Hiraya's POV: Nakalipas pa ang ilang araw na magkasama kami ni Mission. Ganoon pa rin ang turing niya sa aming dalawa ng baby ko. Nag-uusap lang kami kapag may sasabihin siya. Abala pa rin siya sa trabaho. Sinusubukan ko namang magpapansin pero hindi gumagana. Ewan ko ba. Mamaya na ang engagement party namin. Sa isang araw naman na ang kasal namin ni Mission. Sa simbahan gsganapin tulad ng request ko ngunit sa yate ng pamilya nila ang reception. Talagang hindi sila papayag na simple lamang. Sabagay, ang panganay ng mga Heat ang ikakasal. Sobrang dami nga ring tao ang gustong maimbitahan ngunit pili lamang ang mga kinuha nilang bisita maging dadalo sa reception. Isa pa, sobrang daming mga pulis at escort din sa paligid sabi nila. Maraming magbabantay maski mula sa taas ay may helicopter n

