______________________________
—MHEARL POV—
[Bunso, nakadalaw ka na sa puntod ni mama?] kinakausap ko si Ate ngayon sa phone
"Hindi pa nga ate. Baka mamaya. Oo mamaya" sagot ko
Second death anniversarry ni mama ngayon. Dalawang taon na ang lumipas simula nung namatay siya. At dalawang taon na din ang nagdaan simula nung.... Huwag na nga lang
"Eh si Kuya Pat ate? Nakadalaw na ba siya?"
[Oo. Kakausap lang namin kanina. Ako naman, baka bukas pa. Ang dami ko kasing ginagawa ngayon eh! Pero di bale na lang, nagpamisa naman ako kanina eh!]
Umupo muna ako "Mabuti yan ate. Busy ka pala e baka naka disturbo ako sayo"
[Pasensya na bunso ah?! Ibababa ko na, tatawag na lamang ako sayo mamayang gabi]
"Sige ate. Bye" ibinaba na nga niya
Napatingin na lang ako sa larawan ni mama "I really miss you ma. Happy 2nd death anniversarry"
*TOK*TOK*TOK
Tapos ay pumasok na nga yung kumatok. Si Mr. Enrile lang pala
"Umupo ka muna" sambit ko sabay tayo at nagtungo dun sa may drawer
"No. Hindi na. Hindi din naman ako magtatagal"
Kinuha ko sa drawer yung green na supot at ibinigay sa kaniya
"Yan oh! Yan ang ipinangako ko sayo kagabi" tiningnan niya yung loob "Matanda ka na kaya alam mo na paano gamitin yan at hindi na ako kailangang magpaliwanag pa!"
"Salamat Earl" ngumiti siya pero parang hindi ata yun ang tunay na ngiti niya.
Tiningnan ko ng maigi ang kaniyang mga mata. Parang kakagaling lang ito sa pag-iyak.
"Hey Mr. Enrile! Galing ka lang bang umiyak?" Takang tanong ko dito
"Huh? Ako galing umiyak? Hindi noh! Sadyang ganyan lang talaga yung mga mata ko"
Lumapit ako ng konti "You're lying"
Napatigil naman siya
"Aalis na ako Earl! PAALAM!" At lumabas na nga siya ng opisina ko
Napaupo na lamang ulit ako sa swivel chair 'Alam kong nagsisinungaling lang siya. Bakit kaya siya umiiyak noh?'
____________________________
—CHRISTOPHER POV—
Wala ako saking sarili na pumunta dito sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko.
Umupo ako dito sa may upuang semento at inilagay ang hawak kong bulaklak sa puntod nila. Tapos ay sinindihan ang kandila.
Bumalik sa isipan ko yung lahat-lahat ng araw na nanghingi sakin ng pera para sa tuition niya, may project sila at iba pang bayarin sa school niya.
At bumalik din sa isipan ko yung sinabi ng kaklase niya sa akin
***FLASHBACK***
"Kuya Cris. Paminsan-minsan lang po siyang pumapasok. Palagi po niyang kasama ang mga barkada niya. At kuya Cris, isumbong ko na sayo ang lahat ah?"
Ningitian ko lang siya na hindi buo
"Paminsan-minsan po, nakikita namin silang naninigarilyo, nag-iinuman at iba pa"
"Puwede mo bang sabihin sakin kung nasaan ang tambayan nila?"
May itinuro naman ito "Doon po! May tindahan kasi sa likod ng eskwelahang ito. Pero paminsan-mindan, wala sila diyan. May kaaway ata o naghahanap ng away" aniya
***END OF FLASHBACK***
Hindi ko lubos maisip na ganun pala ang ginagawa ng kapatid ko.
Napatingin na lamang ako sa kalangitan at ipinikit ang dalawang mata. Tapos ay pinigilang huwag na naman babgsak ang aking luha.
Tiningnan ko ulit yung puntod ni mama at papa. Tapos ay nagsalita
"Ma? Pa? Mali po ba ang pagpapalaki ko kay Niel?... Sana talaga ay hindi kayo maagang namatay ma, pa"
Tumulo ang isang butil ng luha ko "Sana magkakasama pa tayo ngayon. Hindi sana magiging ganyan si Niel kung nandito pa kayo. Bakit niya ba nagawa yun? Masama ba akong kuya??"
"Hindi ka masamang kuya!"
'Hala! Sino yun??'
___________________________
—MHEARL POV—
"I miss you ma. Sana magkita tayo kahit na panaginip lang"
Katulad ng sinabi ko kay ate kanina, dadalaw ako sa sementeryo, at ito nga yun.
"Pasensya na ma, magpapaalam na ako sayo ngayon. Babalik naman ako sa susunod na araw. Marami pa kasi akong gagawin Ma. Tutulungan ko si Ross sa pagtatahi at kailangan ko nang bumalik sa shop. Dahil walang nagma-manage don. Si Elaine naman, nakipag-date siya sa manliligaw niya. Sanaol diba Ma? Kailan kaya ako makakahanap ng akin. Kailan ko kaya mapapalitan si....." Napatigil ako
"Basta Ma! Alam mo na kung sino yun! O baka Ma, nakita ko na siya. Hayst!
"Sige Ma, paalam muna sa ngayon ah?!" Hinawakan ko ang puntod niya "Mahal na mahal kita Ma" ningitian ko muna ito at naglakad na papaalis
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mabilis lang ako makarating sa aking sasakyan.
Papasok na sana ako sa loob ng may ibang kumuha ng atensyon ko. Si Mr. Enrile. 'Weyt, anong ginagawa niya dito?? May nakalibing din ba ditong relatives niya or something?' At kinakausap din niya ang puntod na nasa harap niya.
Nilapitan ko siya.
"Masama po ba akong kuya?" Tanging nadinig ko mula sa kaniya.
"Hindi ka masamang Kuya!" Nagulat na lamang ako ng biglang lumabas ang katagang yun mula sa aking bibig
Patay! Ang plano ko lang naman ay makikinig sa kaniya.
"Earl?? Anong ginagawa mo dito?" Aniya habang pinupunasan ang mga luha niya
Umupo ako sa tabi niya "Bakit ka umiiyak?? Sino ba ang mga ito??"
"Uhm... Mga magulang ko"
Binasa ko yung pangalan ng dalawang puntod. Mga magulang nga niya.
"Matagal na silang patay. Mga bata pa lamang kami ng kapatid ko"
"Bakit ka nga umiiyak?? Dahil ba sa kanila?? Pero I think hindi. Kanina sa shop, alam kong nagsisinungaling ka lang. Sabi nga nila diba na... Mouth lies, but eyes don't. So bakit nga ba??"
Humarap ito sa akin "Akala ko ba... No personal questions??"
Iniwasan ko ito ng tingin
"Ito naman! Biro lang! Sasagutin ko lang ang tanong mo kung sasagutin mo din ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito??"
Tiningnan ko siya ulit at balik sa kawalan. "Second Death Anniversarry ni mama ngayon. Kaya dinalaw ko ang puntod niya" aniko "Nasagutan ko na. Uulitin ko ulit ha?... Bakit ka umiiyak??"
Siya naman ang tumingin sa malayo "Tungkol lang sa kapatid ko. May nalaman kasi ako about sa kaniya. About sa mga ginagawa niyang hindi kaaya-aya"
Naintindihan ko naman agad ang sinabi niya
"Alam mo yung pakiramdam na... Doble-doble na ang kayod mo, ginawa mo ang lahat-lahat para mabuhay, para may maibigay, pero di pala gagawin sa mabuting gawa! NAPAKA PUT*NG*N* LANG KASI!"
Nagsimula na naman siyang umiyak
"Ilabas mo lang Cris ang lahat ng sakit na naramdaman mong yan!" Sambit ko habang nakahawak sa isang balikat niya
"Hanggang ngayon, iniisip ko pa din.... Ano ba yung maling nagawa ko??? May pagkukulang ba ako sa kapatid ko??? Sagutin mo nga ako Earl, wala ba akong kwentang kuya???"
Hinawakan ko ang kamay niya "No, you're not. You're perfect the way you are. Kung wala ka ngang kwentang kuya, iniwan mo na sana ang kapatid mo nung namatay ang mga magulang niyo. Hindi ka sana nagtra-trabaho ngayon para lang may makain kayo sa pang-araw araw. May kwenta ka, dahil special ka. Hindi ko man alam ang pinagdaanan mo sa buong buhay mo Mr. Enrile, pero naniniwala akong mapapatawad mo din ang kapatid mo. Hindi lang ngayon, bukas o sa makalawa. Magkapatid kayo diba? At magal na mahal mo siya. Kaya mapapatawad mo din siya" speech ko (chaar)
"Napagaan mo ng konti ang loob ko Earl, maraming salamat"
"Walang anuman yun Mr. Enrile. Kung kailangan mo pala ng makakausap, nandito lang ako. Punta ka lang sa dresshop"
"Sige. Huwag mo na din akong tawaging Mr. Enrile, Cris na lang"
"Sige Cris"
***FAST FORWARD***
_____________________________
—CHRISTOPHER POV—
Wala pa din ako sa aking sarili habang pauwi ng bahay. Mabuti't hindi pa umuwi si Niel, hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakita ko siya.
Umagaw pansin ng aking paningin ang mga papel na nasa lamesa kaya nilapitan ko ito.
Paglapit ko naman ay nakita kong mga notice ito sa tubig, kuryente at sa bahay na ito.
HAHA inaasahan ko na talaga ito. Yung mga perang ibinigay ko kay Niel ay alam ko nang di niya ibinayad. Iniisip ko na yun nung pauwi ako. Minsan naman, ako ang nagbabayad.
Nung pauwi na nga ako kanina ay nakasalubong ko si Manang Edna kaya nagbayad na din ako ng upa.
"Ku-ya??"
Kilala ko ang boses na yun kaya di magawang magsalubong and dalawang kilay ko
..
***********************