Chapter 3

1121 Words
Chapter 3 :) (Zander POV) Nakakainis bakit ko ba iniisip yung babaeng un? I've been thingking about her since yesterday! Yes I'll admit she's prettier now. Damn!! Ngayon lang may nakasigaw sakin at empleyado ko pa? Well hindi naman siya basta basta empleyado lang. Siya yung first love ko. But that was the biggest mistake of my life. Ayoko nang balikan pa yung nakaraan namin ni Andrea. Sobra akong nasaktan at sobra din akong napahiya nung araw na yun. I will never forget how much she ruin my confidence. Sabagay napaka taba ko naman kasi talaga noon. But i thought she's different, akala ko iba siya sa lahat ng mga babae. Nagkamli ako. Flashback Ang sarap talaga magluto ni mommy. Kasalukuyan akong nagtatanghalian sa canteen ng campus namin. Ang dami talaga magpabaon ng mom ko. Kaya ako lumolobo lalo eh. Dibale masarap naman lahat ng luto ni mommy. Nagulat ako nang biglang may babaeng tumapat sa lamesa ko. Pakiramdam ko nakakita ako ng anghel na bumaba sa lupa sa sobrang ganda niya. Maputi at makinis ang balat niya. "Hi! May kasama ka ba? Kasi makiki-share sana ako sa table mo kung okay lang.." bigla siyang ngumiti nang matamis. Mas matamis pa yung ngiti niya sa mga cup cakes na ginagawa ni mommy. Oh i love sweets.. Her smile is so sweet. "A-Ah.. Oo naman sige upo ka lang. Wala naman ako kasama" Ang swerte ko naman makakasama ko siya kumain. Ngayon lang may kumausap sakin na babae dito sa campus na to. Akala ko lahat ng tao dito takot sa fats ko or should i say nandidiri sa taba ko. Judgemental people "Uy thank you ha? Ako nga pala si Andrea Dela Cruz. Rea nalang for short" Sabi niya pagkaupo niya at inilapag niya sa table namin yung tray na hawak niya. Nagulag ako ng inilahad niya sakin ung kamay niya. hmmm mukang malambot ung kamay niya. Napalunok ako ng ilang beses muntik pa akong mabulunan sa cup cakes na kinakain ko. I think she's my perfect match. Oo siya na nga yung hinihintay ko. Ngayon lang nagkaganito yung puso ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Kakaiba yung pintig ng puso ko na para bang lalabas na sa dibdib ko. Hindi ako sanay na may isang magandang babaeng lalapit sakin at makikipag usap sakin ng ganito. "A-Ako naman si Z-Zander" Nakit nauutal ako.. Iniabot ko din sakanya yung kamay ko. Nanginginig talaga ako sa labis na kabang nararamdaman ko. Hindi ako nagkamali malambot nga yung kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam. Ngumiti siya sakin at natunaw niya ang bawat fats sa puso ko. "Gu--gusto mo share tayo sa food ko?" Alok ko sakanya. Kasi ang konti lang ng kinakain niya. Siomai at gulaman lang. "Uy salamat ha? Naku hindi ba nakakahiya naman ata sayo?" Alanganin ung ngiti niya. Ang cute niya talaga! "I insist. Sige na share tayo.." Ako na yung nagbigay sakanya nang mga cup cakes na gawa ni mommy. Pati na din yung mga hotdog sandwich ko. Anim kasi yun eh. Binigay ko sakanya yung dalawa.. "U-Uuy ano ka ba Zander ang dami naman nito baka hindi ko na ito maubos" "Magpakabusog ka lang. Friends na tayo ha?" Lakas loob na tanong ko sakanya "Oo naman. Thank you dito ha" Tinuro niya yung food na binigay ko sakanya. "Wala yun" Nagpacute ako sakanya kahit tatlo yung baba ko alam kong cute ako. Mukang crush niya din kasi ako eh! Kanina pa siya ngiti ng ngiti.. Nagpapacute sakin? "Ang bait mo naman Zander.." She smile again Napalunok ako. Sinasabi ko na nga ba crush niya ako! Napansin niyang napatulala ako sakanya "I mean ang cute cute mo kasi chubby ka" Mukhang tuwang tuwa siya sakin "Ako c--cute?" Ewan ko ba pero kinikilig talaga ako. Confirmed she likes me! "Hmm oo naman" Sabay kurot sa pisngi ko. Napangiti talaga ako dahil sa ginawa niya. Oh God sa tingin ko nahulog na yung puso ko. Kaya simula nun nag desisyon nako na liligawan ko si Andrea. Hindi nga lang naging madali sakin ang makalapit sakanya. Ang dami kasi nanliligaw sakanya. Pero kahit madami sila hindi ako nagpatalo. Ginamit ko yung pera ko para mapalapit sakanya.. Palagi ko siya binibigyan nang mga pagkain. Like chocolates and flowers. Tinatangap ng bestfriend niya yung mga pagkain at chocolates na binibigay ko pero yung flowers kahit kelan hindi nila tinangap. Pinapatapon lang nila sakin. Ang takaw naman ng best friend niyang si Marge. Araw araw ko siya sinusundan pero minsan nagmamadali siya palagi kaya hindi ko siya maabutan ang taba ko kasi eh kaya mabagal ako maglakad. Araw araw ko tinatanung si Andrea kung pwede nako manligaw sakanya pero ang palagi niya lang sagot sakin bata pa daw kami. Hindi pa daw siya handang makipag relasyon Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Itinuloy ko padin yung panliligaw ko sakanya. But after 3 months nang pagsusubok kong ligawan siya Binasted niya ako sa harap pa nang maraming tao! Hindi ko mapaliwanag kung gaano kasakit yung pinaramdam sakin ni Andrea noong araw na iyon. Sana kinausap nalang niya ako ng maayos at hindi ipinahiya sa mga tao. That day nag sabi ako kay mommy na ayoko na sa Pilipinas manirahan. Kinabukasan lumipad na kami papuntang States. Nung una nagtataka sila mom at dad pero pinilit ko sila. Ayoko nang makita yung unang babaeng minahal ko nang sobra. Pero yun yung pinaka mahirap sa lahat. end of flashback (ANDREA POV) "GOODMORNING SIR!!" Ngiting ngiti ako dahil pumasok si Sir Zander ngayon! Hindi siya nag absent dahil natakot siguro mawalan ng pera "Hindi ka ba marunong kumatok?" Tanong niya sakin at mukang nagtitimpi lang "Ayy sorry Sir ha? Kasi po akala ko aabsent yung boss ko ngayon. Akala ko po walang tao dito" Sinabayan ko pa nang ngiting nakakaloko yung pang-aasar ko sakanya. "GET OUT!!" pasigaw na utos niya Dali dali naman akong lumabas nang office niya pero bago ako tuluyang makalabas, mang aasar muna ako. Mas lalo kasi siyang gumagwapo kapag naasar siya. "Sir ang asar po talo po palagi kaya dapat chill lang po. Baka maaga kayong tumanda niyan eh" Nag peace sign pa ako sakanya at tumakbo na palabas ng office niya for sure asar na asar na siya (ZANDER POV) AARGGGGHHHHH!!!!! SHIT! Ang lakas ng loob ng babaeng yun.. Isip bata masyado.. nakaka-asar!! Ang pinaka nakaka-asar pa dun eh yung... yung ngiti niya! Parang namiss ko bigla yung ngiti niya. Aaaarghhhhhhhhhhh!!!!! Noooooo way!! damn it!!! N-Naaasar lang ako sakanya! yun lang nararamdaman ko! Ginugulo nang babaeng yun yung pag-iisip ko. Sa pagkaka-alam ko ako ang boss dito. Bakit parang nababaliktad yata niya? Eh kung pahirapan ko kaya ung babaeng un? Napangiti ako sa naisip ko. Tama! Papahirapan ko siya. Ewan ko lang kung maka-angal siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD