Chapter 2

685 Words
Chapter 2 (Andrea POV) As i expected. Madami agad pinagawa sakin si Zander. Naalala ko pa yung mga utos nya saakin ngayong maghapon. "Pa encode nga to!" "Pa xerox lahat ng ito!" "Pa timpla ako nang kape!" "Gawin mo to ngayon na!" Alalay ba ako dito? Kahit papano naman may pinag-aralan ako.. Kaso hangang 2nd year college lang yung natapos ko. Hindi ko na naituloy pa dahil nung namatay sa aksidente yung mga magulang ko nalaglag sa bangin ung bus na sinasakyan nila.. Kaya heto naiwan nakong nag-iisa sa buhay. Mabuti nalang sa awa ng diyos may bestfriend akong napakabuti. Nag-iisang anak lang kasi yung mama ko. Si papa naman kahit isa sa pamilya nya wala ako kilala o nakilala. Second family niya lang kasi kami. At sa kasamaang palad nag-iisang anak lang rin nila ako. Mahirap lang kami pero nakakaya naman namin makaraos. Nung mamatay sila parang nawalan na din ako ng pag-asa sa buhay. Mabuti nalang nakaramay ko yung bestfriend ko na si Marge. Tinulungan niya akong makabangon. Tumira ako sa bahay nila ng halos limang taon.. Tinuring nila akong kapamilya. Disisyete palang kasi ako nung namatay sila mama kaya nahirapan talaga ako ng husto. Nag work kami ng bestfriend ko. Kung ano anong trabaho lang. Si Marge nakapagtapos siya ng pag-aaral niya dahil hindi ako pumayag na pareho kaming mapag-iiwanan ng panahon. Isa na syang Manager sa isang fast food chain doon sa vito cruz pagbaba ng LRT station. Pinag trabaho niya rin ako doon kaso naghanap pa ako ng mas maayos-ayos na trabaho. Kaya napadpad ako sa Makati. Kung saan naging personal assistant ako ni Zander. Maya maya pa tumunog ng malakas yung cellphone ko. Nakalimutan ko palang i-silent ito. unknown number...? teka sino kaya to...? Ayoko naman sagutin baka mamaya nakikipag callmate lang.. Naka suncellular pa naman ako maraming manloloko. Kaya hayaan ko nalang at hindi ko sasagutin. Makulit ang caller! Paulit ulit iting tumatawag ang sakit sa tenga! Ayaw padin tumigil nung tumatawag. Hangang sa nakatangap ako ng isang text message mula doon sa unknown number na walang sawa sa pag tawag. from UNKNOWN : answer it!!!! it's me Zander! Napatayo ako bigla sa kama ko. ZA--Zander daw?? Nako si Sir pala yung tumatawag! Kaya sinagot ko na agad bago pa siya magalit ng husto. "H-Hello" "BAKIT HINDI MO SINASAGOT AGAD?!" Aray ko po ang sakit sa tenga ng sigaw niya... grrrrrrrrr!!! "Teka nga muna wag mo ko sigawan Sir! Eh hindi ko naman alam na ikaw pala yung natawag eh. Wala naman akong number mo Sir! Hindi po ako nakikipag-usap sa stranggers!" "I've been calling you ten times! So that means it's urgent!" Halatang hatala sa boses niya na inis na inis siya sakin "K-Kasalanan mo po yun Sir! B-Bakit ka ba tumatawag Sir? Mag aalas dose na po ng madaling araw. Kung hindi niyo po napapansin nakaka-istorbo na kayo ng pagtulog ko Sir!" Alam kong napakatapang ko bilang personal assistant pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko. "MALI MALI UNG MGA I-NE-ENCODE MO!!! Balak mo ba pabagsakin yung Company? Dinoble doble mo yung mga orders na hindi naman dapat!" "I-Inayus ko po yun mabuti" Bakit nagkaganon yung mga na-encode ko? Nako po baka nagkamali talaga ako. Patay hindi ko naman kasi alam kung paano talaga gawin ng tama yun. "NEXT TIME AYUSIN MO MGA GINAGAWA MO!! UNDERSTAND?!" "Y-Yes Sir!" "Bukas wala ako sa office paki cancel lahat ng meetings ko" "Sir aabsent ka?! kung makasigaw ka sakin dahil hindi tama yung pag-gawa ko sa mga encode ganun nalang.. Tapos ikaw pala Sir yung pabaya sa work mo? Nako Sir masama yan" "What did you say? Are you insane?!" "Ewan ko lang sayo Sir ha? Basta kung ako sayo pumasok ka dahil ikakabagsak po nang company mo kapag pinalagpas mo yung isang araw. Bye Sir" Napapangiti ako dahil pakiramdam ko nakaganti ako sakanya. Binabaan ko na siya ng phone. Akala niya naman kasi kung makapagsalita siya akala mo hindi nagkakamali.. Sana po Lord makatulog nako. Palagi padin kasing nasa isip ko yung mukha niya. Ang gwapo gwapo na kasi niya. Baka nag paretoke siya? Iba talaga pag mayaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD