________________________________
—CHRISTOPHER POV—
Napagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ko naman ng aking dalawang mata ay nagulat na lamang ako dahil ibang kisame ang nakikita ko ngayon, hindi samin.
Agad naman akong bumangon at puro magagandang dresses, gowns na nakalagay pa sa picture frame at nakadikit sa wall ang nakita ko. Maganda talaga siya. As in, super!
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto. Ang linis ng buong paligid, white ang kulay ng dingding, ang nagpapaganda sa buong kuwarto ay ang mga pictures na magaganda at makukulay.
Pero teka lang.. Nasaan ba talaga ako?? Kanino ba itong kuwarto?? Sino nga ulit ang nakasama ko kagabi??
Bigla na lamang nag-flashback sa utak ko ang nangyari kagabi. Tapos ay napatingin na lang ako sa may gilid ko. Doon sa mesa na nasa gilid lamang ng kamang ito. Nakita ko doon ang picture ni Earl.
'Kay Earl? Bakit ba niya ako dinala dito?'
Bumaba na ako ng kama at naglakad papalabas ng kuwarto. Sa di pa naman ako nakalabas ay napahinto na lamang ako dahil iba na yung damit na suot ko, pati na din yung pantalon ko.
'Weyt WHAT??? Nakita niya si......'
Dali-dali akong lumabas. Paglabas ko naman ay nakita ko kaagad ang mini-sala at natigilan ulit ako ng makitang may kumot at unan sa sofa.
'Dito natulog si Earl? Bakit di na lang ako ang pinatulog niya dito? Okay lang din naman sakin'
Ilang sandali ay nakalanghap ako ng mabangong pagkain na tiyak akong galing sa kusina. Kaya naglakad at hinanap ko kung nasaan ito.
Nakatira lang pala itong si Earl sa condo. Medyo may kalakihan ang condo niya. Kung ikukumpara sa inuupahan naming bahay, medyo malaki pa ito keysa doon.
Pagkahanap ko sa kusina ay nakita ko nga si Earl na nagluluto. Tumingin naman ito sa akin.
"Uy Cris! Gising ka na pala! Akala ko kasi di ka na magigising eh!"
"Grabe ka ha?" Aniko sabay upo dito sa dining area niya. "Wala man lang... Good Morning Cris! Gutom ka na? Huwag kang mag-alala at malapit na itong maluto!" Sabi ko in a sweet voice
"Sino ka ba para pagsabihan ko ng ganiyan?" Aniya habang inililipat na ang niluluto nito sa pinggan. "Special ka ba? Jowa ba kita?"
"Hindi nga, pero... Future jowa mo na" sabay ngisi at kininditan ko siya. Gusto ko lang pagtripan si Earl HAHA ang bilis kasi niyang magalit. Gusto ko lang ding tumawa kahit na may problema ako ngayon.
"Sabi ko nga sayo Cris, hulihin mo muna yung cheetah bago mangyari yan"
Hindi na lang ako sumagot. Pumunta na ito kung nasaan ako ngayon dala ang niluto niyang amoy palang ay sobrang sarap na.
"Uy Earl! Parang masarap yan ah?!" nailagay na niya ito sa mesa
"Hindi parang. Masarap talaga siya, ako pa ba? Kain na tayo!"
Nagdasal muna ako saglit. Tapos pagkatapos kong magdasal ay napatingin ako kay Earl dahil nakatingin ito sa akin.
"Hmm, bakit Earl?" Nabalik naman ito sa kaniyang realidad.
"Wala!. Nagdadasal ka pala" sabi niya at nagsandok na.
Pagkatapos niyang magsandok ng kanin ay nagsandok na din ako.
"Bakit ba Earl?? Huwag mo sabihing, hindi ka nagdadasal?"
Lumipas ang ilang segundo ngunit hindi pa din siya makapagsalita
"So hindi nga?! Hindi ka din naniniwala na may panginoon tayo?!–"
"May dahilan ako Cris! At sadyang, iba-iba tayo ng pinaniniwalaan!"
Mas mabuting hindi na lamang ako sumagot. Medyo mataas na kasi yung boses niya.
Ang katahimikan ay namayanig sa pagitan naming dalawa.
Habang kumakain kami ay pinili ko na lamang na magsalita
"Uhm Earl? Salamat ah?!" Nagpatuloy lang ito sa pagkain. "Salamat dahil dun kagabi at kahapon. Medyo nagaan-gaan din kasi ang loob ko. Wala kasi yung ibang kaibigan ko kaya wala akong ibang choice, pinuntahan na kita kasi.... Gusto ko din ng makakausap. Sorry dahil.... Nakatulog ako kagabi. Siguro dahil napagod na ang katawan ko sa mga nangyare sakin kahapon. Salamat din dahil pinatulog mo muna ako sa condo mo. At salamat talaga dahil pinagluto mo pa ako oh! Salamat Earl ah?!"
"Welcome" tumingin na ito sa akin "Kaya kita pinatulog dito kasi di ko alam kung san ka nakatira"
"Mabuti nga at di mo alam" pilit akong ngumiti.
Ang totoo nyan, ayokong umuwi. Ayokong makita ang kapatid ko
"So, hindi pa kayo okay?"
"Uhm, oo"
"Kung ganun, huwag na nating pag-usapan yun, kumain na lang ulit tayo" balik kain naman kaming dalawa.
Napahinto na lang ako ulit dahil may naalala ako.
"Earl may tanong pala ako. Tungkol sa nangyari kagabi" aniko
"Go lang" sagot niya habang kumakain pa. Gutom ata ito.
"Ikaw ba ang nagpalit ng damit sa akin" tanong ko, natigilan naman ito sa pagkain. Tapos ay tumingin siya sa akin
_____________________________
—MHEARL POV—
'Omayghadd!! Ayokong pag-usapan yung nangyari kagabii!!' Sa isip ko
"Ako. Wala namang ibang tao na nakikita mo sa kuwartong ito diba? So, ako!" Sagot ko in a emotionless face tapos ay balik sa kain.
"WHATTT??!! Earl Earl Earl! Nakita mo ano ko???" Medyo lumayo pa ito sa akin. Tsk. Laakompake.
"MR. CHRISTOPHER ENRILE, Kaya kita binihisan dahil medyo nabasa tayo ng ulan! Kung di kita binihisan, magkakasakit ka pa. Imbes ba magreklamo ka, magpasalamat ka! Ipinahiram ko pa sayo yang suot mo ngayon" bulyaw ko sa kaniya at inirapan siya.
"E di, salamat. Magagalit ka pa eh!"
Di ko na lang ito pinansin.
****FAST FORWARD****
Dala-dala ko ang aking tuwalya at papasok na sana sa kuwarto ng humarap ulit ako kay Cris na nanghuhugas. Nagpresinta siyang manghugas e kaya bahala siya!
"Cris! Pagkatapos mo palang manghugas diyan, kung gusto mo nang umuwi dahil alam kong mag trabaho ka pa at mag-aalas-otso na, bukas na bukas yung pinto. Huwag ka na magpaalam sakin, aalis din naman ako pagkatapos kong mag-shower"
Humarap ito sa akin with nakakalokong ngiti. "Sabayan na kitang mag-shower Earl! Parang kailangan mo e!"
Emotionless pa din akong sumagot "Ha. Ha. Ha. NO THANKS!"
Pumasok na ako sa kuwarto at padabog pang isinira ang pinto
Agad naman akong pumasok sa cr dahil naalala ko naman ang nangyari kagabi sa kuwarto ko.
****FLASHBACK****
Pinili kong binihisan na lang si Cris. Successful ko namang natanggal yung pantalon niya without ano... Wuthout tingin sa ano niya ah basta ano! Alam niyo na yun.
Tinakpan ko na lang ito ng kumot dahil ayoko talagang makita! Oo, bakla ako pero di ako katulad ng iba na sobrang mapangahas pagdating sa lalaki.
Una ko palang tinanggal yung sapatos niya, ngayon ay tinatanggalan ko na siya ng damit. Naka jacket lang si Cris na open ang zipper and inside his jacket ay nakasando lang siya kaya ang bilis lang tanggalin.
Alam niyo, hindi ko talaga alam kung bakit ko ginagawa ito! Nagkusa ang katawan ko na gawin ito. Hindi naman ako ganito noon e!
Nahirapan pa nga akong namili ng pantalon at damit kanina kasi ang laki kaya ng katawan ni Cris! Ang tangkad pa!
Pagkatapos ko siyang hubaran ay tumambad sakin ang perpekto at pang-modelo talaga ang katawan niya. Tama nga na siya ang pinili ko.
Napatingin na lang ako sa mukha ni Cris dahil bigla itong gumalaw papunta sa aking direksiyon. Tapos ay kaunti niyang ibinuka ang kaniyang dalawang mata. Konti lang.
At tumingin pa ito sa direksiyon ko. Tapos ay nagulat na lamang ako sa sumunod niyang ginawa.
Waahhh!!!! Niyakap lang naman niya ako ng mahigpit. At yung katawan ko ay napunta sa kaniya. At nagulat na kang ako dahil.....
Dahil.....
Tumama ang aming mga bibig.
Agad naman itong inilayo ta's pagtingin ko kay Cris at ngumiti lang siya.
'Weyt... Gising siya?? Sinadya niya talaga yun? O baka nananaginip lang siya'
Isinara naman niya ulit ang kaniyang dalawang mata.
****END OF FLASHBACK****
At yun ang put*ngin*ng nangyari kagabi na ayaw ko nang mabalikan.
Nagkiss pa talaga kami! At... Teka lang, diba sabi kong ayaw ko nang balikan?? Pero ba't binabalikan ko pa?? Ikaw talaga selff!!! Ang bobo moo!!
Babye na nga, maliligo na ako.
....
_________________________________
—CHRISTOPHER POV—
Pinili ko munang maglinis bago umalis. Actually, tapos na akong maglinis dahil konti lang din naman ang lilinisin.
Ibabalik ko na sana ang walis tambo sa kusina ng biglang tumunog ang phone ko na agad ko namang sinagot.
[Good morning. Si Cristopher Enrile ba ito]" Boses lalaki yung tumawag.
"Yes po Sir, speaking"
[This is from Makati police station, your brother is in jail]
"POO???!!!" Dahil sa gulat ko ay napalakas ang pagkasabi ko at dahilan ng paglabas ni Earl sa kuwarto.
[Pumunta ka na lang dito iho, dito na namin ipapaliwanag]
..
***********************************
TO BE CONTINUED.....