Hiraya's POV: Magkatapat kaming dalawa at nakatitig sa isa't isa. Hindi naman ako nagpatalo sa seryosong tinging ipinupukol sa akin ni Mission. Kung palaban siya, palaban din ako. Siya ang may kasalanan at hindi ako 'no! Baka lalo akong mainis sa kaniya, hindi ko siya pansinin d'yan hanggang manganak ako. Akala niya yata ay hindi ko narinig ang pag-uusap nila ng Violet na iyon. Violet na may balat sa puwet. Tsk, mainit talaga ang ulo ko ngayon. "What are you looking at?" mataray kong tanong sa kaniya. Sa paninirahan ko rito sa bahay ni Mission ay marami akong natutunan. Natuto akong mas gumaling sa paggamit ng salitang Ingles, natuto akong makisalamuha sa mayayaman, at kung paano gumalaw na parang isang sosyal at may class. Talagang may mga klase kang pwedeng pasukan para malaman ang m

