Hiraya's POV: "Hiraya, kumapit ka! I love you, babes. Please, ang Baby Annella Marine natin. Huwag niyo akong iwan na dalawa. Mahal na mahal ko kayo. Be strong babes," nag-aalala at kinakabahang sabi ni Mission habang hawak ang kamay ko. "I-I love y-you t-too," nahihirapan kong sabi. Patakbo na akong dinadala ng mga nurse at doktor sa emergency room. Napakaraming dugo na ang lumabas mula sa akin kaya kabang-kaba na ako para sa amin ni Baby Annella. Hindi ko kakayaning mawala ang baby ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang Violet na iyon dahil sa ginawa niya. "Sir, hanggang dito na lang po kayo," sabi ng isang nurse kay Mission. Mapait naman akong ngumiti kay Mission at kumaway. Nagwawala na si Mission at isinisigaw ang pangalan ko. Pinipigilan siya ni Tito Nitron at Tito Johnson na puma

