Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa wakas natapos narin ang Unang Semester sa Yuzhen University. Bagamat pagod ang lahat dahil katatapos lang ng exam ay matatag parin ang relasyon nila Yaya at Mark. Sama sama sila Bua, Nychaa, Yaya, Louis, Masu at Mark na nakaupo sa garden ng Yuzhen upang magpicnic. "Buti na lang nakaraos tayo." bagsak ang balikat ni Louis dahil masakit ang kaniyang ulo. "Oo nga pahirap ng pahirap." tugon ni Masu at ininom ang bottled juice. "Anong plano niyo sa summer break?" tanong ni Bua sakanilang lahat. "Mark anong plano?" ani Masu. Napaisip si Mark kung anong gagawin nila. Balak niya sana pumunta sa ibang bansa upang makausap ang kaniyang mga magulang. Hanggang ngayon hindi parin niya nakakausap ang mga ito dahil sa kagustuhan nilang ipakasal siya kay France. I

