak sakaniya kung kaya't nagtama ang kanilang mga mata. "Bakit ang bait mo?" biglang sabi niya dahilan para mapangiti si Louis. "Ako? mabait? Bakit mo naman biglang nasabi iyan." saad niya. "Kasi kahit na masungit ako sa'yo sin

