CHAPTER 2: MEET EARL

1129 Words
___________________________________ —MHEARL POV— "BYE SIR EARL! INGAT PO KAYO SA PAG-UWI NIYO!" sigaw nung asisstant ko "Mag-iingat ka din sa pag-uwi mo!" Tuluyan na siyang nakalabas sa opisina ko. Umupo uli't ako sa swivel chair at sumandal. Ipinikit ko ang akong dalawang mata at pina-ikot ikot ang swivel chair. Ilang sandali din ay ipinahinto ko na ito dahil nakakahilo na. Pagkabukas ko ng aking dalawang mata ay nakita ko ang napakagndang mukha ng mama ko 'Weyt... Nandito siya?? Pero paano??' "Anak ko" nakangiti niyang sambit sabay lapit sa akin. "Mama?" Tumulo ang isang butil ng luha ko "Mama, miss na miss na po kita. Bakit po kayo nandito?? Paano?? Di ba po patay na kayo??" "Di na yan importante anak. Miss na miss na din kita, ang papa mo, at ang mga kapatid mo" pinantayan niya ako ng tayo "Nilamon ka na talaga ng lungkot at galit anak. Matigas na talaga ito (sabay hawak niya sa puso ko)" "Hindi naman magiging matigas yan ma kung tanggap at napatawad na ako ni papa. Kahit anong hingi ng tawad ko ay hindi niya talaga ako mapapatawad" "Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa papa mo anak. Tandaan mo ito anak, hindi mo kasalanan na namatay ako" "Pero ma! Hanggang ngayon ako pa din ang sinisisi ni papa! Gustong-gusto ko ngang magkaayos kami at sana matanggap na niya din ako!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko "Magtiwala ka sa akin anak. Magkakaayos din kayo ng papa mo. May plano ang Diyos para diyan" Pagkatapos niyang banggitin ang katagang yun ay unti-unti na siyang nawala "Ma?!" Hanggang sa nawala na talaga siya "MAAAAA!!!!" ****************** "EARL! EARL! EARL!" Agad akong napabangon dahil may tumatawag sa pangalan ko sabay may yumuyogyog sa akin. Hingal na hingal pa akong bumangon. "Earl anong nangyari sayo? Okay ka lang?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Patrick, kapatid ko. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. "Pat, nakita mo si mama? Nandito lang siya kanina eh!" Sambit ko "Si mama? Paano naman siya makapunta dito e patay na siya!" 'Nananaginip lang ba ako kanina? Baka nga noh' "Change topic. Bakit ka ba nandito kuya Pat?" Tanong ko sabay ayos sa aking sarili "May kinuha lang akong folder dito sa office mo. Nakita kita kanina na binabangungot ka ata. Kaya ayun! Ginising na lang kita" 'Okay. Nananaginip lang talaga ako kanina nung nakita ko si mama' Tumayo ako "Kuya Pat! Umuwi ka na dahil uuwi na din ako sa condo ko" sambit ko sabay ligpit ng mga gamit ko dito sa mesa "Doon ka naman uuwi Earl? Palagi na lang? Sa bahay ka na lang kaya!" Hinarap ko siya ulit with a serious face "Alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi ako uuwi sa bahay na yun! Baka pag-uwi ko, magugulat na lang ako dahil may nakalagay palang bomba sa kuwarto ko!" Balik ulit ako sa pagliligpit ng mga gamit "Wala namang saysay kung babalik pa ako dun sa pesteng bahay na yun! Pinalayas na ako dun! Bakit naman ako babalik pa!?" Napatingin ulit ako sa kaniya dahil nasa harap ko na ito "Earl ang dami mo namng sinabi. Sasabihin ko lang sayo na..... Puwede ka sa bahay matulog dahil wala si papa! Sa makalawa pa yung balik niya. Kaya plss? Miss na miss ka na din kasi ni ate" 'hayst! Ang kulit talaga ng kuya ko!' ***FAST FORWARD*** (SA BAHAY) Dahil sa makulit ang kuya ko ay pumayag na lang din ako. Wala naman talaga akong balak na bumalik sa bahay na ito "Bunso? BUNSSOO!!!" sinalubong agad ako ng yakap ni ate nung nakita niya ako. "Thanks Pat! Dahil napapayag mo siya!" Sabay ngiting sambit niya sa akin "Ako pa naman te! Malakas kaya ako kay Earl!" "Sure ka?" Konting painis na sambit ko "Baka hindi naman" Sumimangot naman ito "O siya! Na-miss ko kayong dalawa! Bakit niyo ba ako pinuwi dito?" dagdag ko at umupo sa sofa na nasa sala. Alangan'g nasa kusina. "Ako? Namiss lang talaga kita bunso!"wika ni ate at umupo sa tabi ko Sumunod din si Kuya Pat "Ako, namiss ko yung masasarap mong luto. Kaya paglutuan mo kami ah?! Yung palagi mong niluluto sa amin? Ano nga ulit tawag nun? Sorry, nakalimutan ko. Heheheh" "Pinakbet lang! Ang dali-dali lang namang lutuin yun!" "Sorry, nakalimutan ko lang. Magdadalawang taon din naman kasing hindi mo kami pinaglutuan nun. Simula nung....." Hindi niya tinuloy ang sinabi niya "Bakit di mo itinuloy?! Ano ka ba kuya! Okay lang noh?! Huwag kayong mag-alala, paglulutaan ko ulit kayo" nakangiti pang sambit ko "YEHHHEEYYY!!" at itong mga kapatid ko. Happy'ng-happy, parang mga bata ang peg. "PERO! Magbibihis muna ako ah?!" "Okay bunso. Take your time" Tumayo naman kaagad ako at pumanta sa itaas 'Grabe yung kapatid ko noh?! Kung makaasta parang ako pa yung panganay eh!' ***FAST FORWARD*** Tapos na akong magbihis. Inilibot ko muna ang akong tingin sa buong kuwarto ko. Meron pa din yung mga pictures ko na nakadikit sa wall. Akala ko talaga ay sinira na itong kuwarto ko at pinalitan ng iba. Hindi pala... Napako ang tingin ko sa dating family picture namin. I guess, 7 yers old pa ako neto. Oh diba? Sobrang tagal na talaga. Ito yung panahong hindi pa alam ni papa na ganito ako. Bakla nga. Marami pang kuwento ang buhay naming mag-pamilya. Especially, kay dad at sakin. Malalaman niyo din ang lahat ng yan *tok*tok*tok "BUNSO! TAPOS KA NA BA DIYAN! HINDI NA KAMI MAKAPAGHIHINTAY PA!"Si ate lang pala "LALABAS NA ATE!" ***FAST FORWARD*** (Palagi na lang fastforward noh? Magbuot ay, ako yung nagsulat at hindi ikaw. Joke lang btaw) "ITO NAAA!!!" inilagay ko naman sa kanilang harapan ang pinakbet na request nila. Kanina pa nga takam na takam ang mga mukha ng dalawang ito. "Salamat bunso ah?!" Kumuha na silang dalawa ng pinakbet Umupo na lang din ako "Kumain ka na din Earl!" Nagsandok na lang din ako. Habang nagsasandok ako ay.... "Grabe bunso! Walang pinagkaiba yung luto mo noon! Napakasarap pa din!" "The best ka talagang magluto Earl!" "Di naman. Pero, salamat na lang" Nagpatuloy na lang kami sa pagakain. Habang kumakain kami ay nagsalita ulit si ate. "By the way bunso, kumusta ka na? Sikat na sikat ka na ngayon ah?! Sabi ni Patrick ba andami nang nagpapagawa ng mga damit sayo! Grabe ah, negosyanteng-negosyante ka na! Anong feeling nung sikat?" "Masaya! Dahil ang daming pumupunta dun sa drssshop. Pero minsan, nakaka-stress! Pero kinakaya din naman" sagot ko "Alam naman naming kakayanin mo yan Earl! Matapang ka-" hindi na naituloy ni kuya ang sasabihin niya dahil sabay pa kaming napalingon sa front door dahil may isang taong pumasok Nagkatinginan naman kaming tatlo at makikita mo talaga sa kanilang mukha ang takot at alala Ang taong pumasok lang naman ay. Walang iba kundi si.... "Papa?" ............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD