"Are you sure with this? Please, baka magkagulo pa. Let's wait na lang na makalabas si Clouie bago natin komprontahin," nag-aalala kong sabi.
"Baby, we planned for this yesterday. Let me do my thing, okay? It is the right time to end her fantasies," tiim-bagang na sabi ni Nitron.
Pumasok na kami sa network ng isang malaking kumpanya kung saan nagaganap ang live interview ni Clouie tungkol sa inilabas niyang video sa f*******: noong nakaraan. Sumikat siya ng todo at kinaawaan ng tao. Ako naman ang naging hate of the month at tinatawag na supermalandi sa social media. Nang makarating kami sa labas ng kwarto kung saan nagshoshoot sila Clouie ay huminga ako ng malalim. Tinanguhan naman ni Nitron ang mga pulis para sabihing pasukin na ang silid.
Sinipa nila ang pinto at agad na pumunta sa stage kung nasaan si Clouie at umiiyak pa. Gulat na gulat siya sa nangyari at nanlalaki pa ang matang nakatitig sa akin.
"Now what!? Pagkatapos niyong gawin sa akin ang lahat ng masasakit na dadanasin ko ito naman!? Go on, ipakulong mo ako Brazeal! Ipakita mo kung gaano ka kahalimaw!" sigaw ni Clouie. Pinisil naman ni Tate ang kamay ko para sabing magsalita ako. Nakatutok din sa amin ang mga camera ngayon na paniguradong napapanood ng buong mundo. Ito na rin ang oras para malaman nila ang totoong Clouie at para matahimik na rin ang lahat.
"Kasinungalingan ang sinasabi mo, Clouie! Sinaktan mo ako pati ang malalapit sa akin! Alam mo na noong gusto ako ni Tate pero inilihim mo dahil may gusto ka rin sa kaniya! Handa naman akong magpaubaya noon, Clouie. Pero bakit umabot sa ganito? Bakit nagawa mo kaming lokohin, linlangin, at higit sa lahat ay pagnakawan pa ako? Pati pala ang paghahatid sa akin sa airport ay alam mo. Close na pala kayo ni Hannah at alam mong tatagpuin niya si Tate. Na frame-up mo ako, napakagaling mo. Ang plastik mong kaibigan at peke," puno ng sakit kong sabi.
"S-Sinungaling ka! K-Kayo ang m-may gawa kung bakit nagulo ang b-buhay ko!" utal na sigaw ni Clouie.
"Ninakawan mo ng five million pesos si Brazeal para i-open ang business mo. Ang make-up line mo pala ay dapat na pagmamay-ari ni Brazeal at hindi sa 'yo. Hindi ka lang stalker at delusyonal, Ms. Clouie. Magnanakaw ka rin pala at maninira ng buhay. Hulihin niyo na iyan at dalhin sa kulungan," sabi ni Tate.
Nagsisisigaw si Clouie at sinasabihan ako ng masasakit na salita pero hindi ko na lamang ito pinansin. Hindi ko alam na kahit gaano pa kabuti ang puso natin, may pipilit na wawasak dito. Pero kahit ganoon ang ginawa ni Clouie, hindi ako galit sa kaniya. Awa ang nararamdaman ko dahil simpatya ng iba ang hanap niya at pagmamahal. Umalis na kami ni Tate sa kumpanya at sumakay sa kotse. Nanlalanta naman akong nilingon si Tate.
"Are you okay? Please, pumunta na tayo sa ospital. Baby, kailangan mo nang magpagamot. Mamamatay ako kapag may nangyaring masama sa 'yo! Hirap na hirap ka na Brazeal," malungkot na sabi ni Tate.
Mapait naman akong ngumiti kay Tate. Sunod-sunod naman na pumatak ang aking mga luha. Nagpakonsulta na ako sa doktor noong nakaraan, kay Rica. Doon ko nalaman na mas lumalala na ang sakit kong cancer. Parami na rin nang parami ang mga pula kong bilog na marka sa katawan dulot ng melamona.
"Sa isang kondisyon Tate," nakangiti kong sabi.
"Ano iyon? I'll do anything baby," nagsusumamong sabi ni Tate at hinawakan ang kamay ko.
"Sabi sa balita hindi ba ay may makikita tayong meteor sa oras na 10:00pm-12:00am? Kapag nakita natin ang meteor na iyon sa loob ng oras na sinabi nila, magpapagamot ako. Pero kapag nahuli ito, I'm accepting all of this. Promise me to donate all of my remaining money sa ampunan na pinanggalingan ko. Ang iba naman ay ibigay mo sa mga kapamilya ng umampon sa akin. Ikaw na ang bahala roon. I want to do something good before I die, Tate. Sana ay pumayag ka sa hiling ko. One night will be fine, am I right?" nakangiti kong tanong sa kaniya habang patuloy na lumuluha.
"Okay, pumapayag na ako. Kapag may bumagsak na meteor sa oras na iyon, itatakbo na kita sa ospital. You'll be the death of me Brazeal," lumuluha na ring sabi ni Tate at hinalikan ako sa labi. Nagmaneho na si Tate at nagpunta na kami sa parke. Nang makarating kami sa Luneta Park ay humanap kami ng pwesto at naglatag kami ng balabal sa damuhan. Bumili rin kami ng pagkain. Hindi ako nagpagamot noon sa Amerika dahil tanggap ko naman na maikli lang ang buhay ko dahil na rin sa aking mga komplikasyon noon, sa aking albinism, at dumating pa amg cancer. Matagal ko nang gusto na lamang mag-donate ng pera at ibigay ang aking hacienda sa mga magsasaka ko sa amerika.
Alas syete na ng gabi at madilim na. Pwede ko nang masilayan ang magandang kalangitan. Ang mga nagning-ning na bituin sa langit. Gusto ko na itong titigan at pagmasdan. Hindi ko alam dahil baka huling titig ko na ito. Magiging isang bituin na rin ako at magbabantay sa mga tao. Isa sa mga gagabay kay Tate at manonood.
Napapunas na lamang ako ng luha at ngumiti sa kalawakan. Ngayon ay ilalaan ko na sa tadhana ang lahat. Kahit masakit para sa akin ang gagawin ko, kailangan kong tanggapin. Kailangan kong tanggapin na pakakawalan ko si Tate. Sana ay kapag nawala na ako, makatagpo siya ng babaeng aalagaan siya at mamahalin higit pa sa pagmamahal ko. Magkakaroon sila ng mga supling at sariling pamilya. Sana kapag dumating ang oras na iyon ay hindi niya ako makalimutan. Na may isang Brazeal Inayica Viglianco ang nagmahal sa kaniya noon.
Dumaan ang alas otso, alas nuebe, alas dyis, alas onse, at ngayong huling sampung minuto na lamang bago dumating ang alas dose ay wala pa ring dumadaan na meteor. Mapait namn akong napangiti.
"Baby please, huwag naman ganito. Alam ko ang mga tingin mong iyan," naiiyak na sabi ni Tate nang titigan ko siya.
Hinila ko naman si Tate sa batok at hinalikan sa labi. Tumugon naman siya sa mga halik ko.
"Salamat sa lahat, Taterson Lloyd Henris Lenegham. Always remember that even before and after this night ends, mahal na mahal kita. I will love you even after my last breath," nakangiti kong sabi.
"I love you too, Brazeal Inayica Viglianco. I will love you forever even this night ends," nakangiting sabi rin ni Tate.
Pinunasan namin ang luha ng isa't isa at pinaglapat ang aming labi. Mahal na mahal kita, Tate. You will always be in my heart.