Hiraya's POV: Kanina pa ako nagising at medyo masama pa rin ang aking pakiramdam. Nahihilo pa ako at hinang-hina. Kaya mas gusto ko ang normal birth kaysa sa c-section. Masaya akong ligtas kami ni Baby Annella. Hindi pa man ako makatayo at makapunta sa kaniya ay masaya akong ligtas ang anak namin ni Mission. Naka-incubator pa ang baby namin ni Mission dahil pre-mature siya, kaka-seven months pa lamang. Kanina ay binisita nila Mission si Baby Annella kaya nakita ko ang litrato niya, hindi pa halata kung sino ang kamukha niya sa amin ni Mission. Ang sabi naman ni Mama Yolly ay paniguradong si Mission daw ang kamukha. Napakalakas daw ng dugo ng mga Heat. Lagi kapag daw nanganak ay sa Heat ang mukha. Depende naman daw kung may lahi ang tatay. Natawa pa nga ako nang sabihin nilang hinimatay

