"Jaylord, I'm really sorry. Hindi ko alam," parang pinipiga ang puso ni Lily sa nalaman. Hindi niya akalaing malaki pala ang epekto ng pagkawala nito sa dating unibersidad. Biglang bumangon sa kanyang puso ang labis na galit at poot para kay Isaac. "Please, Lily 'wag kang magalit sa boyfriend mo. Sa totoo lang wala naman siyang alam sa kalagayan namin." "No! Hindi mo ako mapipigilan. Dapat lang na malaman niya 'to para man lang maskin paano ay magawan niya ito ng paraan." "Paano kung ma misinterpret niya ang pagiging concern mo sakin?" "Huwag na muna natin problemahin 'yan, ang dapat nating isipin ay ang solusyunan ang problema mo." "Pero Lily, kalabisan na rin itong ginawa mo. Natatakot akong makita ka ng mga media at gawan pa tayo ng scoop, alam mo bang malaking problema 'yan kay

