________________________________
—NATHANIEL POV—
Hindi ko na kaya ang aking mga salita kanina at ako'y napaiyak na lamang. Sobrang sakit lang kasi isipin yung mga panahong yun.
Pero dahil nasabi ko na kay Kuya ang lahat ng hinanakit na tinago ko ay parang gumaan yung pakiramdam ko. Pero may halo pa ding sakit e!
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni kuya habang patuloy pa din ako sa pag-iyak.
"I'm so sorry Niell!! Sana mapatawad mo si kuya!! Hindi ko alam na yan pala ang naramdaman mo, wala akong alam! Sorry sa lahat-lahat Niel!... Hindi man lang kita naproteksyonan. Sorry kung nawalan ako ng oras sayo. Sorry sa mga panahong kailangan moko ngunit wala ako. Sorry sa lahat kapatid ko! Hindi ko nagampanan ang pagka-kuya ko sayo! Wala akong kwenta!"
Pinigilan kong huwag umiyak, tapos ay hinarap si kuya
"Kuya" ipinaupo ko siya sa tabi ko "Huwag mong sabihin yan kuya. May kwenta ka dahil ikaw ang natatangi at wala nang iba pang Kuya ko"
Nakahawak lang ako sa isang kamay niya
"Pareho tayong may kasalanan sa isa't-isa. Ako pala yung dahilan kung bakit naging ganiyan ka. Pinapatawad na kita Niel at sana, mapatawad mo din ako"
"Of course naman kuya. Papatawarin kita kasi ikaw ang kuya ko" wika ko
"Sorry kung nawalan ako ng oras sayo ah?! Alam mo namang may iniwang utang si papa sa atin. Sobrang napakalaki ng halagang yun at di pa tapos bayaran. Kaya ako na lang ang babayad"
"Naintindihan ko naman yun kuya. Pinapatawad na din kita"
Ang kaninang puro luhaan naming mukha ay ngayon ay napalitan na ng ngiti
Nagyakapan naman kaming dalawa pero mga ilang sandali lang.
_________________________________
—CHRISTOPHER POV—
Sa pagkayakap ko sa kapatid ko ay talagang bumalik na yung sigla ng puso ko gaya nung dati.
Ilang segundo lang din naman kaming nagyakapan.
"Kuya yung about pala kagabi. Kuya wala naman akong droga sa bulsa ko e! Hindi ako nagdru-drugs at never akong magdrugs! Yung isa kong kaibigan, pagdating na pagdating talaga ng mga pulis ay siya din ang paglapit niya sa at bigla lang niyang inilagay ang drugs nga sa bulsa ko. Kukunin ko na sana ito at ibigay sa kaniya ng pinigilan ako ng mga pulis"
Taka lang ang emosyon ko sa mga sinambit niya.
"Sinabi ko naman ito sa kanila, ngunit hindi sila NANINIWALA!" Diniinan niya ang salitang yun sabay tingin sa mga pulis.
"Di bale na Niel. Maghahanap na lang ako ng paraan para makalaya ka dito. Kahit gaano pa kalaki ang babayarin, babayad ako. Gagawin ko ang lahat makalaya lang ang kapatid ko" saad ko
"Pero kuya–" pinutulan ko siya
"Don't worry Niel. Kaya na kaya ko ito. Ako pa ba? Ang tapang kaya ng kuya mo! Sabi ko nga kanina, gagawin ko ang lahat kahit ano pa yan! Basta makalaya lang ang kapatid ko sa lugar na ito" aniko
"Kuya, puwede bang hayaan mokong magsalita?"
Napatahimik na lang ako
"Huwag mo na yung aalahanin kuya. Dahil sabi ni Gian, nakausap na niya yung mama niya, este mga magulang niya. Sila na daw ang bahala saming walang pambayad"
Lumapit siya medyo sa akin "Ganun sila kayaman kuya. Sobrang napakayaman nila Kuya. Kaya nilang pasundin ang isang tao gamit ang pera"
"Pero masama naman atang gawin yun sa ating kapwa" aniko
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ginagawa nila yun kuya. Mabait ang mga magulang ni Gian. Sadyang siya lang talaga ay may malaking dahilan kung bakit siya ganyan"
Napatango-tango na lamang ako. Hindi ko alam kung bakit okay lang sakin na pagchiss-misan yun e hindi naman ako klase ng tao na chismoso
"Kumain ka na lang Niel. Sayang kung hindi mo kakainin yan"
"Sige kuya. Gutom na din kasi ako. Hehe"
_________________________________
—MHEARL POV—
Kakalagay ko lang nung mga dagdag na damit. Napapangiti na lamang ako nung maalala ang simula ko sa shop na ito.
***Phone rings*****
Kinuha ko ang phone ko at sinagot ko kaagad dahil alam ko naman kung sino ang tumawag.
[Uy bakla! Kamusta ka na?!] bungad agad ni Sashi. Kung sino siya? Malalaman niyo din.
"Ikaw ang kamusta! Kamusta ang buhay US? For sure madami ka nang na designs diyan. Kung wala talaga, papatayin kita.. Jowk lang!"
[Huwag naman. Kung papatayin moko, wala nang makakasama ang baby ko. Kawawa naman siya diba?]
Naglakad ako. "Awts.. Sanaol may bebe na!.. Kamusta pala yung sinalihan mong sikat din na Fasion Show diyan? Ikaw ba ang nanalo bakla?" Tanong ko
[Ano pa ba sa tingin mo?]
Medyo nagulat ako sa sinabi niya na may saya "Owemjie bakla! Congrats sayo!"
[Maraming salamat bakla... Btw dahil tapos na ang work ko dito, babalik na ako diyan sa Pinas! At kailangang pagbalik ko ha ay magpa-red carpet ka diyan!]
"Hys! Ewan ko talaga sayong bakla ka. Pero sge ba, para sayo HAHHAHA"
[Just kidding. Kamusta pala ang dresshop natin diyan?] huminto naman ako sa paglalakad at tumingin-tingin sa buong dresshop
"Ok naman. Maayos naman ang pagka-manage ko, gaya pa din siya ng dati pero, nadagdagan tayo ng mga customers" sambit ko
[Very good! I believe in you Earl!]
"Salamat bakla!" Napangiti ako "Btw kailan ka nga babalik ng Pinas?"
[Maybe next week ata?... O siya bakla! Ibababa ko na. Nandito na kasi si myluvs ko e heheheh. Bye!!]
Naputol na nga ang tawagan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Yun si bakla, 32 years old. Ang laki ng gap naming dalawa noh? Pero magkaibigan pa din.
May aaminin ako sa inyo.
Kay Sashi talaga este siya talaga ang may-ari ng dresshop na ito. Nagkakilala kami years ago na din ang nakalipas. Mga 17 o 18 ata ako nun.
Nagpa-design kasi si mommy ng damit sa kaniya. Si Sashi din ang dahilan sa pag-enhanced talaga ng mga designs ko. Isinali niya ako sa mga fashion shows kahit nasa murang edad pa lamang ako.
Siya din ang dahilan kung bakit sikat na designer na ako. Sobrang sikat din naman kasi niya. Nabasa niyo naman ata kanina na nasa US siya at ako ang pinamanage niya. Sobrang bait talaga nung baklang yun.
Akalain niyo yun. Ipinangalan din niya ang pangalan ko sa dresshop niya. Para na nga kaming magkapatid eh,mama pa kumbaga.
Naglakad ulit ako ng biglang napahinto ulit ako. Tumunog kasi ang phone ko hudyat na may mensahe at galing ito kay 'Cris?'
[Salamat Earl. Malaki ang naitulong mo sa akin]
Napangiti ako at agad siyang nireplayan [Walang anuman]
"Hep hep hep! Iba yung ngiti na yan! Parang may something na yan eh!" Nandito naman ang mga monggoloid kong kaibigang ito. Syempre diba, nandito sila dahil dito sila nagtratrabaho. Hays! Ako ang vovo.
"Uy! Si Cris pala ang ningitian mo!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na binack to home ang phone ko
"Uy Earl! Kaibigan sa kaibigan! Umamin ka nga sa amin! May gusto ka na ba kay Cris?"
I was speechless
'May gusto na nga ba talaga ako sa kaniya?'
"Ah wa-la! Ako?! Magkakagusto sa lalaking yun?! Never in my life!" Saad ko
"Kung wala nga, bakit mo siya pinatulog sa condo mo kagabi?"
Gulat na may taka ang emosyon ko sa sinambit ni Ross
"Paano niyo nalaman?"
Sumagot si Rica "Simple lang naman. Nakausap namin yung guard at ikinwento niya sa amin ang lahat"
Si Ross naman "Uy Ikaw Earl! Di mo nga kami pinapatulog sa condo mo kahit isang beses man lang. At matagal mo na kaming kaibigan! E kay Cris na kaybago-bago lang pinatulog mo doon!"
"Hays!" Napahilamos ako ng mukha "Aksidente yung about kay Cris kagabi. Habang nag-uusap kasi kami ay bigla siyang nakatulog. Kaya ayun! Dinala ko siya sa condo ko dahil hindi ko naman alam kung san siya nakatira!" Pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Ayus! Naghahanap ka pa ng paraan paa di mabuking!"
"Totoo nga guys! Hindi ba kayo naniniwala?!"
Nagkatinginan ang dalawang ito at humarap ulit sa akin na may ngiting mapang-asar.
"Okay. Naniniwala na kami. Pero sagutin mo muna yung tanong namin at dapat tapat ka! Dahil magkaibigan naman tayo.... Gusto mo na ba si Cris?"
Hindi ako makapagsalita. Walang anumang salita ang lumabas mula sa bibig ko.
Puwede bang humanap ng paraan para maiwasan at hindi na masagutan ang tanong ng dalawang ito?
"Ano? Di ka makapagsalita? Kasi ano? Totoo na may nara-" di ko siya pinatapos
"Wala! At kung di kayo naniniwala, bahala kayo sa mga buhay niyo. Bumalik na tayo sa trabaho"
Pagkatapos kong banggitin ang katagang yun ay iniwan ko na sila.
Maglakad na sana ako papunta somewhere ng bigla akong napahinto. May iba kasing red na kotse ang huminto sa harap ng dresshop, at alam ko naman kaagad kung kanino ito.
"Sh*t! Bakit na naman siya nandito??"
..
********************
To be continued......