EPILOGUE

782 Words
Pinagmamasdan ko lang ang tahimik at natutulog na si Brazeal. Napakaganda talaga. Nakasuot siya ng puting bistida at nakahiga. Mas lalo pang umangat ang pagkaputi niya. Ang Brazeal kong may napakagandang kutis na kakulay ng gatas, ang matangos niyang ilong at perpektong hugis na mukha. Baby ko, gising ka na.    Pagkatapos lumabas ang pagtatalo ni Brazeal at Clouie noon sa telebisyon ay marami ang na-inspire kay Brazeal. Marami ang nagmahal sa kaniya at lalo na nang malaman nila ang kaniyang pinagdaanan. Kung gaano ito naging matatag sa lahat ng pagsubok mula pagkabata niya. At kahit itinakwil siya ng kaniyang mga totoong mga magulang dahil sa albinism, ginawa niya pang inspirasyon ito upang magpatuloy.    Naging inspirasyon si Brazeal para sa marami. Naging idolo rin siya ng karamihan at naging modelo pa para sa mga katulad niyang may albinism.    Nag-donate din siya ng napakalaking pera sa ampunan na kaniyang pinanggalingan. Nagbigay rin siya ng kaunting tulong sa mga dati niyang kaibigan, kamag-anak, at bayan na kaniyang kinalakihan noon kasama ang mga foster parents niya.    Malakas at puno ng pag-asa si Brazeal. Kahit pa noong nagkakilala kami bilang Henry at Binay. Minahal ko na siya dahil sa taglay niyang ugali. Bonus na ang ganda niya na nag-uumapaw. Para ngang dyosa na bumaba sa langit si Brazeal. Nagning-ning sa gabi ang kaniyang maputing balat. Parang dyosa ng buwan ang mahal ko.    Bumukas naman ang pinto at pumasok ang nakababatang pinsan kong si Ratina. Nginitian ko naman siya.    "Kuya, mag-uumpisa na ang reception. Baba na kayo ni Ate Brazeal," sabi ng kapatid ko kaya agad naman akong tumango.  Mahina ko namang inalog si Brazeal na natutulog. Umungol naman ito dahil sa pagkagising.    "Nakatulog na pala ako? Bakit hindi mo ako ginising?" nakangusong tanong niya.  "Mahimbing kayang natutulog ang baby ko. Hindi nga kita matabihan dahil gagalaw ang kama at magigising ka," pagdadahilan ko naman.    Tinulungan kong makatayo si Brazeal at iniupo sa may make-up table. Ngumiti naman ako habang isinusuot ang kaniyang wig.    "Hindi na ako maganda," malungkot niyang sabi.    "Baby kahit mawalan ka pa ng kilay at pilik-mata, maganda ka pa rin. Ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko," malambing kong sabi at kinuha ang kamay niya para halikan.    Hinampas naman ako ni Brazeal dahil kinilig ito. Inayos ko na ang kaniyang wig bago siya binuhat na pangkasal at bumaba na kami.    Pagbaba ko ng hagdan ay may nakalaan nang wheelchair para sa kaniya. Iniupo ko naman doon si Brazeal at initulak na ang wheelchair. Umupo na kami sa aming pwesto dahil magsisimula na ang kainan.  "Happy wedding lovebirds! Take care of her you dumbass asshole!" sigaw sa akin ni Hannah.    "Salamat," pasalamat ni Brazeal.    "Shut the hell up," saway ko naman kay Hannah dahil sa pagmumura niya.    Nagsalita na ang host at nagsimula na ang kainan. Nilagyan ko naman nang nilagyan ang plato ni Brazeal ng masusustansyang gulay at pagkain.    "Ang dami naman," pag-angal niya.    "Kain ng marami para gumaling ka," pangaral ko naman.    Ikinasal na kami ni Brazeal at patuloy ang pagpapagamot niya. Matamis naman akong napangiti at hinalikan sa pisngi ang napakaganda kong asawa.    Kita ko ang mapait na pagngiti ni Brazeal. Mukhang huli nang dadaan ang meteor. Kailangan ko nang dayain ang tadhana.  Kaagad ko namang tinawagan ang kaibigan kong mayor ng lungsod na ito. May naisip akong plano.    "Hello Mr. Lenegham! Anong maitutulong ko sa 'yo?" tanong niya.    "I need you to do something for me, Mayor Hedreyda. Kailangan ko ng isang paputok na magmumukhang meteor na dumaan dito sa Luneta Park. Magdodonate ako ng isang milyon para sa bagong proyekto niyo. I need it ASAP," sagot ko rito.    "Okay my friend, your wish is my command. I'll hang up now," paalam ni Mayor Jamill Hedreyda at binabaan ako ng tawag.  Sa oras na 11:58am ay dumaan ang inutos kong paputok. Lihim naman akong napangisi at binuhat si Brazeal.    "Let's go now, baby. Tinalo ko ang tadhana para sa 'yo," nakangisi kong sabi at nagmamadaling tumakbo buhat siya.    "Baby ko! Ayos ka lang ba? Lutang ka yata," pagkuha ni Brazeal sa atensyon ko.    "I'm fine baby. Kumain ka ng marami. Kapag hindi mo iyan naubos ay baka ikaw ang makain ko," biro ko kay Brazeal at kumindat.    "Loko ka talaga!" sabi nito at hinampas ako. Tumawa naman kaming dalawa.    Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan niya ako ng babaeng mamahalin habang buhay at si Brazeal iyon. Wala na akong mahihiling pa.    Sa kaniya ko natutunang magmahal, masaktan, sumaya, at makaramdam ng iba't ibang emosyon. Si Brazeal ang nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo.    "I love you, Brazeal Inayica V. Lenegham. Mahal na mahal kita," bulong ko at mahigpit na niyakap si Brazeal mula sa tagiliran. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD