Hiraya's POV: Tatlong buwan mahigit muli ang nakalipas, anim na buwan na ang ipinagbubuntis ko at magpipitong buwan na sa isang linggo. Naging maayos ang lahat maging kami ni Mission. Sobrang saya ko dahil wala kaming nagiging problema. Kadalasan lang na problema namin ay ang mood swings ko. Natural naman ito sa buntis pero kapag mainit talaga ang ulo ko, mainit talaga at hindi ako pwedeng istorbohin. Pero dahil understanding naman na asawa si Mission, lagi niya akong naiintindihan. Sa huli ay ako ang iiyak at magsosorry dahil madalas ay tinatarayan ko siya. Tatawanan lang ako ni Mission at hahalikan sa labi, pisngi, at ilong. Ang asawa ko talaga, napakasweet. Napahikab na lamang ako habang nakatitig kay Mission na pumipirma sa mga papeles. Sumama ako rito sa opisina niya dahil wala akon

