_________________________________
—MHEARL POV—
Niligpit ko na ang lahat at pauwi na ako ngayon sa aking condo.
Paglabas ko naman sa KleinShire ay nagtaka na lamang ako dahil may humintong motorsiklo sa harap ng shop ko
'Anong ginagawa niya dito e disoras na ng gabi at sirado na ang shop ko?'
Pagbaba naman nung nakasakay ay medyo nagulat ako dahil si Cris pala ang nakasakay.
Habang papalapit siya sa akin ay ang nakikita ko sa mukha niya ay kalungkutan at kakaiyak lamang niya.
Mas nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap at ilang sandali pa'y, naramdaman ko na lang na, basa ang balikat ko. Umiiyak siya.
Hinayaan ko na lamang siya sa ginawa niya. Alam ko naman kung ano ang problema niya. Baka tungkol yun kanina. Tungkol sa kapatid niya.
Ilang sandali pa'y nagsipatakan na ang mga tubig mula sa kalangitan.
"Cris! Cris! Umuulan! Halika!"
Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at hinila na ang kamay niya. Malapit lang ang kotse ko mula dito kaya tumakbo na kami papunta don. Lumalakad na din naman kasi ang ulan.
Pumunta na rin kaagad ako sa driver seat at pagpasok ko ay nakapasok na pala siya.
"Sumabay pa talaga yung panahon sakin oh! Naramdaman niya ata ang naramdaman ko ngayon" sambit niya sa sar
Medyo nabasa naman kami ng ulan.
"Cris, nagkausap na kayo ng kapatid mo? Kaya ka, ganyan ngayon?" Paninimula ko. Nakuha ko naman ang atensyon niya at tiningnan niya ako.
"Tama ka. At nagkasagutan pa kaming dalawa. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasuntok ko na siya. Mabuti lang sa kaniya yun" sambit niya sabay tingin ulit sa harapan.
"Do you hear his side? Kung bakit niya nagawa ang ganung bagay? Baka may malalim lang siyang dahilan Cris. Sa pagkakaalam ko, lahat ng ganung tao, mapa bata man o matanda, kaya dila gumagawa ng illegal dahil may naranasan silang sobrang sakit para sa kanila. Katulad ko. Pero hindi ako gumagawa ng illegal things" sambit ko
"Narinig ko ang side niya. Ang masakit lang ay... Mas mahal pa niya ata ang mga kaibigan niya keysa sakin na kuya niya" nagsimula na naman siyang umiyak habang nakatingin pa din doon sa labas.
"Alam mo Cris. Pasalamat ka't nakakasama mo pa sa isang bubong ang kapatid mo. Maraming sitwasyon dito sa Pilipinas na nagkakahiwalay ang magkakapatid. Minsan pa nga ay nagkakaki–" natigilan ako sa pagsalita dahil pagtingin ko sa kaniya ay nakatulog na pala ito. Napagod ata sa kakaiyak kaya ayan.
'Pero teka lang... Saan ko siya dadalhin? Hindi ko naman alam kung san siya nakatira. At ang pangit naman at ang sama kapag iwan ko siya dito at sa KleinShire na lang papatulugin'
'Teka lang... Saan ko ba siya dadalhin? Or maybe.... Sa condo ko na lang??'
Nilagyan ko muna siya ng seatbelt at ang akin din. Tapos ay pinaandar ko na ang kotse at umalis
(—SA CONDO—)
"Kuya, dito niyo na lang po siya ilagay" sabi ko sa Manong Guard. Habang binubuksan ko yung pinto sa kuwarto ng condo ko.
"Sige po"
Ipinahiga na niya sa kama si Cris na ang himbing ng tulog.
"Puwede po magtanong? Ka ano-ano niyo po siya? For two years niyo kasi sa condominium na ito ay ngayon ko lang siya nakita" tapos na niyang mahiga si Cris
"Kaibigan ko lang po siya Manong. Actually, siya ang magiging modelo ko sa La Fashion show"sabi ko sa kaniya at ngumiti
"Sure ka lang po bang kaibigan lang? Baka naman po KA-I-BI-GAN" Ngumisi naman eto. Haha. Nagets ko naman agad ang sinabi niya.
"Manong Guard yun lang po yun!"
Ngumisi pa din ito. "Sige po! Aalis na po ako kasi may trabaho pa ako! Basta po ipaalala ko lang sayo, baka mauulit yung dati iho!"
Nakalabas na siya.
"Hindi na yun mauulit pa" bulong ko saking sarili
Nilapitan ko si Cris at umupo ako sa bakanteng space sa gilid niya.
Tiningnan ko ang kanyang mukha. May mga tuyong luha kaya pinahidan ko na. Pinagmasdan ko ng mabuti ang makinis niyang mukha.
Napatingin ako sa kaniyang mata, nose and down to his red lips. Balik ako sa buo niyang mukha.
Sa dalawang taong nakalipas, ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagtinok ng puso ko.
Napatayo ako bigla ng mabalik ako sa katinuan.
"Omaygash! Earl! Ano yang sinasabi mo??! Itigil mo yang naramdaman mo! Hindi yan makakabuti sayo! Huwag kang mainlab ulit sa modelo mo! Huwag mo hayaang masaktan ka ulit Earl! Itigil mo yan! Natuto ka na ng leksyon nung una!" Parang baliw na sambit ko sa aking sarili at nakahawak pa saking buhok.
Umalis na ako sa kuwartong ito
________________________________
—NATHANIEL POV—
Oo. Aaminin ko sa inyo ang mga kasalanan na nagawa ko. Pero noon ko pa pinagsisihan yun. Gustong-gusto ko na ngang umalis sa grupong ito ngunit wala akong magawa.
Hindi nila ako papaalisin dahil kapag umalis ako? Ako ang isusunod nilang target. Idadamay pa nila si Kuya. Ayoko pang mamatay.
Pero kahit ganito ang mga kaibigan ko ay nagpapasalamat pa din ako sa kanila. Kahit paano ay natulungan nila ako
***FLASHBACK***
"Aray!" Kakadapa ko lang dahil hindi ko nakita ang batong nakaharang sa dinadaanan ko.
Nakarinig naman ako ng mumunting tawa. Ngumiti lamang ako ng hindi buo. Kilala ko kung sino ang may pakana neto.
Pinilit kong tumayo kahit na masakit ang paa ko. Ginamit ko na ang aking buong enerhiya pero bigo pa din akong makatayo.
Napatingin na lamang ako sa isang estudyanteng papalapit sa kinaroroonan ko. Tumatakbo ito at paglapit niya sa akin ay tinulungan niya akong makatayo.
"Bwesit talaga ang mga estudyanteng yun!" Sambit niya habang tinutulungan akong tumayo
Inilagay ko ang isang kamay ko sa balikat niya. At ginagabayan niya akong maglakad dahil ang isang paa ko lang ang mailakad ko.
"Kilala mo din kung sino sila??"
(—CLINIC—)
"Oo" sagot niya. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang grupo ng estudyanteng nanakit din sakin noon" medyo nagulat ako sa sinabi niya.
"Pero noon yun. Ang grupo pa nga ni Jay ang takot sakin ngayon e! Ikaw ba Nathan, hindi mo ba naisip na lumaban sa kanila? Hayaan mo na lang ba na api-apihin ka nila? Hindi ka ba napapagod??" Wika niya
"Minsan... Napapaiyak na lamang ako. Kinakaya ko na lamang yung mga sakit na ginagawa nila sakin. Nasasanay na lang ako" sabi ko sa kaniya
"Lumaban ka hoy! Huwag kang ganyan tol! You don't deserve it! Huwag mo hayaang api-apihin ka na lang nila hanggang dulo!"
"Gusto kong lumaban at maghiganti. Pero wala akong magawa. Kilala na sila sa school na ito na mga siga at hindi dapat kinakaaway o kinakalaban" aniko
"Pero sila lang ba ang naghari-harian sa scholl nato? Tol! Mas sikat ang grupo nila Gian keysa kay Jay! At kasali ako sa kanila! Gusto mong lumaban Nathan pero di mo alam kung paano?? Puwes... Sumama ka samin! Maging isa ka sa amin! Sumama ka na tol!"
"Ayoko Dort. Magagalit si kuya" pagtanggi ko "
"E di naman niya malalaman. Kung walang magsusumbong. Alam mo Nathan, halos lahat ng grupo ni Gian ay galing sa bully. Kaya sila gustong sumali dahil gusto nilang maghiganti. Katulad ko. At ngayon ay sila na ang takot sa akin" aniya
"Kapag sumali ka na, tuturuan ka kaagad namin ng martial arts. Pano makipaglaban, makipag-away. E-ensayo din namin ang bawat miyembro sa mga kagamitang panlaban. Kaya mahusay lahat ng miyembro"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
"Kaya ang grupo ni Gian ang pinakasikat sa school? Dahil sila ang nanalo laban sa grupo nila Jay. Ano Nathan? Magiging isa ka ba sa amin?"
***END OF FLASHBACK***
At sumali nga ako. Tama yung sinabi ni Dort. Nag-ensayo nga kami kung pano makipaglaban.
Oo. Minsan nahanap ko sa kanila ang aking kasiyahan.
Every week ay may dapat kang bayaran dahil parte na siya bilang isang miyembro sa grupo nila.
Masaya naman silang kasama. Pero habang tumatagal, nadidiskubre kong...nalaman kong... May ginagawa na silang masama. Gusto niyo malaman kung ano?
Gumagamit lang naman sila ng mga droga, m*******a at nagbebenta din sila ng mga drugs sa mga mayayaman ding estudyante.
Wala akong sagot ko sa tanong ni Kuya. Hindi ako nagdru-drugs at wala akong balak na gumamit nun. Tanging ang gumagamit lang ay ang nasa taas na ranggo sa grupo namin.
Kaya yung iba na gusto gumamit ay ginagawa nila lahat para tumaas ang ranggo nila. Pero samantalang ako? Wala. Hinahayaan ko na lamang sila sa kanilang ginagawa.
"Nathan! Nandito ka lang pala!" Napatingin ako kay Dort "Bakit ang lungkot ng mukha ko eh nasa party tayo kaya magsaya ka na!" Aniya habang nakabitbit pa ng isang botelyang alak tapos ay umalis na siya.
Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na nandito ako, kami pala sa bar. Birthday kasi nung girlfriend ni Gian kaya ayan, nagcelebrate.
'Wala akong ganang magsaya ngayon. Nagui-guilty ako sa mga sinabi ni kuya kanina. Naawa ako sa kaniya, sa totoo lang'
Pinagmasdan ko na lamang sila na todo saya at sayaw na nasa gitna.
Hangggang sa....
"TUMIGIL KAYO! MGA PULIS KAMI!"
Sh*t!
..
*********************
TO BE CONTINUED......