CHAPTER 11

1464 Words
_______________________________ —ASH POV— Hinahanap ko ngayon ang bahay nina Rica. Tinext niya sa akin ang lugar na ito at hahanapin ko na lang raw. Napaka-ano talagang babae. Pero di bale na lang, mahal ko naman siya. Hehehe. Kinilig tuloy ako. "Magandang umaga po. Puwede po bang magtanong?" Tanong ko sa manong na nagwawalis sa bahay nila "Magandang umaga din sayo iho. Sige, anong itatanong mo?" "Itatanong ko po kung nasaan ang bahay nina Rica Salazar?" Saad ko "Ay diyan lang iho! Sa tapat neto" "Sige po. Maraming salamat" Tiningnan ko yung katapat na bahay, at dahan-dahang lumapit. May tindahan pala yung bahay nila kaya sa tindahan na ako nagpunta "TAOO POO!!" Lumitaw yung babaeng I think 40's na. "Magandang umaga iho. Anong sayo?" "Magandang umaga din po. Uhm, hindi po ako bibili. Hinahanap ko po si Rica Salazar. May nakapagsabi kasing dito siya nakatira" "Dito nga iho. Anak ko siya" tama nga yung hula ko. Mama ito ni Rica "Nandiyan po ba siya sa loob?" Tanong ko "Oo. Pumasok ka muna iho" (~SA LOOB NG BAHAY~) "Umupo ka muna iho" sinunod ko siya "Maraming salamat po" "Walang anuman. Si Rica pala ay natutulog pa. Mamaya pa yun magigising" aniya "Ah... Pakibigay na lang po ito sa kaniya at para na din po sa inyo" inabot ko naman yung supot na kanina ko pa dala "Maraming salamat iho" tinanggap naman niya "Walang anuman po. Aalis na din ako" nakatayo na ako at aalis na sana ng tinawag niya ako "Sandali lang iho. May sasabihin pa ako sayo" balik na lang ako ng upo. "Ano po yun?" Paninimula ko "Nabanggit ng anak ko noon na may nanliligaw raw sa kaniya. Ikaw ba yun?" Nasabi na pala ni Rica "Oo ako nga po. Pero wala ata akong pag-asa sa anak niyo. Sabi kasi niya na...prioritize niya kayo. Ang pamilya niya" "But let me tell you a secret" "Po? Ano pong secret?" Taka kong tanong "Dati naman talaga ay tinatanggap pa niya yung mga lalaking nagkakagusto sa kaniya. Hanggang isang araw.. Nagkanobyo nga siya. Mahal na mahal niya yung lalaking yun at baliw na baliw siya dun sa lalaking yun. Hanggang sa.... Nadiskubre ng anak ko na niloloko lang pala siya neto... Pang-apat pala siyang minahal nung lalaki" Nag-angry birds naman ang kilay ko "Napakagago naman nung lalaki na yun!" "Kaya natauhan ang anak ko. Sabi niya, ayaw na niyang magmahal. Hinding-hindi na siya magpapa-uto. Ipinangako din niya sa kaniyang sarili na... Uunahin na niya kami. Gusto ng anak ko—" "MA! TAMA NA!" napatingin kami dun sa nagsalita. It's Rica. "Sobra-sobra na po ang sinabi niyo sa kaniya!" Lumapit siya sa amin "Dapat naman niyang malaman anak dahil manliligaw mo siya!" "Hindi po ako pumayag ma! Siya po ang nagpilit!" Tumayo ako "Sabi mong bahala ka. Ibig sabihin nun, pumapayag ka. Magandang umaga pala" ngiting-ngiti kong sambit. "Maganda sana yung araw ko, pero sinira mo! Tinuloy mo talagang pumunta dito noh?! At mabuti dahil nahanap mo!" "Oo naman. Ako pa ba?" ***FAST FORAWARD*** Nandito kaming dalawa sa may rooftop pero ginawang sampayan. Basta alam niyo na haha. "Rica magkuwento ka naman! Tungkol sa ex mo" paninimula ko "Ano pa bang i-kwento ko e nasabi na ata ni mama ang lahat" "Basta! Dagdagan mo pa!" "Sige na nga! Ang kulit mo talaga!" Tumingin naman siya sa malayo habang ako'y nakatingin lang sa kaniya. "Rey ang pangalan niya Ash. Almost 2 years din naging kami. Mahal na mahal ko yung lalaking yun. Binigay ko ang lahat. Muntikan na ngang may mangyari sa amin... Pero biglaang nagka-emergency siya. At masasabi ko talagang sinadya yun ng panginoon para hindi maibigay ang virginity ko sa maling tao" "Nung nalaman ko ngang may iba pa siyang babae. Nakipaghiwalay kaagad ako. Ayoko kasi ng gulo. Ayokong may kahati ako. Sobrang sakit para sa akin na maghiwalay kaming dalawa... Iyak lang ako ng iyak nun. Nalaman ko na lang isang araw na... Hindi na ako ang Team Leader, pinalitan na ako ni Agustin" alam kong kanina pa siya naiiyak pero pinipigilan lang niya ito. "Atleast naman diba, hindi ka natanggal sa trabaho mo?" Aniko. Tumango-tango lang eto "Nakalimutan mo na si Rey diba?" Tanong ko dahilan ng pagtingin niya sa akin at ilang segundo muna ang nagdaan bago siya nakasagot "Ash kasi.... First love ko siya kaya ang hirap kalimutan" Napatango-tango na lang ako "Sabi nila diba na.... First love never die. Naka-move on ka na naman diba??" Malungkot pa din ang mukha niyang nakatingin sa akin "Im so sorry Ash. I think hindi pa. Hindi pa din kasi umabot ng isang taon ang hiwalayan namin" Napangiti ako ng mapait "Okay lang" At yung ngiting mapait na yun ay pinalitan ko ng original na ngiti ko. At hinarap na siya. Pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay niya "Pero di bale Rica! Hindi ka pa naka-move on kay Rey diba? Puwes, tutulungan kita! Ipaparamdam ko sayo ang aking pagmamahal! Ipaparamdam ko sayo na lagi lang akong nandito. Mahal kita at mamahalin pa kita Rica. Pangako ko yan sayo!" "Ganyan na ganyan din ang sinabi ni Rey sa akin dati pero binigo niya ako" "Pero ako si Ash! Hindi si Rey! Lahat ng pangako ko ay tinutupad ko!" Saad ko "Sana tuparin mo yan Ash. Dahil pinagkakatiwalaan na kita" "Tutuparin ko Rica. Salamat" niyakap ko siya pero mga ilang seconds lang Atleast naman diba, pinagkakatiwalaan na niya ako? Pero.... Paano na kaya kung babalik si Rey? Imposible namang balikan yun ni Rica e niloko na siya Hays! ***FAST FORWARD*** —CHRISTOPHER POV— Papasok ako ngayon sa paaralan kung saan nag-aaral si Niel. Sinabi ko naman diba na dadalaw ako kapag may free time ako. Kaya eto ngayon. Kinuha ko ang phone ko dahil nag-vibrate ito at may isang mensahe na galing lang naman kay Earl Earl; Alam kong free ka ngayon. Punta ka dito, may ibibigay ako. Reply ko : Yes Master! Tapos ay ibinalik na ang phone ko sa bulsa. Liliko na sana ako patungo sa building ng college ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Mr. Cristopher Balmonte?" Nilingon ko ito. Isa ata itong guro sa paaralang ito "Magandang umaga po maam. Ako nga si Cristopher Balmonte, bakit po?" Nakangiti ko pang sambit "Diba ikaw ang kuya ni Nathaniel Balmonte? Puwes, sumunod ka sa akin. Last week ka pa hinahanap ng principal" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Magtatanong na sana ako ng bigla na lang itong umunang maglakad kaya sumunod na lamang ako Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang di kabahan. Puro taka, lungkot, alala ang makikita mong ekspresyon sa mukha ko. Nandito na pala kami sa principal office's at pumasok. Pagpasok naman kaagad namin ay nakita ko yung principal sa lamesa niya. "Good Morning Madam Principal, nandito na ang inyong matagal na hinahanap. Si Cristopher Enrile" Tiningnan na ako nung principal. At kung makikita niyo, lungkot ang nasa mga mata niya. "Good morning po!" Nakangiti kong bati "Umupo ka muna iho" sumunod naman ako sa sinabi niya "Alam mo ba Mr. Enrile ang pinaggagawa ng kapatid mo sa eskwelahang ito?" Aniya na ikinatataka ko "Po? Ang alam ko lang ay nag-aaral siya ng mabuti dito" sagot ko Nagkatinginan naman silang dalawa. Tapos ay may kinuha yung teacher ng isang brown envelope at ibinigay nila ito sa akin na tinanggap ko naman Isa itong.... Card?? Huh? At kay Niel pa. "Mukhang matalino ka naman Mr. Enrile at mabait pa. Sana'y pareho kayo ng kapatid mo" Tiningnan ko ulit yung card. At nagtaka na lamang ako 'WHAT? Line of 70 lahat ng grades?? Natandaan ko pa yung card na ibinigay sa akin ni Niel last month, line of 9 yun lahat. So ibig sabihin ay... "Tama ang iniisip mo. Maaaring fake card ang ibinigay ni Niel sayo" Hindi ko magawang di maguluhan 'Bakit niya ito ginawa sa akin?' "Asan po ang room niya? Puwede ko po ba siyang bisitahin? Kahit sa oras ng klase?" Nagkatinginan ulit silang dalawa "Kawawa ka naman Mr. Enrile. Sinuspende ko muna siya for two weeks" "PO????" "Nagpadala ako ng letter, wala ka bang natanggap??" "Wala po" aniko "Bakit niyo po sinuspende?" "Talagang wala kang kaalam-alam noh?....kasali si Niel sa pinakasikat na gang sa paaralang eto. Hanggang isang araw, may nagsumbong sa aking isang magulang na... Binugbog ang kaniyang anak. At yung gang nila Niel ang tinuro ng bata. Kaya ayun, sinuspende ko sila" 'Gang? Sakto nga ang hinala nina Rica at Agus' "Salamat na lang po dahil ipinaalam niyo sa akin" ngumiti ako ng tipid sa kanila, bago lumabas sa principal's office. Paglabas ko ay napasandal na lamang ako dito sa may pader. Sobrang wala akong gana ngayon. Pagkatapos ay binalikan lahat ng sinabi ng principal At di ko naman namalayang napaluha na pala ako 'Niel, sinira mo yung tiwala ko sayo!' .. .. *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD