______________________________
—AGUS POV—
Iilan na lang kaming natira sa opisina. Pnili ko mag-over time kasi.... Alam niyo na.. Hehehe. Ako yung TL kaya kailangan.
Magtratrabaho pa sana ako ng biglang tumunog ang tiyan ko...
"Gutom?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Si boss. At napatayo na din ako.
"Good evening boss Pat. Sorry kung narinig mo ang pagkulo ng tiyan ko" sambit ko habang tinatanggal sa leeg yung headphone "Ano pala ang ginagawa niyo dito Boss?"
From crossed-arm, nilagay niya ang mga kamay sa bulsa niya "Bawal bang... I-check ko ang mga empleyado ko?"
Ang sungit talaga neto. Pft!
"And I guess Mr. Agustin, ikaw na lang ang mag-isa"
Tiningnan ko naman ang buong paligid. 'Teka lang... Parang kanina lang ay madami-dami pa ang tao dito ah?! Time runs so fast talaga' tutok na tutok lang kasi ako sa ginagawa ko.
"Come with me Mr. Agustin, sumunod ka lang sakin"
Napatingin ulit ako kay Boss Pat at naglakad na pala ito.
"Boss! Teka lang!" Dali-dali naman akong nagligpit
***FAST FORWARD***
Dinala pala niya ako sa isang restaurant. Pinasakay pa nga niya ako kanina sa kotse niya. Ayieee. Mabait din pala itong boss ko
"Boss, kakahiya naman! Dinala mo pa ako dito!" Sambit ko habang umupo kami. "At halatang pangmayaman ito oh!"
"Nahihiya ka? E di huwag kang kumain!"
'Ay aba't, ano ba talaga ang trip ng lalaking ito??'
"Huwag naman boss! Gutom na gutom kaya ako!"
Inirapan niya lamang ako at tumingin siya ldoon sa labas.
Nagsalita na lamang ako dahil baka mabaho pa hininga ko kakatahimik dito e! Di naman ako katulad netong kaharap ko.
"Boss Pat!" Tawag ko, lumingon naman eto. "May lahi kayong masungit noh? Yung kapatid mo? Si Earl? Masungit din yun katulad mo. Pati na din papa mo"
"Hindi ako masungit! Period!" Tumingin ulit diya doon sa labas
"Hindi masungit. E ano yang ginagawa mo ngayon?! Anong tawag mo diyan? Ha?!"
Tumingin ulit siya sa akin na galit na galit ang mukha. Patay si meee!!
"Can you just please shut up?! Ang ingay mo! Alam mo ba yun? Ang lakas pa ng boses mo!"
"Alam mo, pagpasensiyahan mo lang ako. Ganito na talaga itong bunganga ko. Kaya masanay ka na lang ha?!"
Nakatingin siya sa mukha ko. Tinititigan niya eto.
"Agustin Calahat" hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin "You never change"
Nagulat at nagtaka naman ako sa sinabi niya "Ha?! Di kita gets. Anong ibig mong sabihin??"
Parang nabalik naman ito sa kaniyang katinuan "Wala yun. Nevermind mo na lang"
Dumating na din ang inorder namin kaya kumain na kami. Pero hindi pa din mawala-wala sa isip ko ang sinabi niya
*You never change*
Anong ibig niyang ipahiwatig?
Pero alam niyo, feel ko lang ha? Parang ang ibig sabihin niya ay... Nagkakilala na kami noon. Wala naman akong matandaan na ganyan ang mukha. Ewan ko ba sa lalaking ito! Ano-ano na lang sinasabi eh!
Kakain na sana ako ng biglang may tumawag sa telepono ko. Pagtingin kp dito ay si Cris lang pala ang tumatawag kaya sinagot ko na agad
"Hello Cris tol!, bakit ka napatawag?" masigla ko pang sambit
[Tol, nandiyan ka na ba sa bahay niyo? Papunta na kasi ako]
"No no. Stop Cris! Nandito pa ako sa trabaho este nandito ako sa... Basta tol! Wala ako sa bahay. Bakit pala?"
[Wala tol. Sige na, ibababa ko na. Parang masaya ka na diyan sa pinuntahan mo. Ayoko nang mangisturbo pa] parang may kakaiba sa boses ni Cris, yun btaw'ng kakaiyak lang niya?
"Uy tol! Ayos ka lang? Parang hindi kasi eh!"
[Oo tol, ayos lang ako. Huwag mo na akong aalahanin. Ge tol, ibababa ko na. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo]
"Salamat tol"
Naputol na ang tawagan namin pero di ako makampante dahil parang umiiyak talaga siya.
"Okay lang yung kaibigan mo?" Napatingin ako kay Boss Pat
"Oo. Sana. Hindi ko alam"
Kumain na lamang ako dahil kanina pa ako nagugutom
'Sana Cris, okay ka lang talaga'
..
_____________________________
–CRIS POV—
Puno ng luhang naglalakad ako ngayon sa daan. Wala akong idea kung san ako pupunta. Wala si Agustin sa bahay nila, si Rica naman ay hindi pa nakauwi sa kanila.
Mas lalo akong napaiyak ng maalala ang nangyari kanina lang
***FLASHBACK***
"Ku-ya?"
Kilala ko ang boses na yun. Kaya di magawang di magkasalubong ang dalawang kilay ko. Nilingon ko siya.
Habang humahakbang siya papalapit sa akin ay siya din ang pagbuo sa kamao ko.
Yayakapin na sana ako neto katulad ng minsan niyang ginagawa ng lumayo ako.
"Bakit Kuya?" Nagtataka na siya.
Hindi ko akalaing sa likod ng inosenteng mukha ng kapatid ko ay magawa niya ang ganung bagay.
Unti-unting bumagsak na naman ang luha ko.
"Kuya bakit ka umiiyak?? Di kita maintindihan! Ano bang nangyari sayo??" Puro taka lang ang makikita mo sa mukha niya
"Kanina. Pumunta ako sa eskwelahan niyo para bisitahin ka. Pero anong nangyare? Wala ka. Sinong kumausap sakin? Ang teacher niyo at ang principal niyo. Sinabi nila sakin ang lahat-lahat, pati na din ang kaklase mong babae. Isinumbong niya sa akin ang lahat! Ng karantaduhang ginagawa niyo! Pero gusto ko marinig, mula sayong bibig. Tama ba ang aking narinig? Totoo ba ang sinabi nila?! NATHANIEL?!" Napagtaasan ko siya ng boses
Yumuko ito at nagsimulang umiyak "Kuya sorry!... Sorry talaga kuya!"
Pinigilan ko muna ang mga luha ko "Gusto ko lang itanong sayo Niel kung bakit? Bakit mo ito ginagawa at paano mo ito nagagawa?!! Do you think masaya sila mama at papa na makita kang ganiyan?!?"
"Hindi nila ako makikita kuya dahil patay na sila!"
"Oo patay na sila pero nakikita nila tayo mula sa itaas! Binabantayan nila tayo Niel! Inaalagaan at prino-proteksyonan!" Sambit ko
"Hindi ako naniniwala sayo Kuya. Kung binabantayan nila tayo, hindi nila hahayaang maging ganto! Sana! Nag-aaral ako ng maayos ngayon. At ang tanging iniisip lang ay makapagtapos! Pero ano?! Hindi diba?! Huwag kang magsalita ng ganyan kuya dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko!"
Nagulat na lamang ako dahil tinaasan niya ako ng boses.
"SUMASAGOT KA NA SA AKIN NGAYON AH?! SAN MO NATUTUNAN YAN?! SA MGA BARKADA MO?! BARKADANG WALANG MAPATUTUNGUHAN ANG BUHAY! PURO LANG ALAK, YOSI AT AWAY!.... Hindi ka naman namin ni Auntie pinalaki para maging taratando"
Napaiyak ulit ako "Hindi ako nagtratrabaho, nagbibigay ng pera sayo... Para lang ibili mo ng walang silbing bagay! Ang laki at ganda ng pangarap ko para sayo Niel! Ginawa ko lahat dahil akala ko, mabuti at maayos kang mag-aaral!" Napahikbi ako. At tinuro-turo ko pa siya habang binabanggit ang mga katagang yun.
"Pero sinayang mo lang yun lahat. Nawala na ang tiwala ko sayo. Pero ikaw?! SUMAMA KA LANG SA MGA KAIBIGAN MONG SALOT SA LIPUNANNN!!!"
"Huwag na huwag mo silang pagsalitaan ng ganiyan Kuya. Kahit ganun sila, itinutiring ko na silang pamilya ko na"
"E ako?! Pamilya moko!" Tumulo ulit ang isang butil ng luha ko.
"Oo nga pero parang hindi na! Palagi ka na lang trabaho Kuya! Paminsan-minsan ka na nga lang nandito sa bahay eh! Nung mga panahong kailangan ko ng isang kuya, asan ka? Diba busy sa trabaho? Naintindihan ko naman yun. Kailangan kita kasi gusto ko ng payo mo! Kailangan kita kasi walang nagpro-proteksiyon sakin!" Napahikbi na din siya
"Pero sa mga kaibigan ko. Sa kanila ko nahanap ang kaligayahan. Sa kanila ko nahanap kung pano maging matapang para lumaban"
"Isa ka nga sa kanila" napatango-tango ako "NAGDRU-DRUGS KA DIN BA?!!!"
Matapang lang ako netong tiningnan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasuntok ko na siya sa mainit kong kamao.
"WALA KANG KWENTANG KAPATIDDD!!!"
Hinayaan ko lamang siyang napasubsob sa sahig
"Kung makulong ka Niel, huwag kang tatawag sakin"
Iniwan ko na siya at umalis na sa bahay
***END OF FLASHBACK***
Yun ang nangyari.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko. Hindi ko alam kung san ako pupunta ngayon. Ayokong umuwi ng bahay.
Ng biglang may naalala ako....
'Tama! Sa kaniya ako pupunta'
..
*****************************
TO BE CONTINUED......