Mission's POV: Nandito ako sa kuta ng aming pamilya. Isang base kung saan inirereport ang lahat ng pinaghihinalaang may masamang motibong lumalapit na mga tao sa lahat ng Heat. Masyado kaming kilalang pamilya kaya maraming nagtatangka sa aming mga buhay. Ilan ding pamilya sa mga Heat ang sobrang sikat kaya kailangang bantayan ang mga umaaligid sa bawat isa. Naging mas mahigpit na ngayon dahil sa nangyari sa pamamahay nila Tita Stella maging sa mag-ina ko. Mahigpit ang seguridad namin pero talagang may mga hindi inaasahang pangyayaring tulad nito. Mas lalo pa kaming maghihigpit ng seguridad. Kung kakailanganin ay may bodyguard na ang bawat kapamilya namin kung lalabas lalo na ang exclusive na kapamilya ng mga Heat, Koten, at Caruso. Hinahanap na ngayon ng pinakamagagaling naming hired

