Chapter 5

2605 Words
Chapter 5 Markus's Point of View : "Sa right side mo kasi itoss! Hindi kung saan saan lang!" Galit kong sigaw sa setter namin. Pangalawang game na namin ito at natalo kami kanina sa nauna. Hindi naman ako ang may problema kundi sa mga kateam ko! Wala silang kooperasyon, mabagal kumilos at napakatanga nila! "Anong klaseng set yun!? Nasa harapan ang net wala sa likod!" Muling sigaw ko sa mga kateam ko. Nakita ko ang kabilang team na nag-piran pa. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mukha dahil sa kapalpakan ng mga kateam ko. "Paano tayo mananalo dito kung wala tayong teamwork! Kung wala tayong coordination sa isa't isa!?" Himutok ko. Napayuko na lang ang aking mga kateam dahil sa aking sinabi. Nagpatuloy ang laban hanggang sa tambakan nila kami ng puntos. Nanggigigil ako, naiinis! Lalo na kapag nakikita ko si Karl na nakangisi sa akin. Pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako dahil wala akong magawa para mapanalo ang team namin. Yang baklang yan! Hindi ako papayag na matatalo lang ako ng isang bakla! Napatingin ako sa kanya na nakangisi habang nakikisaya sa kateam niyang nakapuntos. Ilang saglit pa ay tumingin siya sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin pero mas nainis lang ako ng kindatan niya ako! "Good job,Chickens! Ang ganda ng laro niyo!" Papuri ni coach sa amin nang matapos ang laban. 25-23 ang score at pabor kina Karl. Hindi na kami nakapagthird game dahil iyon ang role ng laro namin. Naiinis ako sa aking sarili dahil parang nagmukha akong kawawa! Parang nagmukha akong mahina sa mga mata ng team! Biglang pumito si coach at agad naman kaming kumilos lahat. Humarap sa kanya na nakatayo sa aming harapan at hinintay ang iba pa naming mga kateam. "Ngayon, sa halos isang linggo niyong training ay naobserbahn ko na kayo. Sa pagbabalik natin ay handa na kayo para sa isang practice game." Anunsyo ni coach sa amin na kinagulat namin. "Alam kong nagulat kayo pero ganun talaga ang buhay, nakakagulat!" Nakangising sambit ni coach sa amin. "Kaya sa pag-uwi natin ay magpahinga kayo dahil sa lunes ay sasabak kayo sa isang laro." "Coach,  sino po ang makakalaro namin?" Biglang tanong ng isa kong kateam. "Ay! Oo pala. Ang makakalaban niyo ay ang WildCats!" Napalaki ako ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. Ang Wildcats ay ang pinakamahigpit na kakompetensya namin na Burning Phoenix! Hindi maikakailang magagaling sila dahil minsan na silang napasali sa National na kasama namin. Hindi naman sa kakompetensya talaga sa katunayan nga ay magkalapit ang aming paaralan sa kanila eh pero nakasanayan na kasi namin na makilaban sa kanila taon taon para sa isang practice game kaya itinuturing na namin silang kalaban sa laro. "Pero bago tayo magkakahiwalay para magpahinga, nais kong sabihin sa inyo ang magiging first six natin." Napatingin kaming lahat kay coach dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong kasali ako sa first six. Sinabi na ni coach ang magiging Libero at pati na rin ang mga magiging mga spiker. Ako ang isa sa spiker dahil na rin siguro sa tangkad,lakas at taas ng talon ko at ang isa naman ay ang dati kong kateam na si James. Ang mga Blocker naman ay pinili ni coach ang dalawang pinakamatangkad at malaki ang katawan bukod sa akin. Hindi pa kompleto ang lahat dahil may isa pa. Ang magiging seter namin. "Karl, ginawa mo ba ang pinagawa ko sayo?" Tanong ni coach kay Karl. Napatingin naman kaming lahat sa kanya dahil parang hindi namin alam yung pinagawa ni coach sa kanya. "Opo,coach. Hindi ko pa naman namamaster pero sinisigurado kong magiging epektibo ako." Nakangiting sagot niya sa kanya. Napataas ako ng ang kilay dahil sa sagot niya. Ano ba ang pinagawa ni coach sa kanya? "Mabuti kung ganun kaya ikaw Karl ang magiging setter ng team. Alam mo naman siguro na ang setter ang isa sa pinakaimportante sa volleyball. Ikaw ang magiging puso ng ating team dahil ikaw ang magdedesisyon kung ano at paano ang magiging laro niyo. Alam ko naman na matalino ka dahil nakita ko sa inyong mga laro." Sabi ni coach sa kanya pati na rin sa amin. Napangisi na lamang ako sa sinabi ni coach. Tama siya sa sinabi niya na ang setter ang isa sa pinakaimportante pero mas importante kaming mga spiker dahil kami ang magbibigay puntos sa team kung nagkataon! Nagpapasikat lang yang baklang yan eh. Alam ko, kitang kita ko kung paano siya magpasikat kay coach kaya ngayon ay tama ang hinala ko. Gusto niya akong palitan. Gusto niya akong lamangan sa paglalaro kaya siya ganyan pero syempre, hindi ako papayag ako lang dapat ang tatawagin ni hari ng laro! Wala ng iba pa kundi ako! Minsan nga naisip ko ay nagpapasikat din ang baklangbyan sa akin ,eh. Ramdam ko naman na may gusto siyavsa akin kaya siguro ginagalingan niya sa paglalaro. "Magpahinga na tayo dahil bukas na bukas din ay uuwi na tayo!" Anunsyo ni coach. Lahat kami ay nagsigalaw na para makapagshowet at makapag-ayos na rin. Nakita ko si Karl na nagpunta sa bench para kunin ang kanyang mga gamit. Kinuha ko na rin ang aking gamit at nagtungo na sa shower room ng gym kung saan kami naglaro. Pagpasok ko ay nandoon na ang aking mga kateam na masayang nagkwekwentuhan habang naghuhubad ng kanilang mga damit para maligo. Ako naman ay nakisunod na lamang at pagkatapos ay nagtungo na sa bakanteng shower. Pagkatapos kong maligo ay nauna na akong nagtungo sa aming tinutuluyan para makapagpahinga na. Habang naglalakad ako ay naisip ko yung mga ginawa ko sa loob ng isang linggo para akitin ang baklang yun. Ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya para bumigay siya pero walang nangyari. Kahit na alam kong naapektuhan siya sa mga ginawa ko ay nilalabanan niya. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakapagtimpi na hindi ako gahasahin eh. Sa tuwing natutulog kami, nakahubad na ako at kitang kita niya ang lahat sa akin, kapag naliligo siya ay hinaharang ko siya at hinihila sa loob ng banyo para akitin, kapag nagpapalit kami ng damit ay sinasayawan ko siya na mala macho dancer at ang hindi ko maintindihan ay kapag niyayakap ko siya tuwing gabi ay nagkakaroon ako ng kakaibang init sa katawan. Siguro dahil tigang lang ako kaya ganun. Ikaw ba naman ang walang excercise sa loob ng isang linggo,'di ba? Napangisi na lamang ako nang maalala ko kung paano ko nalamang kung ano ang kasarian ni Karl. Noong nagkausap kami ni Xandro sa Guestel ay nalaman ko ang lahat sa kanya. Nang malaman kong bakla siya ay mas naging kompyansa ako na sumali si Karl dahil sa akin, dahil may gusto siya sa akin. Wala namang ibang dahilan hindi ba? Kaya siguro nagpapasikat siya sa akin para mapansin ko siya? Mahangin na kung mahangin pero yun ang alam kong dahilan niya! Pagpasok ko sa aming kwarto ay nakita ko ang kanyang mga gamit na nasa ibabaw ng kama. Narinig ko rin ang lagaslas ng tubig mula sa banyo namin. Kapag natatapos ang aming practice ay dumederetsyo siya dito sa tinutuluyan namin para maligo. Hindi siya nakikisabay sa amin. Nilapitan ko ang kanyang mga gamit sa may kama. Maayos itong nakatupi. Napangisi na lamang ako sa aking iniisip. Ito na ang huling araw namin dito kaya dapat ay maakit ko na siya ng tuluyan. Kinuha ko ang kanyang mga damit at itinago sa ilalim ng kama. Nagtungo ako sa pinto at siniguradong nakaloxk ito. Muli kong tinanggal ang lahat ng aking saplot at nahiga sa kama ng nakatihaya. Siguradong magugulat siya kapag nakita niya ako. Mga ilang minuto rin siguro akong nakatihaya sa kama bago ko marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Napatingin ako sa kanya at nang magtama ang aming mga paningin ay halata sa kanya ang pagkagulat. Napangisi ako dahil sa aking nakikita. Namumula na rin ang kanyang makinis na mukha. Dahan dahan kong hinimas ang aking alaga sa baba. Nakita kong napatingin siya sa aking katawan pababa sa aking hinahawakan. Nanlaki ang kanyang mga mata at bigla siyang tumalikod sa akin. "Ano ba yang ginagawa mo! Wala ka bang respeto sa taong nakapaligid sayo!? Wala ka bang respeto sa sarili mo?!" Galit niyang tanong sa akin. Napangisi na lamang ako sa kanyang sinabi at hindi initindi. Dahan dahan akong tumayo sa kama at naglakad palapit sa kanya na hindi bumibitaw ang kamay sa aking alaga. Nang nasa likuran na niya ako ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Ramdam kong pumipiglas siya pero dahil mas malakas ako ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Bakit? Ayaw mo ba itong mga nakikita mo?" Malandi kong tanong sa kanya. "Bi-bitawan mo ako,Markus!!Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya pero hindi ko siya sinunod. "Alam ko naman na gusto mo ang nakikita mo,eh. Alam ko rin na patay na patay ka sa akin. Nagpapasikat ka pa nga sa akin kapag naglalaro tayo,eh." Mga salitang sinabi ko sa kanya. "A-ano bang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?" Mga tanong niya sa akin. "Hindi pa naman pero baka ikaw ang mabaliw sa gagawin ko sayo? Alam mo bang tigang ako at napagdesisyonan kong pagbibigyan kita!" Pang-aakit ko pa rin sa kanya at mas lalo ko pang hinigpitan ang aking pagkakayap sa katawan niya. "Pakawalan mo ako,Markus! Hindi nakakatuwa yang sinasabi at ginagawa mo!" Pagpupumiglas niya. Pero sa tuwing pumipiglas siya ay mas lalo ko pang hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ramdam ko ang kanyang likod na tumatama ang aking alaga. Alam kong naaapektuhan siya at nararamdaman niya ang alaga ko sa likod. Napatingin ako paibaba sa aking alaga na tayong tayo na. Napangisi na ako nang makita ko ang kanyang twalya. Mabilis akong kumilos at hinawakan ang kanyang twalya at agad na tinanggal ito. "Ano ba,Markus!!!" Sigaw niya sa akin pero para akong naengkato dahil sa nakikita ko. Napakakinis ng kanyang likuran. Parang nakakahiyang hawakan. Matambok ito at malinis tignan. Mas lalo akong nakakaramdam ng kakaiba dahil sa aking nakikita. Mabilis ko siyang pinaharap sa akin. Kitang kita ko ang kanyang mukha na gulat na gulat. Tinutulak niya ako pero hindi ko siya pinagbigyan. Napagmasdan ko ang kanyang mukha at napalunik ako nang masilayan ng aking mga mata ang kanyang mga mapupulang labi. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may naududyok sa akin na halikan ang mapupulang labi niya? Bakit parang mas lalo akong nag-iinit!!? "Kung 'di mo ako bibitawan sisigaw ako!" Galit niyang sambit sa akin pero hindi ko siya inintindi. "Isa!" Pagbibilang niya. Nakatingin pa rin ako sa kanyang bibig. Sa bawat buka nito ay parang isang gayuma na nagpapalapit sa aking mukha. "Dalawa!!" Pagpapatuloy niya. Amoy ko ang kanyang mabangong hininga. Napapikit pa ako at nilangyap ito ng aking ulong. Anoy na parang isang mabangong bulaklak. "Tat..." Hindi na niya natuloy ang pagbibilang dahil hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Bigla kong inilapat ang aking labi sa kanyang mga labi. Hindi ko alam kung bakit ko yubg ginawa. Oo nga at inaakit ko siya pero bakit parang ako ang naaakit? Plano niya ba ito o tanga lang ako!? Hindi ko maiwasan ang mapapikit dahil sa tamis at lambot ng kanyang labi. Sa dinami rami ng mga baabeng nahalikan ko ay kakaiba sa kanya. Matamis, masarap! Hindi ko maipaliwanag!! Gumalaw ang aking labi at kinagat ng bahagua ang kanyang ibabang labi. "Ammpt!!" Daing niya pero para sa akin ay para itong magandang musika. Nang maramdaman kong medyo naibika niya ang bibig niya ay agad kong ipinasok ang aking dila sa loob ng kanyang bunganga. Ginalugad ko ito at nang mahanap ng dila ko ang dila ko ay pinaikot ikot ko sa dila niya. Para akong nawawalan ng lakas dahil sa aking ginagawa. Kung ibang babae lang ito ay sigurado akong agresibo ako pero bakit sa kanya ay naging banayag lang ang paghalik ko sa kanya? Ano ba ang nangyayari sa aking katawan!? Dahan dahan kong naitaas ang aking mga kamay papunta sa kanyang ulo para idiin pa ang aming halikan. Pero isa palang pagkakamali ang ginawa ko! Nagkaroon siya ng pagkakataon para makaipon ng lakas at maitulak ako ng malakas. Napaatras ako dahil sa kanyang pagtulak na nagdahilan para mawalan ako ng balanse. Napangat ako ng aking ulo at nakita ko ang kanyang mukhang pulang pula! Pati ang labi niya ay mas lalo pang namula dahil sa paghalik ko. "Ano ba ang iniisip mo! Bakit mo yung ginawa!!" Himutok niya sa akin pero hindi ko siya inintindi. Para akong lumulutang sa alapaap dahil sa nangyari. Para akong nawalan ng bait dahil sa kakaibang naramdaman ko! Napadilat ako ng aking mga mata dahil biglang may tumamang kamao sa aking mukha. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, mamatay ka na lang sana!" Galit niyang sigaw sa akin sabay layas sa aking harapan. Napasunod ako ng tingin sa kanya at nagtungo siya sa kanyang mga gamit at kumuha ng mga susuotin. Pinanood ko lamang siya habang nagsusuot siya ng damit. Nang matapos siyang makapagdamit ay binuksan niya ang pintuan ng kwarto. Bago siya lumabas ng kwarto ay tinignan oa niya ako na nagpangiti sa akin. Malakas niyang isinara ang pintuan ng kwarto namin. Mag-isa na lamang ako sa loob ng kwarto at napahawak ako sa aking labi. Kakaiba ang halik na yun! Ngayon ko lang naramdaman ang ganun! Ano kaya ang nangyari at parang nasarapan ako? Langya!! Hindi naman sigiro ako nababakla!! Pagsapit ng gabi ay sa ibang kwarto siya natulog kaya mag-isa lamang ako nakahiga sa kama. Pero habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasan ang mapangiti at mapahawak sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging epekto ng halik na yun sa akin pero parang gusto ko pang maulit yun. Kinaumagahan ay maaga kaming nagligpit para sa aming pag-uwi. Hindi na kami magkatabi ni Karl sa upuan dahil nakipagpalit siya sa isa pa naming kateam. Pero kahit na medyo malayo siya ay palihim naman akong tumitingin sa kanya. Nahuhuli ko siya minsan na nakatingin din sa akin at sa tuwing nahuhuli ko siya ay kinikindatan ko siya. Hapon na nang maka-uwi kami. Sabay sabay kaming lahat na bumaba ng aming sinakyan. Pagkababa ko ay nakita ko si Karl na mabilis na naglalakad habang hawak ang kanyang mga gamit. Binilisan ko ang paglalakad para mahabol ko siya at hindi naman ako nabigo. Tumingin siya sa akin nang mahabol ko siya at ilang segundo lang ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay nakatingin lamang ako sa kanya kaya hindi ko namamalayan na nasa gate na pala kami. Nakita kong kumaway siya at ilang saglit pa ay patakbo siyang lumapit sa kung sino. Sumunod ang aking paningin kung saan siya lupunta at laking gulat ko na lang nang may makita akong isang lalaki na naghihitay sa may gate. Anong ginagawa niya dito? Siya ba ang kinakawayan ni Karl? Mabilis akong sumunod kay Karl para puntahan ang lalaki. Nang makita niya si Karl ay bigla niya itong niyakap na nagpataas ng aking kilay. Anong ibig sabihin nito? Magkakilala ba sila? Ilang saglit pa ay napatingin ang lalaki sa kanya at bigla siyang napangiti. Nagkahiwalay na sila sa pagakkayakap at hinarap ako ng lalaki. "Kamusta ka na? Matagal na rin na hindi tayo nagkita ,ah. Bumisita ka naman minsan." Sabi niya sa akin. "Wala akong oras bumisita at kahit na bumisita ako ay wala din naman akong mapapala." Sabi ko sa kanya. Nakita kong lumapit siya sa akin at nang mapalapit siya ay bigla niya akong niyakap. "Huwag mong sabihin yan,Markus. Palagi kang hinihintay nina mama at papa." Bulong niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at kumawala sa pagkakayakap sa kanya. "Wala akong panahon na umuwi, kuya Margo!" ....................  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD