CHAPTER 16: BROTHER'S LOVE

1478 Words
________________________________ —ASH POV— Nandito ako ngayon sa aking kuwarto. Habang tinitingnan sa phone ko ang napakagandang picture ni Rica. Ang totoo nyan, ang dami kong na-save na picture niya. Halos mapuno na ang storage ko. Hehehe ganyan talaga. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napalingon dun sa pinapanood kong BRIDE FOR RENT nina Kim Chiu at Xian Lim. Kusa lang gumalaw ang ulo ko papunta dun. "When I first see Pia, I knew, she's the one" [AUTHOR'S NOTE: DI KO MASYADO ALAM KUNG YAN BA TALAGA YAN. BAHALA NA KAYONG UMINTIND] Napangiti ako. Tama! Nung una kong makita si Rica ay nagkasundo na agad yung isip at puso ko. At sinabi ko sa aking sarili nung panahong yun, "She's the one. Seseryosohin ko na ang babaeng ito at hindi ko na lolokohin" Hindi ipinakita ng author niyo ang una naming pagkikita noh? Bleeee!!! HAHAHHAHA Pero yung ngiti ko kanina ay napalitan ng isang malungkot na mukha. Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Rica nung nag-usap kami. ****FLASHBACK***** "Nakalimutan mo na si Rey diba?" Tanong ko dahilan ng pagtingin niya sa akin at ilang segundo ang dumaan bago siya nakasagot "Ash kasi... First love ko siya. Kaya ang hirap kalimutan" Napatango-tango na lamang ako "Sabi nila diba, first love never dies... Naka-move-on ka naman sa kaniya diba?" Malungkot pa din ang mukha niyang nakatingin sa akin "Im sorry Ash. I think hindi pa. Hindi pa din kasi umabot ng isang taon ang hiwalayan namin e!" Napangiti na lamang ako ng mapait "Okay lang" ****END OF FLASHBACK***** Ngayon lang ako nagseryoso pero, ba't nangyayari sakin 'toh? Karma ko na ba ito? Ang dami ko nang napaiyak na babae at ako naman ngayon ang iiyak. I think nga, mahal pa ni Rica yung ex niya. Mahal pa niya si Rey. "Anak?!" Napalingon ako saking likod. Si Dad nga. "Dad? Ang aga niyo atang nakauwi? At bakit po kayo hindi kumatok bago pumasok??" "Sorry anak. Bukas kasi yung pinto" umupo ito at tumabi sa akin "Ang aga niyo ata dad? Si mom po? Magkasama kayong umuwi?" "Ah oo. Inasikaso niya si R. Dito na kasi si R satin titira" Nagtaka naman ako sa sinabi niya "Po?? Sinong R??" "Hayst. Siya yung lalaking sinasabi ko sayo last week pa na titira sa atin. Anak siya ng auntie mo. Malapit lang din kasi dito yung trinatrabahuan niya" "Anak po siya ni Auntie? Auntie Elsa? Bakit hindi ko siya ni isang beses man lang nakilala?" "Kaya ngayon, makilala mo na siya" Iba ang kutob ko sa R na ito. At di ko alam bakit ganito. Napalingon ulit ako kay Dad dahil kinuha niya ang phone ko. "Maganda siya anak. Nagmana ka talaga sa akin, magandang magpili pagdating sa mga babae" kinuha ko sa kaniya ang phone ko. "Nagmana talaga ako sayo Dad. So, babaero po kayo noon?" "Uhm yes. Pero noon yun anak. Nung panahon pa nung kabataan namin. Pero nung makilala ko ang mama mo? Doon na ako nagsimulang magbago. Hanggang sa nagbago na talaga ako. People change anak. Kaya ikaw ha? Magbabago ka na para sa babaeng yan" "Opo dad! PROMISE!" "Masaya ako para sayo anak" sambit nito sabay gulo sa aking buhok. "Maraming salamat Dad" "That's my son" Napalingon ako sa may pintuan dahil may taong pumasok. "Mukhang ang saya ng pinag-usapan niyong mag-ama ha?! Puwede ba akong sumali sa inyo?" "MOM!" tumayo naman ako at humalik sa kaniyang pisngi tapos ay umupo ulit "Hay naku Anne! Ito kasing anak natin may nililigawan na" si Dad. "Talaga anak? Maganda ba?" Tumingin si mama sa akin "Yes Anne. Maganda, tulad mo" Ay aba't maglalandian pa sa harap ko! Hehehe joke lang. Mga magulang ko 'toh. "Tumigil ka na nga diyan Jeremy!... Ano bang pangalan niya anak?" "Uhm, Ricaela Salazar po, ma, pa" sambit ko at ngumiti "Wow! Pangalan pa lang ang ganda na anak!" Sambit ni mommy "E anak kailan mo siya ipakilala sa akin?" Tanong ni Dad. "This Sunday dalhin mo siya dito. Tutal nandito lang din naman kami ng mama mo sa araw na yan" "E sana po pumayag. Napipilitan nga lang po siyang magpaligaw sa akin. Kung hindi sa pangungulit ko hindi ko siya mapapayag. Mabuti dahil napapayag ko" "Dalhin mo siya dito anak, papayag yun" "Sana Dad" at ngumiti akong hindi buo. "Mom, dad, matanggap niyo po ba siya? Hindi po siya galing sa mayamang pamilya" Nagkatinginan naman silang dalawa tapos ay nangngitian. "E ako din naman anak hindi ako galing sa mayamang pamilya. Mama mo lang. Pero tingnan mo kami ngayon anak oh, nagmamahalan" Napangiti na lang ako sa ka-sweetan ng magulang ko "Kaya ikaw anak Ash. Tatanggapin namin siya kahit saan pa siyang pamilya galing. We want you to be happy son. At maging masaya na kami kapag nakitang masaya ang anak namin" Ngumiti ako ng malapad "Salamat Mom! Salamat Dad!" Tumayo ako at niyakap silang dalawa. Yakap na sobrang higpit. ________________________________ —CHEISTOPHER POV— "Mr. Enrile, kaya namin hinuli ang kapatid mo dahil lumabag siya este sila pala sa curfew. Nagparty at naglasingan sila kasama ang mga kaibigan niya. May nakita din kami Mr. Enrile na sachet ng shabu sa bulsa niya" sambit nung manong pulis habang ako'y parang wala lang. Kanina pa ako ganito. Nawala yung naramdamang saya ko kanina. "Cris! Kanina ka pa. Okay ka lang ba?" Ningitian ko na lang ng hindi buo si Earl. Yes, sumama siya. Balik tingin ako kay Manong pulis "Sir, gusto ko lang pong makausap ang kapatid ko? Maaari po ba?" "Oo naman iho. Sumunod ka lang sakin" Tiningnan ko muna si Earl "Earl alam kong may trabaho ka pa. Puwede mo na akong iwan, kaya ko naman ang sarili ko. Maraming salamat na lang sa lahat" "Sige Cris, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka na lang sa pag-uwi mo" Nagsimula na siyang maglakad palabas. Ako naman ay sinundan ko yung pulis kanina. Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa pumasok kami sa isang silid na may konting hallway at dito pala yung bisitahan ng mga preso. Medyo marami nga ang mga tao dito. "Maghintay ka muna dito iho" Umupo ako sa may bakanteng upuan. Tapos ay inilagay ang dalawang supot sa lamesa Iniwan naman ako ng pulis at pumasok siya sa isang silid na may nakabantay na isang pulis din sa may gilid. I think, nandiyan lahat ng nakakulong. Ilang sandali pa ay lumabas na din ang pulis at kasama na nga niya ang kapatid ko. Habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ko, nakatingin sa akin si Niel na may maawang mukha. Pero isang galit lang na emosyon ang ipinakita ko sa kaniya. Tapos ay umupo na siya sa harapan ko. Napaka-inosente ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Huminga muna ako ng maluwag at nagsalita. "Kumain ka. Dahil alam kong nagugutom ka" sabi ko sa kaniya in a emotionless face at sumandal ako sa upuan sabay crossed-arm. "Kuya?!... Kuya patawarin mo'ko. Patawarin moko sa mga nasabi ko sayo kagabi. Hindi ko dapat sinabi yun sayo kuya. Patawad kuya, patawaddd!!!" Nagsimula na siyang yumuko at umiyak "Kuya sorry na plss??" Di ako magpapatinag. Di ako magpapaniwala sa mga kalokohan niyang yan! "Kuya magsusumbong na po ako sa inyo. Simula nung pumasok po ako sa school ay binu-bully na nila ako" Napakawala ako sa pagkakasandal. "Kasi daw po namatay na sila mama at papa. Batang kawawa, batang ulila. Lahat ng p*******t nila ay naranasan ko. Ikinulong sa bodega ng eskwelahan, habang sobrang dilim ng paligid, tinatakot sa cr, binubuhusan ng malamig o mainit na pagkain o inumin. Minsan kinukuha nila ang baon ko at ang lahat ng pera ko. At kahit na ano-ano pa! Sobrang dami pa! Ayokong isumbong sayo lahat ng yun kasi papatayin nila tayo Kuya. Which is, ayokong mangyari" Nung kaninang ayokong umiyak. Napaluha na lang ako "Kasi Kuya, ang ganda ng pangarap mo para sakin diba? Pero binalewala ko lang yun. May mga panahong gustong-gusto kita kausapin kuya, kasi gusto kong mamasyal-masyal muna tayo. Yung tayo lang dalawa, nagkakasiyahan at nagtatawanan. Sobrang miss ko na kasi yung kuya kong nagbibigay saya sakin. Nagbibigay ng pag-asa at nagsasabing huwag na huwag susuko sa buhay, pero wala ka" "Yung panahong binubully ako sa school. Yung panahong takot na takot at iyak lang ako ng iyak, walang palaging lumalabas sa bibig ko kundi ang salitang Kuya. E kasi kuya, wala akong ni isang friend sa school para tulungan ako. Walang makipagkaibigan sa akin. Walang ibang nagmamahal sakin kuya kundi ikaw lang! Kaya kuya sorryyy!!! Sorry na Kuyyyaa!! Patwarin mokooo!!!" Napayuko na siya at kanina pa napahagulhol Puno na din ng luha ang mukha ko. Naawa ako sa sarili ko pero pinaka-naawa ako sa kapatid ko 'He didn't deserve all the judgements, pains, bullies and etcetera' Hindi ko na kaya ang sarili ko at tumayo na ako at niyakap siya "Sorry din Niel! Sana mapatawad mo si Kuya!!" .... ****************************** To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD