________________________________
—CHRISTOPHER ENRILE—
"Good Morning world!" Nakangiti akong bumangon
Kailangan talagang ngumiti dahil suweldo namin ngayon. Hehehe.
Nagtratrabaho ako sa isang call center comapany. At kapag may nalaman ako, or may bumalita sa akin na may audition paa sa blank at blank ay nag-audition kaagad ako. Kailangan kong kumita ng malaki para ipam-paaral ng kapatid kong lalaki. Lalo na ngayon na nasa college na siya.
Nasaan ang mga magulang ko?! Nasa langit na silang pareho. Hayst! Mamaya na nga lang ako magku-kuwento sa inyo, maiiyak pa ako e!
Tumayo na ako at nag-unat unat. Pagkatapos ay lumabas na din ako sa maliit kong kuwartong ito. Paglabas ko naman ay nakita ko ang kapatid ko.
"Good morning kuya Cris! Gising ka na pala. Kain na po tayo, nagluto na po ako" aniya habang inilalagay ang niluto niyang pagkain sa mesa
"Sige Niel. Ngunit maliligo muna ako. Ipagtimpla mo na lang ako ng kape ah?!"
"Opkurs kuya!"
Pumasok ulit ako sa loob ng aking kuwarto para kunin ang tuwalya. Tapos balik din sa labas.
So yun na ah?! Nakilala niyo na ang kapatid ko. Nathaniel ang tunay niyang pangalan, kaya Niel ang tawag ko.
Pumasok na ako sa aming banyo. Habang nakatingin ako sa salamin ay magmala-MMK muna ako.
Dear charo, HAHAHHAHA jowk lang.
Namatay si mama nung pagkatapos niyang ipinanganak si Niel. Ginawa ni papa ang lahat para buhayin kami kaso......
10 years old ata ako nun? Namatay siya sa gitna ng kalsada dahil sa heatstroke. Namatay na nga si mama, pati na din ba si papa ay kinuha sa amin
Dahil sa sobrang sakit ay nagka-depression ako. Muntik na nga akong magpakamatay. Bigla-bigla na lang akong pumunta sa gitna ng kalsada at muntik ng magpasagasa ngunit hindi natuloy.
May pumukaw sa akin nung panahong yun. Yun btaw'ng parang....
'Nandiyan pa yung kapatid ko. Kung magpapakamatay ako ay pano na siya?? Sinong mag-aalaga sa kaniya??
Kaya naguat na lang ako isang araw paggising ko'y, okay na ako. Nawala na yung sakit.
Inampon kaming dalawa ng kapatid ko ng tiyahin ko. Pero namatay na siya dahil matanda na, last 8 yers ago. Sakto din ang pagtapos ko ng highschool.
Nagdesisyon akong huwag munang mag-aral at magtrabaho para kay Niel. Hindi man ako nakatapos, sisguraduhin kong ga-graduate siya ng college.
Nung una ay wala pa akong officially job. Naalala ko nga na kung ano-ano na lang kinuha ko.
Nag-online selling ako nung panahon ng pandemya. Namasukan akong janitor, guard, gasoline boy at iba pa.
Hanggang sa hinikayat ako ng kaibigan kong si Agustin na mag-apply ako bilang call center agent na katulad niya. Kaya ayun! Nag-apply kaagad ako. At sa kabutihan ng Panginoon, nakapasok naman kaagad ako. At ito, mag2 2 years na ako.
Inaamin kong gusto kong makapagtapos, pero wala eh! Eto na talaga ang kapalaran ko.
Hayst! Maliligo na nga ako! Bye
***FAST FORWARD**** (SA KUSINA)
Pagkatapos kong maligo't magbihis ay ngayon ay handa na akong pumasok sa trabaho ko. Habang kumakain kami ng kapatid ko ay bigla siyang nagsalita.
“Ah kuya!... May extra ka pa ba?? May project kasi kami. Medyo malaki-laki kasi yun. Kulang kasi yung naipon ko kuya”
Tumigil muna ako sa pagkain "Magkano ba yung kailangan mo Niel?"
"Mga 5k lang kuya"
'5k???!! May project bang ganun?? Hindi naman siguro siya nagsisinungaling noh?!'
"O sige. Bigyan kita mamaya, pagkatapos natin dito"
"Salamat kuyyaaa!!! The best ka talaga!"
Ningitian ko na lang din ito.
Nagpatuloy naman kami sa pagkaon ng magsalita ulit siya.
"By the way kuya. May naalala pala ako"
Naghugas muna ito ng kamay bago tumayo at may kinuha.
"Dumating na pala kahapon ang bill ng kuryente at tubig natin"
Ibinigay naman niya sakin ang hawak niya.
Naghugas muna ako ng kamay bago binasa yung bill nga. Tapos ay binasa ito
"685.55"
'Malaki-laki na yun diba??'
At yung tubig namin ay '514.10?'
"At kuya. Nagpunta si Manang Edna dito nung nakaraang araw. Dalawang buwan nating upa ay hindi pa nababayaran. Kailangan na niya raw ng pera dahil nasa hospital ang anak niya't nagkasakit"
'See? Ang dami naking dapat bayaran. At may utang pa'
"Mababayaran din natin yan! Suweldo ko ngayon kaya't mababayaran natin yan!" Nakangiti at masigla kong sambit
"Talaga kuya?? So bibilhan mo din ako ng bagong sapatos??"
Ipinangako ko kay Niel na bawat sahod ko ay bibilhan ko siya ng bagong gamit. Depende kung sapatos ba o damit.
"O sige ba! Pero dapat nating uunahin ang mga bayarin at gastusin ah?!"
"Oo naman kuya! Prioritize yun!"
*****FAST FORWARD***** (CALL CENTER COMPANY)
Pagkatapak ko sa building na ito ay dumiretso agad ako sa third floor, kung saan dun ako naka-aasign.
Pagkarating ko naman sa aking cubicle at may nakita akong isang poster na nakapatong sa keyboard kaya't tiningnan ko ito at binasa.
"Audition, Model Searching?" Taka kong tanong
Taka kong tiningnan si Rica dahil alam kong siya ang naglagay neto dito. Kumilay sign lang siya sabay ngiti.
Umupo na lang din ako.
Habang nagsta-start na ako dito sa computer ay biglang lumapit ang dalawa.
"Ano Cris?? Sama ka sakin??" Siya si Agustin. Isa sa mga naging kaibigan ko dito. Si Agus ay katulad din sa akin. Mahillig siya sa mga audition na yan. Mapagbiro din ang lalaking ito. Minsan corny.
"Agus naman! Dapat di mo na tinatanong si Cris nyan! Alam naman natin kaagad ang sagot nyan!" Siya naman si Rica.
"ipaliwanag niyo muna sa akin to" aniko sabay pakita nung poster na bitbit ko
"Yung sikat na designer?? Si Mr. Balmonte? Nagahahanap siya ng magiging modelo niya. Para kuno raw sa susunod na magaganap na Fashion Show" ani Agus
"Oo. Tska sakto ba sakto sayo ang pagiging modelo Cris! Gwapo ka, sakto talaga yang laki ng katawan mo. At yung height mo matangkad. Bagay na bay diba??" Wika ni Rica
"Believe me Cris. Sa ating dalawa? Mapapasok ka kaagad sa Top 5"
"Sigurado ka? Baka hindi" sambit ko
"Basta tiwala lang! Wala namang masama kung magtiwala diba? At tsaka, sabi nila. Try and try until you succeed!"
Napangiti na lamang ako "Sabagay, tama kayo"
"Sama ka sakin mag-audition bukas??"
"SAMA!"
......