Hiraya's POV: Apat na buwan na akong buntis sa anak namin ni Mission. May tatlong buwan na rin kaming nagsasama. Masaya ang lahat, perpekto ito para sa akin. Nakakatuwa nga dahil hindi kami madalas mag-away. Iyon nga lang madalas malakas ang mood swing ko. Buti nga at hindi nagagalit si Mission sa akin. Siya ay isang understanding husband. Husband material na, full package pa. "Kain ka na, babes. Hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ba sabi mo gusto mo ng liempo?" tanong ni Mission na nag-iihaw. "Ayos lang ako, medyo gutom na medyo hindi. Pero gusto ko pa ring kumain. Pahingi nga ako gupitin mo iyang mahabang liempo," utos ko kay Mission at inginuso ang kakaluto niya pa lang na liempo. Natawa naman si Mission at hinalikan ako sa labi. Ginawa niya naman ang inutos ko at pinahidan pa ng garl

