Chapter 7 Markus's Point of View : "Prrrrt!!" Matapos ang pagpito ng referee ay naghanda na ang player ng kalaban para iserve ang bola. Naghanda naman kaming lahat para saluhin ang bola. Inihagis ng player paitaas ang bola at mabilis itong tumalon at malakas na pinalo ang bola. Maayos naman na nareceive ng aming libero ang bola na sinabayan pa niya ng pagsigaw. "Karl!!" Sigaw ng aming Lobero. Agad naman na tumakbo si Karl papunta sa attack zone at inihanda ang sarili para sa isang toss. Isang toss para sa akin! "Markus!!" Pagsigaw ni Karl sa aking pangalan ay naging alerto ako. Mabilis akong tumakbo at tumalon ng mataas kasabay din ng talong bloker sakalaban. Ilang saglit pa, nakita ko ang bola na pinagtaka ko. Napasunod ako sa bola papunta sa kabila. Naningkit ang aking mga mata

