Chapter 6 Markus's Point of View : Nasa madilim akong lugar. Nakatayo. Tahimik. Ramdam ko ang lamig na bumabalot sa aking katawan. Ilang saglit pa ay biglang may bumukas na isang lagusan. Maliwanag ito at nagkorteng bilog. Nilapitan ko ang liwanag at tinignan. Napalaki na lamang ako ng aking mga mata nang makita ko ang aking mga magulang at ang aking kuya habang nakaharap sa isang batang paslit. Hindi ko makita ang mukha ng bata dahil nakatalikod ito. "Ano na naman ba ang ginawa mo! Ikaw talagang bata ka, wala ka ng ginawa kundi ang ipahiya ang ating pamilya!" Sabi ni papa sa batang nakayuko. Napatingin ako kay mama na nakatayo sa tabi ni papa habang nakahawak ito sa mga braso niya. Nakatingin din siya sa bata at halata sa kanyang mga mata ang awa. "Bakit hindi mo tularan ang kuya mo

