Zacchaeus
“Saan ka na naman pupunta? We have dinner with Sy and are expecting your presence there,” sabi ni Mommy.
Napailing ako. We’re here again. I’ve already told them that I'm against what they want. They want me to marry Kim. Ayokong matulad sa mga kapatid kong hindi masaya sa buhay nila. Ako ang magbe-break sa kanilang nakagawian na sila ang mamimili ng mapapangasawa ko.
“Mommy, huwag niyong ipilit sa akin ang ayokong gawin. I have my own life. Hindi niyo kailangang kontrolin ang buhay ko na parang isa akong robot. May sarili akong utak.” Pabalang na sagot ko. Alam kong mali ang ginawa kong pagsagot sa Mommy ko, pero hindi na tama ang ginagawa nilang paninipula sa buhay ko. Diyos ko, ang tanda ko na para hindi ako makapagdesisyon sa buhay ko.
“How dare you, Zacchaeus, to answer me like that! I am your mother, whom you need to follow! Don’t you ever try to disobey my will. You don’t know what I can do to you!” Galit na sabi ni Mommy.
“Bakit ba lagi na lang kayo ang nasusunod? Anak niyo ako at hindi isang tauhan!” Naghihinakit na, sabi ko.
“I’m just doing this for your own good. Kung hindi ko ginawa ito sa mga kapatid mo, hindi magiging maganda ang buhay nila. Para na rin sa atin ito upang mapalago ang negosyo natin. Sy is a big help to us. Please, anak, cooperate with me.” Pakiusap niya sa akin.
Hindi ko mapaniwalaan si Mommy sa desisyon niyang walang kwenta. Hindi niya inisip ang damdamin namin. Puro na lang pansarili nila ang iniisip.
“I am so sorry, hindi ko magagawa ang gusto mo, Mommy. Respetuhin mo naman ang kagustuhan ko,” sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang makalayo. Hindi ako makahinga sa tuwing malapit sila sa akin. Pakiramdam ko, sinasakal nila ako.
“Zaccheaus, come back here!” sigaw ni Mommy, ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Sa buong buhay ko, sila ang nagpapatakbo ng buhay ko. Hindi naging maganda ang kabataan ko. Wala akong kalayaan sa lahat ng bagay. Kaya sa school lang ako malaya. Doon ko ibinubuhos lahat ng mga hindi ko nagagawa sa bahay. Kaya nga naging gago ako dahil nagrerebelde ako sa magulang ko. Gusto kong malaman nilang ayaw ko ang ginagawa nilang paninipula sa buhay ko. Kaya nga nang makilala ko sila Zandro, naging masaya ako. Lalo kapag nambubully kami sa school.
Nagpasya akong puntahan si Heidi sa pinagtatrabahuhan nito. Siya lang ang nagpapawala ng kalungkutan ko kahit masungit siya sa akin. Pagkarating ko doon, palabas na siya sa bookstore. May hawak na supot.
“Heidi!” tawag ko dito. Napatingin siya sa akin. Gulat.
“Ano’ng ginagawa mo dito, Chinsansu?”
Natawa ako sa sinabi niyang chinsansu. Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin niyon. Napangiti ako kahit sinusungitan niya ako. Masaya ako kapag kasama ko siya.
“Sinusundo kita. Ihahatid kita, ha?” sabi ko. Walang paalam na kinuha ang supot na dala niya.
“Hoy! Ibigay mo sa akin iyan! Ulam ko iyan! Bumili ka kaya ng sarili mong ulam! Ang yaman mo, wala kang pambili!” aniya at pilit na inaagaw ang supot na hawak ko. Natawa ako.
“Hindi ko naman kukunin ito. Ako ang magbibitbit nito,” sabi ko. Inirapan niya ako.
“Akala mo naman maleta ang hawak ko kung makakabitbit ka diyan. Hello! Supot lang iyan at hindi maleta. Anong kailangan mo nga? Kung mangungutang ka sa akin, sa Bombay ka na lang mangutang. Mataas nga lang ang interes doon.”
Napapailing ako kay Heidi. Hindi nawawalan ng sasabihing mga biro.
“Hindi naman ako mangungutang. Ihahatid lang kita. Gusto ko lang magpalamig.” Napakunot ang noo ni Heidi sa sinabi ko.
“Aba! Ginawa mo naman akong ref. Magpapalamig talaga?”
“Anong ref?” Curious na tanong ko. Bigla niya akong hinampas sa balikat.
“Ano ka ba? Ref lang, hindi mo alam? My God! Zaccheaus, hindi ka ba nag-aral? Refrigerator malamang! My God! Ang hina naman ng pickup nitong chinsansu na ito. Kung sabagay, Intsik naman pala ito, kaya mahina talaga ang pickup. Imagine mo, sabi na ngang pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea, pero ginigiit pa rin na sila ang nagmamay-ari daw?”
Nangunot ang noo ko. “Ano’ng kinalaman ng West Philippine Sea sa pinag-uusapan nating Ref?” Nagtatakang tanong ko. Minsan hindi ko makuha ang gusto nitong babaeng ito.
“Ewan ko sa iyo! Magulo kang kausap! Ang hina pati ng pickup mo!” Inis na sabi niya.
“Libre na kita ng hapunan mo. Sabihin mo lang kung saan mo gustong kumain.” Pag-iiba ng usapan upang hindi kami magtalo. Nag-isip siya nang ilang saglit.
“Diyan na lang sa malapit na karinderya. Hindi naman ako demanding na tao. Kayo lang na mayayaman ang demanding. Madami na ngang pera, pero hindi pa kuntento. Gusto pa more!” Aniya, na tila may laman ang sinasabi niya.
Mas lalong nangunot ang noo ko sa mga litanya ni Heidi sa buhay. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya sa buhay. Galit ba siya sa amin?
“Masyado ka naman seryoso sa mga pangyayari sa buhay mo. Kung makabitiw ka ng salita, parang ang dami mong mga pinaghuhugutang sama ng loob.”
Hindi na niya ako sinagot. Naglakad na ito, kaya sumunod ako. Pumasok kami sa loob ng karinderya. Maayos naman ang lugar. May mangilang-ilang kumakain na nakapang-opisina pa. Naupo kami sa bakanteng lamesa.
“Ano’ng gusto mong kainin?” tanong sa akin ni Heidi. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
“Hoy! Huwag kang mag-expect ng kung anong pagkain dito, ha? Karinderya ito at hindi restaurant! Walang steak dito at mas lalong walang wine! Sasabunutan talaga kita kapag iyon ang in-order mo!” Aniya at umirap sa akin.
“You know what, let me speak, okay? Alam ko naman na walang ganoon dito. Kaya huwag kang OA,”sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
“Mabuti naman kung ganoon.”
“Kung ano’ng order mo, ganoon din ako. Don’t worry, ako ang magbabayad ng lahat.” Pagbibigay ko ng assurance. Ngumiti ako sa kanya. Binelatan niya ako. Tumayo na siya at um-order sa harap ng cashier.
Nang naka-order na siya , tinulungan ko siyang kunin ang mga pagkain na in-order niya. Ang daming pagkain ang in-order ni Heidi. Dalawa lang kami, pero mukhang pang-animan. Hindi ko akalaing matakaw itong si Heidi.
“Do you think you can eat all of this?” Pagtatakang sabi ko habang nakakunot ang noo.
“Hindi ba sinabi mo na kumuha ako ng mga gusto ko? ‘Yan ang lahat ng gusto ko. Libre mo naman, di ba? Kaya lubusin ko na. Aba! Sayang ang grasya,” sabi niya.
Tumayo siya. Nasundan ko ng tingin. Naghugas siya ng kamay sa sink ng karinderya. Bumalik sa kinauupuan. Nagsimula nang kumain gamit ang kamay. Napakunot ang noo ko.
“Bakit hindi ka kumuha ng spoon and fork?” I asked her. Tiningnan niya ako nang hindi makapaniwala.
“Ganito ako kumain, nakakamay. Hindi mo ba nasusubukan ang ganito? Ganyan kayong mayayaman. Ayaw niyong sumubok ng pangmahirap,” sabi niya na tila may galit sa mayayaman. Napakamot ako sa ulo. Ang daming issue ni Heidi sa mayayaman.