EPISODE 6

979 Words
HEIDI “Upo ka lang, diyan ako ang bahala!” Nakangiting sabi niya. Binigay ko pa sa kanya ang isa pang batch na pinahahanap ni Boss na mga books. Napangisi ako. Umupo ako sa nag-iisang upuan sa stock room. Pumipito pa ako habang hinihintay si Zacch na mahanap ang mga books na kailangan. “Tapos ka na ba? Malapit nang magtanghalian, baka abutan pa tayo dito,” sabi ko. “Malapit na!” Sigaw na sagot niya. Ilang minuto ang lumipas. Lumabas sa isang silid si Zacch. Gusto kong matawa sa hitsura niya. Puno ng pawis ang buong mukha at katawan niya. Ang buhok ay magulo. Para siyang ni-r**e sa hitsura niya. “Okay na nahanap ko na ang nasa listahan,” sabi niya. Napaupo siya sa sahig at sumandal sa pader. “Good! Dadalhin ko na ito sa boss ko at baka hinahanap na niya ito,” sabi ko. Kinuha ko ang isang karton. Medyo mabigat, pero keri ko naman. “Ganoon lang ba iyon? Walang thank you o palibre man lang ang mayora?” sabi niya. Napaismid ako. “Thank you!” sabi ko. Maglalakad na sana ako paalis sa stock room nang magsalita ulit siya. “Libre mo ako ng makakain. Nagutom ako sa pinagawa mo sa akin.” Reklamo niya. Napatirik ako ng mata. “Fishball at gulaman lang ang kaya kong ilibre sa iyo. Alam mo naman, hindi ako mayaman na katulad mo,” sabi ko. Napangiti siya nang malawak. “Okay lang kahit fishball, at least nakalibre ako ng meryenda.” Napairap ako sa kanya. Wow! Makasabi ng libre, akala mo mahal ang pagkaing ililibre ko sa kanya. Halagang ten pesos na fishball at ten pesos na gulaman lang. Mababawasan tuloy ng bente pesos ang pera ko. Kainis. “Ayos lang yun?” Tanong ko. Tumango siya. Lumabas ako ng stock room. Nakita ko ang boss ko na inaayos ang mga paninda sa bookstore. Wala na ang mga matapobreng nilalang. Mabuti naman. “Ma’am, nandito na po ang pinapahanap niyo.” “Ang galing mo naman, nahanap mo agad. Expected kong mamaya mo pa mahahanap. Medyo madami rin ito. Salamat.” Nakangiting sabi niya. “Wala po yun, ma’am. Trabaho ko naman po ito.” Nakita ko si Zacch, palabas ng bookstore. Sumenyas siyang maghihintay sa labas. Tiningnan ko ang oras. Ilang minuto na lang, mag-o-out na pala ako. Tinanguan ko lang siya. Pagkalabas ko ng bookstore, naghihintay na si Zacch sa labas. Nakatayo sa gilid at tila naiinip sa paghihintay. “Psst!” tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Halika ka na, libre na kita. Mukhang gutom na gutom ka na.” Natatawa ako sa hitsura niya. Mukha siyang pagod na pagod. Hinawakan ko ang braso niya at hinila papunta sa bilihan ng mga fishball. Tuwang-tuwa si Zacch dahil ang daming iba’t ibang tindang pagkain. “Halika ka na , mamili ka na diyan ng gusto mo. Basta halagang ten pesos lang, ha? Alam mo namang nagtitipid ako dahil malapit na naman ang exam. Dami kasing bayarin sa school. Ayokong humingi ng pera sa Nanay at Tatay ko sa probinsya,” sabi ko. Napangiti siya sa akin. “Ako na ang magbabayad dito. Halika na, kuha ka na rin ng gusto mo. Kahit magkano pa 'yan. Libre ko.” Napatitig ako sa kanya. Kumuha na ako ng kwek-kwek at fishball. Naalala ko ang kaibigan kong si Penelope. Ito ang lagi naming ulam dahil nga nagtitipid kami, kaya ganito lang ang kaya naming bilhin. Miss ko na ang babaeng iyon. Hindi ko alam ang dami naming nakain ni Zacch. “Ang dami mong nakain! Grabe, naka-one hundred pesos tayo.” Napahimas ako sa tiyan ko. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan. Nabusog na ako. “Ikaw nga itong madaming kinain. Ang sarap pala ng ganitong pagkain.” Nakangiting sabi niya. Hinimas din ang tiyan niya. “Ngayon ka lang nakakain ng ganitong pagkain?” Curious kong tanong. Tumango siya. “Hindi kasi kami pinapakain ng magulang ko ng mga street food. Malalason daw kami , kaya hindi kami nagtangkang kumain man lang kahit minsan.” Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakalason pala sa kanila ang street food. Grabe naman! “Sana namatay na ako. Madalas ’yan ang kinakain ko. Nagpapaniwala ka sa sinabi ng Nanay mo. Masarap minsan kumain ng ganito. Mas affordable kasi sa kagaya naming mahirap ang ganitong uri ng pagkain. Well, sa mayayaman, madumi ito, pero sa katulad naming dukha , masarap ito.” Naupo kami sa upuang semento. Inabutan ako ni Zacch ng supot ng soft drink na binili niya rin sa pinagbilhan namin ng kwek-kwek at fishball. “Sa totoo ngayon ko lang naranasan ang ganito. Kumain sa labas, as in sa labas talaga. Masarap pala dahil mas gaganahan kang kumain. Tingnan mo naman ang dami kong nakain. Lahat yata ng tinda ni Kuya binili ko.” Humalakhak si Zacch. Which I find it amazing. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Halos maningkit ang singkit na mata niya dahil sa pagtawa. Genuine laugh. “Oo nga, kulang na lang pati ang kabilang tindero , bilhan mo din, eh?” Biro ko. Natawa ako sa sinabi ko. Dahil sa pagtawa namin, ang ininom naming softdrinks ay lumabas sa ilong namin. Mas lalo kaming tumawa. “Oh my god! Tumulo sa ilong mo ang softdrinks,” sabi ko habang tumatawa. “Ikaw din naman, meron diyan sa butas ng ilong mo.” Hinampas ko siya sa balikat. Hinuli niya ang kamay ko. Nagulat ako. Napatitig ako sa kanyang mata. “Thank you sa lahat, Heidi. Ngayon ko lang naramdaman ang tunay na kasiyahan. Napasaya mo ang araw ko.” Napangiting pasasalamat niya. Hindi ko maiwasang ngumiti. Kita ko sa mga mata niya ang sencerity. Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Nanigas ang katawan ko. Napahawak na lang ako sa kanyang likod at bahagyang tinapik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD